Naningkit ang mga matang napailing nanaman si Audhrey. "It doesn't make sense." Paanong may mangyayari sa dalawa kung in love si Ingrid sa kanyang asawa. Muling bumalik sa kanyang ala ala ang mga tagpong iyon na lubos niyang nais ibaon sa hukay. Ang araw na nahuli niyang magkasama ang dalawa. Nananatiling fresh lahat ng kaganapan na iyon sa kanyang utak. "Was she playing games with us?" Kunot noong tanong niya sa asawa. Hindi magtugma o umayon ng lahat sa kanyang utak. "What do you mean by that?" Takang tanong naman ni Darcy. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi kung paano kukumbinsihin si Ingrid na manatili sa apartment na kinuha niya para rito. May dahilan na din para si Bianca ang mismong mag alaga rito. Tiwala siya kaysa ibang tao. Anak niya pa din ang dinadala ni Ingrid. **** Walang nagawa si Audhrey kundi hayaan manatili at least isang gabi lang sa pamamahay niya si Ingrid. Samantala sa guest room hindi mapirmi ni Ingrid. Kasisilip pa lang ng haring ar
NANG MAKABALIK ng silid naalala niya ang gabing nagpaka lango siya sa alak dahil hindi magawang suklian ni Darcy ang pagmamahal na meron siya para rito. Isang estrangherong lalaki ang nakatalik niya dahil sa katangahan. Isang araw nagising na lamang siyang bumabaliktad ang sikmura. Sumabay pa ito ng tumawag sa kanya ang kapatid para ibalita ang isa pang dudurog sa kanyang sistema. Hinuli ito ng mga awtoridad. Doon lamang niya nakilala si Nathalia. Isa ito sa nag demanda ng staffa sa kanyang kapatid. Sa laki ng perang nawala rito at sa koneksyun na meron ay hindi ito nagawang malagpasan ng kanyang kapatid. Nakiusap siya kay Nathalia na babayaran ang halagang nawala buhat sa kagagawan ng kanyang kapatid ngunit tila mapaglaro ang tadhana. May tinatagong labis na poot ang mayamang babae sa kaibigan na si Darcy. Sinamantala ni Nathalia ang sitwasyun niya kaya siya napilitang umuwi ng Pilipinas upang simulan ang kondisyun nito para iurong ang demanda sa kanyang kapatid.
Nakiusap si Bianca kay Audhrey na hayaan na muna silang manatili ng Mansion ni Ingrid. Upang maipag patuloy din nito ang kanyang trabaho para suportahan ang mag ina niya. Pansamantala lamang iyon para hindi mapahamak si Ingrid kay Nathalia at palabasin na under control pa din ang sitwasyun. Lingid sa kaalaman ni Ingrid na may isinasagawa na palang hakbang si Darcy. Wala ding kamalay malay si Nathalia sa mga nilulutong putahe si Darcy. "Pumayag ako hindi ibig sabihin tanggap ko na ang asawa mo, Bianca. I know hindi ko hawak ang buhay mo, desisyon mo o kung paano ito patakbuhin pero sana maintindihan mo ako kung bakit-" Sandali siyang naudlot sa sasabihin. Napayuko. "Naiintindihan ko, Dhrey..." Si Bianca na ang nagpatuloy. "..Pero sadyang misteryoso ang pag ibig." Humawak siya sa mga kamay nito at pinagtama ang kanilang mga mata. Wala ng nagawa si Audhrey kundi mapabuntong hininga na lamang. Alam niya sa sariling hindi niya ito matitiis. Nangyari na ang nangyari at
[AUDHREY SOLACE]Halos three months na ang lumipas matapos ang naging kasal ko sa taong ni hindi sumagi sa panaginip ko na magiging asawa ko. Panay ang lakad ko dito sa loob ng kwarto habang mahigpit na hawak ang phone. Hindi ko alam kung paano tatapusin ang lahat sa long time boyfriend ko. Siya lang sa buong buhay ko ang inibig ng puso ko. Naka plano na ang lahat. Sa kanya ko nakita ang future ko na naghihintay sa akin sa altar. Siya ang pinangarap kong makasama sa mga darating pang araw, buwan at taon ko dito sa mundo ng ibabaw. Hanggang sa pag tanda, sa pag puti ng buhok, sa pag lagas ng ngipin namin at maging sa kabilang buhay. Nagunaw lahat ng iyon ng makasal ako sa mahaderang CEO ng company kung saan isa akong empleyado. Nung una mataas ang tingin ko sa kanya dahil hindi lang siya mayaman, maganda, matalino kundi saksakan ng bait. Kilala siya na matulungin sa lahat ng nangangailangan. Down to earth sa kabila ng mataas na antas niya sa buhay. Ngayon kinasusuklaman ko siya
