Share

The Mysterious Model (Filipino)
The Mysterious Model (Filipino)
Author: pinkbeller

TMM: Prologue

Keila Vienne Aragon

"HOW'S MY adorable grandson?"

Nang marinig ng aking anak ang boses ng kanyang lola ay agad itong bumaba mula sa pagkakabuhat ko at tumakbo papalapit. Malawak ang ngiti ng aking ina nang makita ang bata. Napailing na lamang ako.

"Good morning, Ma," bati ko at saka hinalikan ito sa pisngi. Natawa ako nang hilahin ni Levin ang aking leeg.

"Kiss mommy!" he said, cheerfully. I smiled and gave him a peak on his lips.

"Kumusta ang biyahe, anak?" tanong ni Mamá. Naglakad kami papasok ng bahay.

"Tiring," tipid kong sagot.

"How about my baby boy?" she asked my son who's sucking his thumb. Hindi sumagot ang aking anak dahil nakuha nang napakalaki at maliwanag na chandelier na nakasabit sa kisame ng bahay ang kanyang atensyon. Nakatingala ito habang sinisipsip ang hinlalaki.

I sighed. Hindi pa rin niya natatanggal ang ganoong gawain. Kapag wala na ang pacifier niya ay ang hinlalaki na niya ang sinisipsip.

"Oh, you like that one, baby?" natutuwang tanong ni Mama.

"Levin like it, Mamalola," malambing na sagot ng aking anak.

Gigil na hinagkan naman ni Mamá ang aking anak. "Ang galing naman sumagot ng apo ko. Matalino just like Mamalola and Papalolo," wika nito.

"Ma, nagmana sa akin ang anak ko," singit ko. Hinila ko ang isang upuan sa dining room at naupo ito roon. Pinaupo naman niya ang aking anak sa kanyang kandungan.

"Saan ka ba nagmana? Sa amin rin hindi ba? Kaya kung kukunin mo ang tama, sa amin ng Papá mo nagmana ang apo ko," pangangatwiran nito.

I just rolled my eyes. Hindi na ako muling sumagot dahil tiyak na hahaba pa ang usapan. Knowing how good my mother in debating, I might lose. Well, it's true that I've been blessed such a smart, loving, caring parents. All through my journey, they've been there on my side. They didn't leave me on my darkest days. They lift me up and give me another chance of living again.

"How's New York?" she asked.

"It's good. I got all the time well spent seeing my son grow. But nothing beats home," I replied.

She smiled. "I see. It's your decision going back here. And I guess... you already moved on,"

I am? Hindi na lamang ako umimik at nagsimulang kumain.

___

Nang matapos kumain ay umakyat na muna kami ni Levin sa ikalawang palapag ng bahay para magpahinga. We stayed on my old room. Mamá keeps the room clean everyday kahit wala ako. Pinadagdagan din niya ito ng kagamitang pambata.

As I closed the door, my son yawned. "Ah, inaantok na ang aking little pumpkin," natatawa kong sabi. But turns out that he didn't get it. He tilted his head on the right side and stared at me. Confusion lit his green eyes.

Levin grew in America and doesn't know how to speak Filipino. Tinuturuan ko naman ito. May alam naman siyang salita ngunit kaunti lamang. Halos 'yun na nga ang gamitin kong salita kapag kausap siya ngunit lahat naman ng kasama ko roon ay mga dolyares ang salita.

When I got pregnant, we lived in my aunt Mila house in New York. Kapatid ni Papá. My father is an American while my mother is a Filipina. All the kids there speak English. Among the family, me and my mother who only knows how to speak Filipino. Well, nakakaintindi naman si Papá but he can't speak fluently. That's why, Levin didn't even know how. He's only two years old. He just turned two last month.

"You're sleepy?" I asked.

He nodded. And sucked his thumb again. I smiled. "Dede?"

"Dede," he repeated. Ilan lang sa mga salitang Filipino na alam niya.

Ngumiti ako at naglakad patungo sa lamesa na nasa tabi ng kama. Kumuha ako roon ng isang bote at nagsimulang magtimpla ng gatas habang buhat buhat pa rin si Levin. I stopped breast feeding my son when he reached one year old and two months. Kaya ngayon ay medyo magastos na dahil binibilhan ko na siya ng gatas.

"Mommy, down," he said.

I smiled again. He really knows when to take actions. Alam nitong mahihirapan akong magtimpla. For such a young age, he's smart.

Ibinaba ko ito at pinaupo sa kama. "Wait here and Mommy will make milk," I said.

"Okay."

