Share

Chapter 9

"Oh ano? Matabang pa ba? Gusto mo dagdagan pa natin?"

Halos takbuhin na ni Angielyn ang lababo nang bumara sa kanyang lalamunan ang labis na alat na umukopa roon. Bumaliktad yata ang sikmura niya sa magkahalong lasa ng gatas at iodized salt.

"Nasaan ba kasing planeta ang isip mo at nang masundo ko? Kalahating oras ka ng malalim na nag-iisip. Ni hindi mo nga ako pinapansin kahit ilang beses ko ng tinatadyak ang mga paa ko sa sahig," usisa ni Air habang nakapamewang sa kanyang gilid. Puno ng curiousity at pagtataka ang makikita sa mukha nito pero iniwas niya ang tingin.

Mayamaya ay binalingan niya ito ng masamang tingin. "Tinatawag mo pang future ninang ang sarili mo pero hindi mo man lang ako inawat nang itimpla ko ang asin imbes na asukal."

"Hoy maghunos-dili ka, Binibining birhen! 'Wag mong isisi sa iba ang bagay na ikaw mismo ang may gawa. 'Yan ang itinuro ni Papa sa akin no'ng bata pa ako. Kaya ngayon, dapat matutunan mo rin 'yon. Tanggapin mo na l

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status