ABOT langit ang tuwa ni Kira nang magustuhan ni Craig ang niluto niyang ulam. Hindi naman nagreklamo si Dimitri kaya alam niya na nasarapan ito sa luto niya.“Panalo ka, Dimitri, masarap magluto ang asawa mo!” sabi ni Craig.“Gumamit ‘yan ng kodego,” ani Dimitri.Hindi natuloy ang pagsubo ni Kira ng pagkain. Alam niya ang sinabi ni Dimitri kaya uminit ang bunbunan niya. Walang anu-ano’y hinila niya ang plato ni Dimitri kaya natigilan ito.“What are you doing?” may iritasyong tanong nito sa kaniya.“Sabi mo gumamit ako ng kodego sa pagluto, eh ‘di ‘wag ka kumain! Magluto ka ng ulam na walang kodego!” aniya.Tumawa na naman si Craig. “You’re so cute, Kira. Kailangan ka talaga ni Dimitri para hindi siya palaging walang kibo at mainitin ang ulo,” sabi nito.“Sorry, hindi na kita lalaitin,” bawi naman ni Dimitri.“Subukan mo lang akong laitin, magpapahalik ako sa ibang lalaki!”Sumama ang tingin sa kaniya ni Dimitri. “Iyan ang huwag mong gagawin, Kira. Alam mo ang ayaw ko.”Umismid siya. “
HINDI maka-get over si Kira nang malamang pumasa siya sa exam. Mag-aaral na rin siya sa college! Matagal na niya iyong gusto dahil sa kuwento ni Teacher Roy na maganda mag-aral ng college pero asahan daw umano ang hirap. Dahil isang linggo na lang bago ang pasukan, araw-araw na ang tutorial niya at once a month na lang umano ang session niya kay Dr. Jean. Sabado ng umaga ay maaga siyang naligo dahil mamimili siya ng gamit sa school. Pagdating niya sa kusina ay naroon si Dimitri at naghahanda ng sandwich. “Aalis ka ba?’ tanong niya rito. “No,” tipid nitong tugon. “Samahan mo ako punta ng mall,” nakangiting sabi niya. “Si Manang Sonia lang ang makakasama mo.” Napalis ang kaniyang ngiti. “Bakit ayaw mo akong samahan? Wala ka namang trabaho, eh.” “I have a lot of works to do.” “Hm! Bigyan mo na lang ako ng maraming pera!” hirit niya. Binato siya ni Dimitri ng matalas na tingin. “Binigyan na kita ng twenty thousand. Matuto kang mag-budget ng pera, Kira. Stop buying nonsense stuff.
MAGHAPON ang klase kaya hindi na umuwi si Kira. Natutuwa siya dahil libre ang pagkain sa school, at napakagara ng kainan, purong salamin ang palibot at matatanaw ang malawak na hardin. Kasama niya si Shaira sa mesa at si Manang Sonia. “Ano ba ang nangyari kanina, Kira?” usisa ng ginang. “Iyong si Ferry kasi ang pangit ng ugali,” sabi niya. “Huwag mong pansinin ang ganoong tao. Baka hindi siya mahal ng nanay niya.” Natawa siya. “May nanay po siya?” “Siguro. Basta, hayaan mo lang siyang magtaray. Basta kayo, pag-aaral lang ang atupagin.” “Pero kung kukurutin niya ako, kukurutin ko rin siya, aba!” “Hay! Batang ‘to talaga. Mapapaaway ka niyan, eh.” Mamaya ay si Shaira naman ang kinausap ni Manang Sonia. Nag-focus na lamang siya sa pagsubo ng pagkain. Alam niya naroon lang sa paligid si Ferry dahil halos lahat naman ng estudyante ay naroon. Sadyang malawak ang kuwarto kaya hindi makita ang iba. Sobrang lamig din doon at mabango, malinis. Habang kumakain ay may pamilyar na lalaki s
HINDI iniintindi ni Kira ang mga sinasabi ni Ferry. Nakaupo silang dalawa sa silya na magkatapat sa may harapan ng lamesa ng lalaking pamilyar. Sinasagot lang niya ang tanong ng lalaki. “Okay, this is the first offense, pero palalagpasin ko. I won’t tolerate bullying here, and you’re not an exception, Ms. Ferry,” sabi ng lalaki. “Sir, si Kira ang unang nanakit sa akin. Look at my nose,” depensa ni Ferry. Pinakita pa nito ang namulang ilong. “Baka nakalimutan mo na bawat sulok ng paaralan ay merong security cameras, voice recorder, kaya hindi ka puwedeng magsinungaling, Ferry. But then, I will talk to Kira for some clarification,” anang lalaki. Tumayo naman si Ferry at padabog na umalis. “What about Kira?” tanong naman ng guro nila sa lalaking nakaupo. “She will stay here for a minute. I need to check her credentials first.” “Okay. Babalik na ako sa classroom. Ipahatid n’yo na lang si Kira pagkatapos.” Umalis na rin ang guro. Nabaling ang tingin ni Kira sa folder na binuklat ng
