Nagising kinabukasan si Celeste at nadatnang wala na sa pagkakahiga sa kanyang tabi si Semion. Kinapa niya ang bedsheet sa puwesto nito at naramdamang malamig na iyon, ibig sabihin ay kanina pa ito bumangon.Nakahinga siya ng maluwag at saka rin umalis mula sa pagkakahiga sa kama. Kahit pa inaantok at papikit-pikit ang mga mata ay nagtungo na agad siya sa banyo. Dumeretso siya sa inidoro saka binaba ang pants ng pajama niya para umupo doon at maglabas ng kaginhawaan mula sa loob ng kanyang pantog.*BAM!*“C-Celeste…”Samantalang sa puntong iyon ay saktong kabubukas lamang ni Semion sa sliding door ng shower sa parehong banyo. Napako ang paningin niya kay Celeste na nakaupo sa inidoro at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya, bagaman isang mata lang ang nakakasaksi ng pangyayari.Nakababa hanggang tuhod ang pants nito kasama ang kulay puti na panty. Nakita niya ang makinis at maputi na balat sa gilid ng hita ni Celeste. Napaawang ang bibig niya sa gulat.“S-Semion?” ang kaninan
One Month Later (Lombardi's Residence)“Ilang taon na rin ang lumipas nung huling mag-host ng party ang mga Lombardi! Balita ko ay dahil nag-lay low muna sila dahil na rin sa healthy issue ni Primo Alessandro. Para saan kaya ang party ngayon?”“Wala akong ideya pero baka dahil gusto na ulit nilang mag-ingay. Sa tingin niyo dahil kaya'y bumuti na ang kalagayan ni Primo Alessandro, o ipapasa na kay Primo Semion ang mana?”“Edi kung gano'n, dapat ko nang maakit si Primo Semion! Hanggang ngayon kasi wala pa siyang tugon sa marriage proposal ni Dad---siguro isa ako sa mga candidate na pinag-iisipan niyang maging asawa!”“Ewan ko sa'yo, hindi ba may boyfriend ka na, Veron?”“Edi hihiwalayan ko, duh?”Ang tatlong babae na naguusap-usap ay walang iba kundi ang mga kaibigan ni Celeste. Kanina pa siya nasa likuran ng mga ito, habang sila'y nakatayo at nakapaikot sa isang stand-up cocktail table. May hawak-hawak na mga wine ang babae at puno sila ng tsismis.Hindi siya makahanap ng tiyempo para
Ang mansyon kung saan madalas ginaganap ang mga okasyong pinangungunahan ng pamilyang Lombardi kagaya ng kasalukuyan ay matayog at mapang-akit, ang mga pinto nito'y nakabukas, inaanyayahan lamang ang mga taong nanggaling sa maimpluwensyang pamilya.Sa pagpasok sa loob ng marangyang ballroom ay makikita ang mga kumikislap na kandelabra, mga naggagandahan at mamahaling bulaklak na nagsisilbing disenyo, at ang nakakasilaw na chandelier.Bulung-bulungan ng mga imbitadong bisita ang nakikipagtalo sa ganda ng tunog ng live performance ng sikat na orchestra.“I've never expected the House of Lombardi to hold such a random event out of nowhere. Knowing they've been quiet all this while, this is truly surprising.”“What do you expect? The Lombardi family has always been this secretive and mysterious.”“That's true. But it only makes me want to form an alliance with them. My younger sister is already an adult, so…"Ang grupo ng mga kalalakihan na naguusap-usap ay mga businessman o ‘di naman kay
Sa paglalim ng gabi ay mas lalo pang dumadami ang bisita sa loob ng ballroom. Pinagmamasdan ni Semion ang mga galanteng mga tao sa loob na may kanya-kanyang grupo na kinakausap.Naroon siya nakatayo ng tuwid sa ikalawang palapag ng lugar, habang bahagyang nakasandal ang katawan niya sa corridor.“Oh, would you look at that?” napako ang paningin niya sa lalaking nakasuot ng kulay puti na suit habang may hawak-hawak na wine at nakikipag-usap sa dalawa pang lalaki. Bakas sa mukha nito ang kayabangan.““I'm betting ten million as well. This party is for showcasing their wealth and status. Wala na silang magawa sa buhay kundi magtapon ng pera at ipamukha sa atin ‘yong lahat.””Napangisi ng nakaloloko si Semion nang marinig mula sa maliit na wireless earphone sa kanyang isang tainga ang sinabing iyon ng lalaki na walang iba kundi si Darson, Ang ballroom na ito ay puno ng mga recordings at magagawa niyang pakinggan ang mga usap-usapan ng mga tao sa loob kahit na malayo pa siya.Narinig niya