ALA UNA ng hapon nang magising si Levin. He skipped lunch but I know his tummy was full of milk. Kaya hindi ako mag-aalala para doon. Papakainin ko na lang siya after niya magbihis. Or we can eat outside.

"We'll go shopping, baby," masaya kong sabi habang pinapalitan ang kanyang damit.

Napatalon naman ito sa tuwa. "Toys!" he shouted.

"Nah, we buy milk not toys, okay?"

Sumimangot ito. "I want toys," he whispered.

Tumawa ako. Alam na alam niya kung paano ako papayag. I can't resist him. He's so cute. He really looks like him, but there eyes were different. Ganyan na ganyan din siya kapag hindi naibibigay ang gusto niya.

Napailing ako nang makita ang mukha niya sa katauhan ng anak ko.

"Okay, we buy toys," I said. And just like what I thought, his eyes twinkled as happiness filled in.

Nang mabihisan ko ito ay ako naman ang sumunod na nagbihis. Bumaba muna ako para ipabantay muna ang anak ko kay Mamá at saka bumalik sa taas.

I just wore a simple yellow floral dress above the knee and a white low-cut adidas shoes. And of course, a sling bag. Na tama lang ang laki at magkakasya ang isang bote ng gatas, bote ng tubig, wipes at alcohol for my baby. Inilugay ko na lang ang aking buhok na umabot na sa aking bewang.

Buhat ni Mamá ang aking anak nang papunta kami ng parking lot.
"Sigurado ka bang hindi na kayo magdadala ng maid?" tanong ni Mamá habang inilalagay ang aking anak sa backseat. Inayos ko ang pagkakakabit ng seatbelt ni Levin.

"Oo naman, Ma. Sanay na ako," sagot ko. Nang makitang maayos na ay isinarado ko ang back seat at saka pumunta sa harapan ng aking kotse.

How I miss driving this car.

Binuksan ni Mamá ang pintuan ng kotse sa shotgun seat. "Sasamahan ko kayo kung ayaw niyong magdala ng maid," sabi nito.

"Ma, I can handle. We're good. So please, shut the door and let us go," I said.

"Okay. Saan kayo uuwi after?"

I started the car engine. "Dito, Ma. Kukunin ko ang aming gamit then babalik na kami sa condo ko dati. Pinalinis niyo po ba?" tanong ko.

"Oo. Noong isang araw pa bago kayo umuwi. Why don't you sell it and stay with us? Your father was still in states at mga maids lang ang kasama ko dito. Why don't you stay here with me?" tanong nito.

"Ma, we already talk about it, right? I want to take full responsibilities for my child," I replied.

Bumuntong-hininga ito. "Alam ko namang hindi kita mapipilit, pero ang inaalala ko ay walang magbabantay sa apo ko kapag nagsimula kang magtrabaho sa kompanya natin," anito.

"I will take him at work," sagot ko.

"You can't concentrate on your work if that's the case. Kunin mo na lang si Teri sa 'yo, at least, please?" tukoy nito sa pinakabatang kasambahay. Sa tingin ko ay mabait naman. Well, limang taon na sa amin si Teri. Anak siya ng dati naming labandera na si Aling Tisay. Mapagkakatiwalaan naman ito. Umuwi daw ito sa kanilang probinsya at ang alam ko ay ngayon ang balik niya. Malamang nasa daan na ito pauwi rito.

I sighed, "Okay, Ma. If you insist. Pwede na ba kaming umalis? We'll get back before four."

SA PINAKA-MALAPIT na mall lang kami pumunta ni Levin. Kailangan ko kasi itong bilhan ng gatas. Hindi ko na kasi inuwi rito ang iba naming gamit dahil pwede naman akong bumuli. May laman pa naman ang savings account ko pambili ng pangunahin naming pangangailangan.

Papá and Mamá insisted to supply our needs, but I refused. Sobra sobra na ang naibigay nila sa akin. Gusto ko naman ay ako ang magsikap para sa kinabukasan ng anak ko. I want to be independent. I want to give sacrifices. I want to see life outside my parents embrace. Kung noon dalaga ako ay nakadepende ako sa kanila kahit isa na akong modelo, ngayon ay hindi na. Dahil hindi na ako dalaga.

They know me, if I don't want help, just don't. Magtatampo ako. And they hate it. Besides, I still have zeros on my savings account from my modeling career way back then. At 'yun ang unti-unti kong ginagamit para sa anak ko. Ngunit alam kong hindi 'yun magiging sapat. My son is growing day by day. At alam kung hindi sapat ang naipon kung pera para sa kinabukasan niya.

That's why I agreed on my mother proposal.

Work on our company.

As the only child, I need to work for the future of our business.

