Share

Chapter 10

Agad na naglaho ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Angielyn nang mabungaran niya ang bulto ng babaeng prenteng nakaupo patalikod sa kanyang direksyon. She can literally feel how her blood boil. Ito pa talaga ang maabutan niya pagkatapos niyang mag-unwind.

"Hoy! Ano na? Bakit natigilan ka d'yan? Nakakita ka ba ng multo?" Tumatawa si Air nang pabiro siya nitong kalabitin.

"Hindi. Demonyo ang nakita ko!" 

Sinundan nito ng tingin ang direksyon ng kanyang mga mata. Dinig pa niya na napabuntong-hininga ito saka nito marahang pinisil ang kanyang kamay. Nagpatianod siya sa kaibigan nang humakbang si Air papasok sa bahay niya. Dito na kasi sila dumiretso para mai-arrange daw nito ang mga nabili nila. May pagkamakakalimutin kasi siya kaya hindi ito convinced nang sabihan niyang siya na ang bahala.

Sabay na napatingin ang mga unwanted visitor sa gawi nila nang walang pasintabi silang dumaan sa pwesto ng mga ito.

"Angie," mahina pero madiin na tawag ng Do

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status