"Okay lang..." Nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita kong gising na si Mama at nakatunghay na rin sa akin. "Basta ba ang lalandiin mo ay iyong boss mo," giit niya pa.Gulat. Hiya. Ilang. Sari-sari man ang emosyong naramdaman ko nang banggitin niya 'yon ay nakuha ko pa ring ngumiti at umiling."Malabo 'yon Ma," sagot ko sa kanya. "Kumbaga sa paborito mong k-drama, langit siya at lupa naman ako. Kahit kailan, hindi nagkakaroon ng happy ending ang mahirap at mayaman. Laging may kontra, at marami ring kontrabida.""Bakit naman si Cinderella?" alma niya. "Inalipin ng step-mother niya at inalila ng mga step-sisters, pero nagkaroon ng happy ending sa isang Prinsipe."May punto rin naman siya, kaya lang... hindi naman ako si Cinderella.Napabuntong hininga na lang ako saka siya tinitigan. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang umuwi ngayon?" sunud-sunod kong tanong sa kanya."Nakalimutan mo yatang may sa-pusa ako, siyam ang buhay," aniya naman. "Kung makakauwi na tayo ngayon ab
Dalawang araw mula nang bumalik ako rito sa Olongapo mula sa probinsya namin ay tila lutang pa rin ako. Tulad ngayon, nasa VIP Area nga ako rito sa Club-V pero nasa sulok naman.Wala akong katabi sa table ko, walang kausap, at seyempre wala ring kalandian. Kahit na maingay sa paligid gawa ng star dancer na sumasayaw sa gitna ng intablado, ganoon din ang mga parokyanong kabilang sa alta-sosyedad ay hindi ko pa rin magawang mag saya.Nakakalungkot...Nangalumbaba ako sa mesa habang walang ganang pinanonood ang babaeng sumasayaw sa stage. Maganda ang hubog ng katawan niya. May suot siyang maskara upang hindi makita ang mukha niya at manatiling mesteryo sa iba. Makinis ang tila porselana niyang kutis. Higit sa lahat, kaakit-akit ang bawat pag galaw ng kanyang malambot na katawan. Ganoon pa man, para pa rin akong tuod na nakatulala lang sa harapan."Want a drink?"Mula sa pagkakahalumbaba ay napalingon ako sa biglang nag salita sa aking likuran. Napaawang ang bibig ko. Pamilyar ang guwapo
ANG TAGAL...Para sa mga taong naghihintay, oo, napakatagal ng oras at ganoon din ang araw. Pero sa mga taong walang pakialam lumipas man o hindi ang isang araw sa kanila ay baliwala na lang lalo na't wala naman silang hinihintay.Napabuntong hininga na lang ako habang wala sa huwisyong hinahalo ang kape na hindi ko rin maisip kung paano ko ba natimpla. Tatlong buwan na ang matuling lumipas at tatlong buwan na rin akong wala sa aking sarili.Wala naman na dapat akong alalahanin pa dahil maayos na ang kalagayan ni Mama. Bukod sa nakapagpapadala naman ako sa kanya buwan-buwan, kasa-kasama niya rin si Aling Bebang sa probinsya. Ang tanging pinagkakagastusan na lang namin sa ngayon ay hulog sa bukirin naming nakasanla at interest niyon.Kung sa pang araw-araw na gastusin naman tulad ng pagkain at uulamin ni Mama ay hindi ko na rin pinoproblema pa. Mayroon naman kasi siyang napagkuku'nan niyon dahil may palayan pa naman na sinasaka ang pinsan ni Mama na siyang nag-aabang sa maliit naming s
Tulad nang napagkasunduan, tatlong oras lang akong nag lagi sa front desk upang mag rilyebo kay Denise. Bigla ring umalis si Red matapos ang walang humpay niyang pang aasar sa akin nang wala naman siyang napala.Inayos ko na ang gamit ko at handa ng umalis upang bumalik sa aking silid nang tumunog ang maharot na kantang sweet but psycho sa aking cellphone. Isa lang ang ibig sabihin niyon... mader earth is calling.Hindi ko na tinignan pa ang caller dahil alam na alam ko naman na si Mama 'yon. "Anya?" bungad ko sa kanya. "Na miss mo na naman ang maganda mong anak 'no?""Minzi hindi ko na talaga alam kung saan mo nakuha yang kakapalan ng mukha mo," sagot niya naman na ikinangisi ko. "Ayaw kong sabihin na sa akin, kasi mas makapal ang mukha ko kaysa sa'yo noong ganyan ang edad ko."Napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi ni Mama. Kanino pa nga ba kasi ako magmamana kun'di sa kanya. Kung sa isang libo't isang ogag kong ama kasi ako nag mana, baka basagulera ako ngayon."Pero ano nga ang d
