Share

The Professor's Bride
The Professor's Bride
Author: DaneXint

Prologue

"HEIRA, PINAPATAWAG ka na sa baba!" sigaw ni manang Lilia galing sa labas ng aking kwarto at nasundan iyon ng tatlong katok sa pinto. Iyon na ang naging hudyat ko para umalis sa aking kama at ayusin ang sarili.

"Susunod po ako!" Sigaw ko pabalik.

Dumiretso agad ako sa vanity table at tinitigan ang aking sarili sa salamin. Medyo nagulo ang maitim kong buhok dahil sa pagkakahiga sa kama, maputla rin ang aking labi dahil hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.

May family dinner kami ngayon at muntik ko na 'yon makalimutan kung hindi ako tinawag ni manang Lilia. Mahina akong napatawa. Kanina pa ako bihis, pero muntik ko pa rin makalimutan.

Huminga muna ako ng malalim bago kinuha ang lipstick na nasa table at nagpagay ng kaunti sa aking labi para hindi masyadong halata ang kaputlaan nito. Inayos ko rin ang buhok ko at nang makontento ay lumabas na sa aking kwarto.

My lips parted when I saw manang Lilia waiting outside my room. Akala ko nakaalis na siya kanina dahil wala na akong narinig na ingay matapos kong sumigaw pabalik.

"Napakaganda mo, Heira," she said. My lips curved into a smile as I step forward to get closer to her.

"Akala ko po naka-alis na kayo," pag-iiba ko ng usapan. Madalas talaga ako sabihin ni manang Lilia na maganda pero ewan ko ba at hindi na ako nasanay. Naiilang pa rin ako sa tuwing may pumupuri sa akin sa kahit na anong dahilan kaya ngumingiti na lang ako o kaya iniiba ang usapan.

"Hinintay talaga kita,"

"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko. Umiling naman siya at lumapit sa akin upang haplusin ang aking buhok.

"Hija, koloheyo ka na sa pasukan." Bigla akong natigilan sa kanyang sinabi, "sana sa pagkakataong ito, ikaw naman ang magde-desisyon para sa sarili mo, sana matupad mo ang pangarap mo kahit marami ang humadlang."

I couldn't find the right words to say. The old lady knows me very well, more than my own parents does. She knew about my dreams, my passion, my weaknesses... almost everything. She always care about me, my feelings, my point of view.

Kaya alam nya rin ngayon na maaaring mapilitan ako sa isang bagay na kailanman ay hindi ko pinangarap. My parents want me to continue their legacy, to pursue their biggest dream for me. They want to see me inside the court, in a trial, defending someone... they want me to be a lawyer just like them. Pero ayoko maging abogado, may sarili akong pangarap. But what can I do? They love that profession more than anything else, more than their own flesh and blood.

"Ayos lang naman po, magugustuhan ko rin ang gusto nila," I assured her.

Para namang may pirasong napunit sa puso ko nang masilayan ang kanyang malungkot na ngiti. "Ang dami mo nang pinalampas na pagkakataon para masunod lahat ng gusto nila, sana ikaw naman muna."

"FREYA NATANGGAP ka na ba sa unibersidad na in-apply-an mo?" Tanong ni tita Veena sa pinsan kong si Freya.

Nakaupo kami lahat ngayon sa isang maghabang mesa. Nasa gitna ang pinakamataas na miyembro ng pamilya, si lolo. Magkakatabi naman kami ni kuya at mga pinsan namin ay nasa tabi ng kanilang mga magulang.

May kapatid ako, si kuya Azrein. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon at masasabi kong malapit talaga kami sa isa't-isa lalo na at kami lang dalawa ang madalas maiwan dito sa bahay kapag wala ang mga magulang namin, na araw-araw nangyayari. Anim lang ang pinsan namin at lahat ay hindi namin kasundo, pati ang mga tiyahin ay hindi rin namin kasundo.

"I'm still waiting for the result pa po," mahinhin na sagot ni Freya.

"You've been waiting for almost two months, ang tagal na nun, wala pa ring response?" wika ng isa kong pinsan na si Shainna na tila nang-aasar pa. Sinamaan naman ito ng tingin ni Freya. They're mortal enemies by the way.

"Ganoon lang siguro—"

"Still waiting or already rejected," our grandfather finally broke his silence. Madalas talagang tahimik si lolo at nakikinig lang sa usapan. And what he said was not even a question, it is more like a factual statement causing Freya to bow down her head. So it hit her, huh?

