Share

Chapter 18

ABOT langit ang tuwa ni Kira nang magustuhan ni Craig ang niluto niyang ulam. Hindi naman nagreklamo si Dimitri kaya alam niya na nasarapan ito sa luto niya.

“Panalo ka, Dimitri, masarap magluto ang asawa mo!” sabi ni Craig.

“Gumamit ‘yan ng kodego,” ani Dimitri.

Hindi natuloy ang pagsubo ni Kira ng pagkain. Alam niya ang sinabi ni Dimitri kaya uminit ang bunbunan niya. Walang anu-ano’y hinila niya ang plato ni Dimitri kaya natigilan ito.

“What are you doing?” may iritasyong tanong nito sa kaniya.

“Sabi mo gumamit ako ng kodego sa pagluto, eh ‘di ‘wag ka kumain! Magluto ka ng ulam na walang kodego!” aniya.

Tumawa na naman si Craig. “You’re so cute, Kira. Kailangan ka talaga ni Dimitri para hindi siya palaging walang kibo at mainitin ang ulo,” sabi nito.

“Sorry, hindi na kita lalaitin,” bawi naman ni Dimitri.

“Subukan mo lang akong laitin, magpapahalik ako sa ibang lalaki!”

Sumama ang tingin sa kaniya ni Dimitri. “Iyan ang huwag mong gagawin, Kira. Alam mo ang ayaw ko.”

Umismid siya. “
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
hahaha naku kira nka pati si Owen mapahamak dahil sau
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status