Share

CHAPTER 26

"Hey, are you okay?"

Ilang beses akong kumurap at sa ika-apat ay doon pa lang bumalik ang aking katinuan. Doon pa lang ako tila nagising sa malalim na pagkakatulala at pag-iisip. Sa katotohanang wala ako sa langit at hindi si San Pedro ang ka face to face ko kun'di si Alexis na maang na nakamasid din sa akin.

"Ha?" wala sa huwisyong saad ko sa kanya. "Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?" dagdag ko pa.

Nakakahiya mang aminin, pero oo, natulala ako sa harap ni Alexis. Parang tumigil nang ilang minuto ang mundo sa pag-ikot at na-stock ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa kanya. 'Di ko lang sure kung may tumulo bang laway sa akin, pero nang kapain ko naman ang labi ko ay napaka-dry. So ibig sabihin, hindi ako naglaway.

"Gutom ka na nga siguro," aniya naman sabay hawak sa kamay ko at hinila na ako. "Tara na, ilibre mo na ako ng kahit ano."

Sa isang food cart kami huminto. Isang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad fifty plus na ang may-ari niyon. Iba't ibang street foods din ang tind
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status