"Freya?" Tawag ni tita Rhea sa kanyang anak. Bakas na bakas sa boses nito ang disappointment kahit wala pang confirmation.

"I-I... I'm sorry," she whispered. I heard loud gasps from her parents. Freya applied in one of the most prestigious school here in Manila, in her parents alma mater and she got rejected. I feel bad for her though.

"Pwede ka namang mag-apply ulit sa ibang university, masyado lang ahead ang enrollment ng university na yan," tita Amara said.

"Yeah, may mga cheap na university pa naman diyan na pwede mong pasukan, you won't get rejected for sure," ate Yna mumbled beside me.

Mahina na lang akong napabuntong-hininga. Wala na talaga siguro kaming pag-asa na magkasundo. Our parents always think of us as their representatives for a competition kaya nabaon na rin sa utak namin na kailangan naming higitan ang isa't-isa. Hindi ko gusto ang ganon, pero sumusunod lang ako kung ano ang sasabihin sa akin.

What a trying hard perfect daughter.

"What about you, Heira? What are your plans? College ka na rin gaya ni Freya." Napatigil ako sa pagkain nang magsalita si tito Henry, daddy ng isa ko pang pinsan na si kuya Liam.

Lahat ng atensyon ay nabaling sa akin. Tinignan ko lang sila na as if hindi ako bothered. But the truth is, I feel so stiff right now.

"Laurent University," tipid kong sagot. They're not that stupid naman para hindi maintindihan ang sinabi ko.

"Laurent!? Ha! Dream on, girl! That university is for geniuses only!" Thea, another cousin of mine, exclaimed.

"And i fit in there," I said as a matter of fact. Natahimik naman ito at hindi makapaniwalang tinignan ako. Nakita ko rin sa peripheral vision ko ang pag-ngisi ni kuya.

"Good choice," I heard lolo said. "You want to become an archi—"

"She's taking political science, papa, pre-law course." My mom immediately him off. Allergic ata sila sa architecture. Allergic sila sa pangarap ko. Just wow.

Hindi ko agad namalayang naikuyom ko na pala ang aking kamao na nasa ibabaw ng mesa, mabuti na lang at yumuko ako at nakita ito kaya mabilis kong naitago sa ilalim ng mesa. But I guess it's too late, my grandfather saw it, alam ko sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon. Narinig ko naman ang buntong-hininga ni dad, did he notice it too?

Hindi naman ako nag-open-up sa lolo ko tungkol dito, maging kay kuya, malakas lang talaga ang pakiramdam nila.

EVERYONE WAS shocked, including me, when my grandpa invited me in his mansion pagkatapos ng dinner. I wanted to refuse but my mom signalled me to accept the invitation. It's not that I feel uncomfortable sleeping in my grandpa's place, I'm just not feeling well. In fact, doon talaga ako natutulog kapag wala si kuya at hindi iyon alam ng mga kaanak ko, hindi na rin iyon masyadong napapansin ng mga magulang ko 'cause they have no time to check on their children.

I feel so sick kaya natulog na lang ako sa buong byahe katabi ang lolo ko.

When we arrived at the mansion, three maids greeted us at the front door and I just smiled at them, while lolo is wearing his usual strict face.

"I'll talk to your parents," lolo said as soon as we enter the living room.

Agad nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinabi. What is he talking about? He always surprise with his words but this time, i feel that something big's coming.

"Ano po ba ang sinasabi niyo?"

"You want to become an architect, right?"

I pressed my lips together before nodding. What's the point of hiding that hopeless dream?

"Why suddenly brought it up, lo?"

"I can talk to your parents about this matter, they will not stop you on the course you want."

Natigilan ako sa sinabi niya. Did I hear it right? Kakausapin niya ang parents ko tungkol dun? Baka magalit lang sina mom at dad. Lolo is still the superior, his orders should be followed by the family members, including my parents. It's not impossible for him to accomplish what he just said, but I know I have to do something in return.

"Ano naman po ang kapalit?"

Damn! I shouldn't have asked that! It sounds like I am willing to disobey my parents!

My grandfather sighed and looked at me with those serious and intimidating eyes and I was surprised when he stroked my hair. But what's more surprising is the thing he's asking in return.

"This may sound absurd but I will be the one to choose the man that you will marry someday, that's what I want in exchange."

My dream over my life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status