Noon pa sana ngunit mas pinili ko ang pag-rampa.

I took Business Administration in college but work as a model after I graduated. My parents supported me all through my journey. I only stopped modeling when I got pregnant. I still remember the headline,

Keila Vienne Aragon stepped down from modeling industry.

No one knows why. Because my father pull some strings, perhaps.

Almost three years.

I wonder if people will still recognize me. All through those years, marami nang nagbago. At tiyak na hindi na muli nila ako makikilala. From black long straight hair, I changed the color to ash blonde. My body changed too. Hindi na katulad ng dati. I gained weight but my body figure stays the same. Coca-Cola shape pa rin naman kagaya ng dati. Mas mataba nga lang ako ngayon kaysa noon.

Model dati eh.

Ngayon, nanay na.

A mother of an adorable, smart and handsome little boy named, Levin Eres Xenon.

Hawak-hawak ko ang kamay ng aking anak habang papasok ng toy store. Iiwan ko muna ang mga pinamili ko sa keeper sa may entrance. Kaunti lang naman ang binili ko dahil plano kong sa ibang araw na lang bilhin ang iba.

"Wait, Levin. Mommy needs to live this here," wika ko sa anak ko. Nakakita lang ng mga laruan, kung makahila naman ang baby ko parang kaya niya. Napangiti na lamang ako.

"Fasteh mommy, fasteh," he exclaimed.

"It's faster, Levin. Fas-ter with an r not fasteh," I corrected. Ginagamit na naman niya ang accent niya. Jusko! Pero ang cute ng pagkakabigkas niya katulad din ng accent ng kilala ko dati.

Napailing na lang ako.

Naiinip na rin ako sa taga-bantay. Kanina pa ako nakatayo dito. Jusko naman! Wala pa bang ibabagal?

"Next po," tawag nito.

Napaikot ako ng mata at saka ibinigay ang dala kong supot. Aabutin ko na sana ang card ng bumitaw ang aking anak at bigla na lang tumakbo papasok.

Darn!

"Levin!" sigaw ko ngunit hindi tumigil sa pagtakbo papasok ang anak ko.

Kinabahan ako nang makihalo ito sa mga tao. Mabilis akong naglakad papasok. Hindi ko na inintindi ang sigaw ng gwardiya dahil sa naiwan kong card. Nanlaki ang mga mata ko nang sumingit ang anak ko sa kumpol ng mga tao malapit sa bilihan ng cars.

Levin love cars more than any toys. He's very observant at alam kong nakita niya ang malalaking de-remote na sasakyan sa itaas na bahagi ng shelf kaninang hinihila ako papasok.

Bakit ba kasi maraming tao? Ano bang mayroon sa toy store?

Mukhang hindi naman mamimili ang mga ito. Tila ba may kung anong pinagkakaguluhan ang mga ito.

May artista ba dito sa loob?

"Lex, pa picture kami! Kyahhh!" tili ng mga babae. Naningkit ang mga mata ko. So, may artista nga?

Lex?

They have the same name.

Hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa kakatili. Kanina pa ang mga ito. Sa labas pa lang ng bilihan ay nakarinig na ako ng tilihan ngunit hindi ko lang pinapansin. Pakialam ko ba?

Oh My God!

Dumoble ang kaba ko nang hindi ko makita si Levin.

"Excuse me, Excuse me," wika ko habang sumisingit sa kumpol ng mga tao. Naiiyak na ako habang sumisingit, 'yung anak ko. Jusko.

"Mommy?!"

"Levin!" I shouted. Wala akong pakialam kung makaagaw man ako ng pansin. Ang mahalaga ay ang anak ko. "Levin, stay where you are," I said.

Tumahimik ang paligid. Tanging ang boses ko lang ang narinig.

All eyes on me.

Ang kaninang mga taong nagkukumpulan ay natahimik at tumingin sa akin. Ang iba ay tumabi para ako ay makadaan.

"Levin?"

"Mommy!"

Napaluhod ako at hinaplos ang mukha ng aking anak. "God, Levin, pinag-alala mo si mommy,"

Tumagilid ang ulo nito. "Pinaglalala?" ulit nito. Ngunit natawa lang ako dahil sa tono at pagkakabigkas niya.

I carried him.

But the moment I lifted up my face, my eyes widened.

Blue eyes.

"Keila," bigkas nito sa pangalan ko.

"Lex," bulong ko. Siya nga.

Ang pangalang Lex na narinig ko kanina at ang Lex na kilala ko ay... iisa.

Standing in front of us was the man who left me. The man whom I loved the most, but just dumped me like a trash, and broke my heart into pieces.

The father of my child.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status