Share

34 - Feel That?

Tahimik na nakaupo si Lianne sa dulo ng hagdanan habang hinihintay si Zyd. Ang sabi nito, mag-uusap sila at 'wag siyang magtatangkang tumakas at pumasok sa kwarto niya dahil papasukin siya nito. Ayaw naman niyang mangyari 'yon at baka sa kama sila mag-usap dalawa. Kating-kati na siyang umakyat at magpahinga pero hinintay niya ang lalaki na nagpunta sandali sa kusina. 

Nung hindi siya makapagtiis, tumayo siya at sinundan ito. Nakita niyang nakatayo ito at nakaharap sa nakabukas na ref. Tingin niya, nagpapalamig yata ito ng ulo. Masyado kasing mainit ulo nito kanina nung hinalikan ni Henrik ang kaniyang kamay. Hindi ito umeksina, tahimik lang ito at walang emosyon ang matang nakatingin sa kaniya. 

"Ah... Zyd? Mag-uusap pa ba tayo?" 

Wala siyang nakuhang sagot dito. Nanatili pa rin itong nakaharap sa malaking refrigerator at nag-aaksaya ng kuryente. Kung sabagay, ito naman ang nagbabayad. Mga ilang segundo siyang nakatay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status