Share

Alliyah and her cuteness

“Aray! Aray ko po, tama na ma’am. Pabayaan niyo na po ‘yan, pakilagyan na lang ng band-aid,” labis ang pagmamakaawa ni Alliyah sa school nurse. Nakailang pagpahid kasi ito sa kaniya ng alcohol sa noo na nasa may bandang kilay niya. Kamalasan niya’y naabot pa rin siya ng isa sa mga babae na nakaaway niya kanina lang.

“Hindi puwde, masyadong mahaba ang sugat na ‘to. Namamaga pa, gaano ba kahaba ang kuko ng nakakalmot sa ‘yo?”

“Hiindi ko rin po alam ma’am, siguro’y may sa-aswang ang isang ‘yon eh.”

“Sa susunod kapag makikipagsabunutan ka’y sigraduhin mong hindi madadamay ang mukha mo, pangit naman kung matatadtad ka ng sugat riyan.”

“Aray Miss,” sa huling pagkakataon ay napasigaw si Alliyah. Mabuti at iyon na ang huling dampi ng bulak na may alcohol sa may noo niya.

“Sige na, ayos na ‘yan. Nalagyan ko na rin ng band aid, hindi mo naman kailangan pang magpaconfine kaya puwede na kayong bumalik sa mga silid niyo,” iyon ang huling sambit ni Ms. Gomez, ang dalagang school nurse bg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status