Share

Chapter 36 - Petals

Biglang natigil sa pag-iyak si Abhaya nang maramdaman niya ang kamay na humaplos sa kaniyang buhok. Mabilis siyang napalayo kay Hudson at doon niya nasilayan na buhay ito at ang lapad ng ngiti. Kumikinang pa ang mga magagandang mata nito na parang nanalo sa lotto sa sobrang saya.

Natuliro siya bigla at hindi alam kung ano ang gagawin nang oras na iyon. Akala ba niya at... Napatingin siya sa buong silid na iyon at lahat ay nakangiti sa kaniya. Nakababa na ang mga mask ng mga ito at kitang-kita niya ang kasiyahan at kilig sa mga mukha ng mga ito na parang nasa pelikula sila. Isa na ro'n sina Yx, Cuhen, Azael, Zyd, Theon at ang iba ay hindi niya na kilala kung sino ang mga ito. 

Kung gano`n, ang lahat ng mga nangyayari ay palabas lang lahat? Mabilis niyang pinahiran ang mga luha sa kaniyang mata. Umakyat ang dugo sa kaniyang ulo at bago pa siya kainin ng hiya at galit niya, mabilis niyang tinakbo ang pintuan papalabas sa nakakahiyang silid

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status