Akala ko imagination ko lang ang narinig kong iyon kaya naman muli akong humarap. Pero hindi pala 'yon imagination dahil letiral na sinabi pala talaga 'yon ng lintek kong boss!He was looking at me intently with a smirk on his fucking lips! Akala mo talaga kung sinong perpektong anak ni Lord na kung makaasta ay siya na ang pinakaguwapong nilalang na nabubuhay sa earth! Guwapo siya oo, pero magkamatayan na hinding-hindi ko aaminin 'yon sa pagmumukha niya ngayon!"Fuck you!" malakas kong sigaw sa kanya kasabay ng malakas din na pagtahip ng aking dibdib.Naghalo na yata ang highblood, buwisit, irita, at selos na nadarama ko ng dahil sa pesteng yawang Alexis na ito. But wait... selos? Sino ang tangang nagseselos?!Gigil na gigil ako sa talipandas nang bigla siyang kumindat at sumagot. "Mamaya na, papasok na lang ako sa kuwarto mo... so you better get ready."What the fucking hell?! Anong pinagsasabi niyang retarded siya?!"Malala ka na," sagot ko na lang bago muling tumalikod at tuluyan n
"Your mine... Mine alone..."Tumulo ang luha ko dahil sa hiya. Ni hindi ko nga rin makuhang magsalita. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ginawa niya ba talaga 'yon? Namin?Kahit hindi ako magsalita at hindi ko isaboses 'yon ay alam ko ang sagot. Halos dalawang minuto na kasi kaming nakatayo rito sa banyo at yakap ang isa't isa pero parang nadarama ko pa rin sa loob ko ang daliri niya."Do you hate me now?" paos at pabulong niyang tanong. "Please, don't hate me Minzi," giit niya pa sa paraang nagsusumamo.Tumango lang ako. Hindi ko alam kung saan ko pa hahagilapin ang lakas ko para awayin siya. Para bungangaan siya sa ginawa niya. The fact na hindi ko siya pinigilan at pinabayaan ko lang ay iisa lang ang ibig sabihin.Ginusto ko rin..."Ang landi ko!" anas ko kasabay nang paghikbi at nang muling pag alpas ng luha mula sa mga mata ko. "Ang landi-landi ko!"Kinabig niya naman ako ulit palapit sa kanya saka niyakap ng mahigpit. "No, you're not!" aniya bago ako inilayo ng bahagya upang g
"Ano?!" hindi ko mapigilang sigaw.Tama ba ang pagkakaintindi ko? Na papayag siyang mag leave ako ng isang araw kung papayagan ko siyang sumama sa akin?"I want to come-""Nahihibang ka na ba? Ano naman ang gagawin mo sa probinsya namin?!" sunud-sunod kong tanong sa kanya. Isa pa, bakit ba bigla-bigla na lang gusto niyang sumama? Akala ko ba ay magca-caribbean cruise siya?"I don't want to be left behind," aniya "...and besides, that's your Mom's special day, so yeah... sama mo ako."Bagsak ang panga kong napamaang sa kanya. Hindi siya puwede sa probinsya namin. Bukod kasi sa kaliwa't kanang mga tsismosa, marami ring lasenggo roon na kinulang sa bakuna. Baka mamaya ay mapagtripan ang sasakyan niya sakaling tumambay nang isang oras ang mga kapitbahay namin na kahit hindi invited sa handaan ay kusang pumupunta."Hindi puwede, tsaka 'wag ka ngang makulit!""Then I'm not gonna sign your leave," kampanteng sagot niya.Dinuro ko naman siya habang ang isang kamay ko ay nasa baywang. "Hoy ika
SABADO...Parang napakabagal ng oras. Nababagot ako kahit na nga ba umaandar naman ang bus na sinasakyan ko. Alas singko pasado pa lang ng umaga pero medyo madilim pa. Hindi pa ganoon kaliwanag ang daan na binabaybay ko pauwi sa Masinloc. Napasandal ako sa bintana at dinama ang lamig ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam, wala kasing ganito sa Olongapo. Mausok, maingay, at mainit ang hangin doon hindi katulad dito sa probinsya. Namiss ko ito! At sa wakas, sa halos dalawang taon na pagtatrabaho ko sa Club-V makakauwi ulit ako sa amin at makakasama si Mama kahit dalawang araw lang. Kapag umuuwi kasi ako'y madalas na balikan lang, hindi ako puwedeng magtagal dahil ayaw kong matambakan ng trabaho, idagdag pa ang konsimisyon kong amo."Are we there yet?"Natigilan ako sa pagmumuni-muni at nilingon ang aking katabi. Nah! Hindi nga pala ako nag-iisa. Speaking of konsimisyon, kasama ko nga pala si Alexis Montemayor– ang nag-iisa kong amo na guwapo sana pero matindi ang tagas ng ulo."Malayo pa,