Dumating ako sa address na sinabi ko kay Liandro kung saan kami magkikita para mag usap. "Kumusta ka na? Akala ko hindi ka na talaga magpapakita." Hawak hawak niya ang mga kamay ko habang magkaharap kami nakaupo. Andito kami ngayon sa isang restaurant. Mabuti na lang at walang katao tao. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Hindi ko alam paano saan maguumpisa. Ngayon ko lang siya ulit nakita at halatang malaki ang naging epekto ng biglang hindi ko pagpaparamdam sa kanya. Bagsak ang mukha nito. Sobrang stress. Tila nabawasan din ang timbang niya. Bahagyang humaba ang buhok, balbas at bigote niya. Ang itim din ng paligid ng mga mata niya. Hindi siya marahil nakakatulog dahil sa kaiisip sa akin. Kung ano na bang nangyari. "Babe.. Kausapin mo naman ako, please. Tsaka sino ba tong kasama mo?" Tinutukoy niya ang personal body guard ko. Oo. Hindi ako nakakalabas ng Mansion ng mag isa. "I'm so sorry, Lian. H-hindi ko gustong saktan, masaktan ka." Ga
Kasunod kong pumasok ng kotse si Darcy. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap ng mahigpit at sa kanya nilabas ang lahat lahat. "Soon.. Everything will be fine, my dear wife." Niyakap niya ako pabalik at wala man lang akong naramdamang pagkaalangan. Tila nakakatulong ang yakap niya para mabawasan ang sakit. Naisantabi bigla lahat ng muhi ko sa kanya. Patuloy lang ako sa pag iyak habang hinahaplos niya ang likuran ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pag gising ko wala na kami sa kotse at.. At andito na ako sa kwarto? Pero hindi ko to kwarto... Asan ako?? "You're awake." Agad akong napasulyap sa pinang galingan ng boses. Naka cross ang mga paa at kamay nitong prenteng nakaupo ng couch. Tanging malaking t shirt ang suot?? "Are you hungry? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain?" Dibale na lang. Wala akong gana. "Anong ginagawa ko dito?" "You are my wife. Dito ka dapat sa kwarto ko. Kwarto natin." "May isang buwan pa ko, Darcy. Pleas
Nauna nga akong makauwi kay Axell. Nagkapang abot pa kami ni papa sa hospital. Nalaman kong sa ibang bahay na pala siya nakatira at doon na din uuwi si mama kapag labas nito.Malapit na din daw makauwi ang kapatid ko. Ibig sabihin bumubuti na ang kalagayan niya. Iba talaga kapag sa private. Si Axell ang bumili ng bahay kaya nabigla talaga ako. Naikwento din sa akin ni mama kung paano sila uli nagkita ni Axell. Pero ang hindi ko natanong ay kung bakit hindi man lang niya nakwento sa akin. Ang dami ko pa sanang gustong itanong pero nakatulog si mama marahil dala ng mga gamot na iniinom niya. After kong magbihis lumabas ako ng kwarto at tutungo sana ng garden ng may marinig akong tawanan. Kilala ko ang isa sa mga boses. Si Axell yun. Mukhang may bisita siya. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang marating ko ang pakay. Naging tambayan ko na to maliban sa kwarto ko at dining. Nang makaupo ako ng bench naalala ko nanaman si Lian. Ilan sandali lang napaluha nanaman ako. Sa kabila n
"Do you wanna go somewhere else?" Tanong nito habang papasok ng banyo. Kinuha niya ang toothbrush na katabi lang ng akin. "Ayoko kung ikaw lang din naman ang kasama." Kinuha ko din ang akin at nagsimulang magsipilyo matapos malagyan ito ng toothpaste. Hindi maiwasang mahagip ko siya sa reflection ng salamin dahil magka lapit lang naman kami. Mabuti na lang at dalawa ang sink hindi namin need mag share. "Ganun ba talaga kalaki ng galit mo sakin?" Pumilig siya para tignan ako matapos niyang magmumog. Hindi pa ako tapos kaya di ako makasagot. "Sinong hindi magagalit sa ginawa mo?" Ganti ko ng makaharap sa kanya. Nakapa maywang pa ako. Meron naman ako nun pero di ko naiwasang mapatingin ng mabilis sa dibdib niya. Ang laki. "I just-" Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin. Bigla na lang ako nitong nilayasan. Bahala siya sa buhay niya. Dumaan pa ang three months na puro kami bangayan ni Axell. Minsan nga nakakatulugan na lang namin ang pag aaway. Mainit pa din talaga ang dugo ko sa