KUMABOG ang dibdib ni Kira nang mapansing tumalim ang titig sa kaniya ni Dimitri. Naghugas siya ng mga kamay at kumuha ng maraming tissue, pinahid ang basa sa pisngi ni Dimitri.“Sorry na. Kasi ikaw, eh, nangdadakma ng puwet. Huwag mo akong paluin, ah?” natatarantang sabi niya.Natabing nito ang kamay niya kaya nabitawan niya ang tissue. “Itaas mo ang damit mo,” utos nito, nagtatagis pa ang bagang.Itinaas naman niya ang kaniyang damit hanggang leeg. Nagulat siya nang bigya siyang buhatin ni Dimitri at isinampa sa gilid ng lababo. Alam na niya ang gagawin nito. Magt*talik sila! Ginupo na siya ng pagkasabik.“Aanuhin mo ba ako?” tanong pa niya.“Don’t talk. Tumingala ka,” anito.Sumunod naman siya. Inilusot nito ang kaniyang damit sa kaniyang ulo hanggang tuluyang maalis. Pagkatapos ay dinilaan nito ang kaniyang leeg. Napahalinghing siya nang manoot ang init ng panlasa ni Dimitri sa kaniyang balat. Banayad nitong sin*sipsip ang balat niya sa leeg, hanggang sa dumantay ito pababa sa kan
“ANG aga naman pala niyang lumandi. Kaya siguro wala masyadong alam, inuna ang pag-aasawa kaysa mag-aral,” isa lamang sa komento ng mga kaklase ni Kira. Mas malala ang narinig niyang komento ni Ferry at mga kaibigan nito. Hindi niya maintindihan bakit parang ang laki ng kasalanan niya dahil may asawa na siya. “I’m sure, hindi na siya virgin,” ani Ferry, ang lakas pa ng boses kaya rinig na rinig ni Kira. “Kaya pala siya nakapasok dito sa CCB, siguro pinakasal siya ng parents niya sa matandang mayaman na uugod-ugod,” gatong naman ni Antonia, ang matabang mahilig kumain ng junk foods. “Gosh! Parang telenovela lang? Arranged marriage ang peg,” sabi naman ni Chesca sabay hagikgik. Gustong tumayo ni Kira at sigawan ang mga kaklase niya pero pinigil siya ni Shaira. Mabuti pa ito hindi siya hinusgahan. “Bakit sila gano’n? Masama ba kung may asawa na?” naguguluhang tanong niya. “Hindi naman. At saka nasa tamang edad ka naman, eh. Ayos lang ‘yon.” “Pero bakit nagtatawanan sila?” “Kasi
GINIMBAL si Dimitri ng biglaang tanong ni Kira kung mahal ba niya ito. He never asked himself about this matter, and he thought he could manage Kira without forcing himself to invest in love. Sa tagal na pinamahayan ng galit at hinagpis ang kaniyang puso, tila wala nang espasyo ang pagmamahal dito.But while thinking about Kira’s fast development, he can’t help but feel worried. Paano na nga kung bigla siyang singilin ni Kira ng pagmamahal? She might be confused and just heard about love from someone else. O kaya na-trigger ang utak nito dahil sa tukso ng mga kaklase.Ang mga ganoong pangyayari ang iniwasan niya noon bakit ayaw niyang basta ipasok sa normal school si Kira, dahil alam niya na biglang matataranta ang utak nito. Pero hindi na niya mapipigilan ang pag-unlad ni Kira. Kailangan lamang niyang makisabay rito at paghandaan ang posibleng pagbabago.Pagdating ng bahay ay dumitro siya sa kusina upang mag-marinate ng beef tenderloin meat na pinabili niya sa driver. Dahil frozen an
KONTING damit lang naman ang pinamili ni Kira. Mas marami siyang nabiling pagkain at gamit ni Dimitri. Binilhan niya ito ng mga ternong pantulog at underwear na dalawang dosena. Binilhan din niya ng bag si Shaira. Pag-uwi ng bahay ay inilatag niya sa sala lahat ng kaniyang pinamiling damit. Sinamahan naman siya roon ni Manang Sonia dahil wala pa si Dimitri. Ang saya niya sa bagong damit na magagamit niya sa taglamig. “Kasya kaya ito kay Dimitri, Manang?” tanong niya sa ginang. Iniladlad niya ang hawak na sweater na itim para kay Dimitri. Tila hindi siya narinig ng ginang at tulala itong nakatitig sa itim na t-shirt na binili niya para kay Dimitri. Hinahaplos nito ang damit. Nilapitan niya ito at sinilip ang mukha. “Bakit ka po malungkot, Manang?” tanong niya sa malamyos na tinig. Kumislot ito at tumitig sa kaniya. Saka lang niya napansin na mamasa-masa na ang mga mata nito. Dagli nitong kinusot ng kamay ang mga mata at napasinghot. “Wala ito, Kira. May naalala lang ako,” anito s