“It's been years since our family held such an extravagant party.” Lahat ng tuon ay nakapukol sa matandang lalaking nagsasalita sa mikropono habang nakatayo sa sentro ng entablado. Kahit bakas na ang labis na katandaan sa itsura ay kitang-kita parin ang kakisigan ng katawan ni Primo Alessandro.“Mukhang nasa mabuti na ngang kondisyon ang kalusugan niya.” bulong ng isang bisita. “Kaya siguro sila nag-host ng party.”Nagpatuloy si Primo Alessandro sa pagsasalita. “Sa lahat ng tumanggap ng aming imbitasyon ay nagagalak akong makita kayo sa importanteng gabing ito. Sa katunayan ay hindi ako ang bida ngayong gabi, at hindi ko na rin ibibida ang pagbawi ng kalusugan ko, as you all can see that I'm still doing fine. But tonight, my first son is the one who is behind this party, as he has a special announcement he's been excited about.”Ang ingay ng bulong-bulungan ay mabilis na lumakas at sumakop sa lugar. Nang marinig pa lamang nila ang pangalan ni Semion ay mabilis nang nasiyahan ang kababa
Ligawin noon ng mga lalaki ang isang tulad ni Celeste Costa, noong nagdadalaga pa lamang ito. Ngunit alam ng lahat na mayroon na itong sinisinta at nakatakdang paksalan, iyon ay si Darson ang Allegra. Ngunit batid din ng mga nakiki-isyuso sa mga bali-balita sa upper-class families ay matagal nang hindi maganda ang pagsasama ng dalawa, kahit na tikom ang bibig ng mga ito tungkol sa kanilang relasyon.At ito ngang nakaraang dalawang buwan ay doon pa lalo tumunog sa publiko ang paghihiwalay nilang dalawa. Hindi alam ni Darson kung paano kumalat ang balitang iyon dahil imposibleng may magsalita sa mga tauhan niya sa mansyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Darson na ang mga kumakalat na balita at lumalabas na siya ang masama.Ang mga mata ng tao sa loob ng ballroom ay nagsasalit-salit ang tingin kay Darson at kina Semion at Celeste sa harapan ng entablado. Palakas nang palakas lamang ang mga bulungan. Maging ang mga tao ay kumplikado sa kung ano dapat ang iisipin at maramdaman sa sitwasyong
Parehong nanlalaki ang mga mata nila Semion at Celeste sa pagkabigla dahil sa pagsigaw na iyon ni Darson. Pareho silang ‘di makapaniwala sa katapangang pinapakita nito ngayon sa ibaba ng mababaw na enteblado.Hindi maipinta ang mukha ni Darson ngayon na nakatingala sa dalawa partikular sa asawa niya. “Celeste! Don't make me repeat it twice. Huwag mong hintayin na kaladkarin kita palabas sa lugar na ‘to!”“Ano…?” abot-abot ang kaba sa dibdib ni Celeste. Oo, gusto niyang masurpresa ang lalaking ito ngayong gabi. Gusto niyang ipakita rito na hindi siya abandonadong babae! Pero hindi sumagi sa isipan niya na bigla-bigla nitong ibababa ang sarili para gumawa ng iskandalo bago pa man niya ipakita ang katayuan niya ngayon sa pamilyang Lombardi. Kitang-kita rin ang pagkagulat ng mga bisita. Lahat ay napapasinghap ng hangin at napapalaki ng mga mata. Ramdam na ramdam ang tensyong naglilipana sa kabuuan ng lugar! Sinong ang makakapredikta na ang dapat sana'y masayang party ngayong gabi ay mapu
“CELESTE!!” galit na sigaw ni Darson sa tangkang pagpigil sa planong paglalandak ni Celeste sa sekreto nito.“You!” hindi iyon nagustuhan ni Semion at gustong abahan si Darson subalit humigpit ang pagkakakapit ni Celeste sa braso nito, habang puno parin ng dignidad na nakatitig kay Darson.“You stripped me down from my position in the Allegra family, not abiding by the contractual marriage that we had. Nakakagalit ba na sa bibig ko mismo lumabas na ginawa mo ang kahangalang bagay na iyon para sa isang bayarang babae?” natawa si Celeste. “Your pregnant mistress must be enjoying a luxurious life with you without knowing she's been kept hidden by you.”“Prostitute?”“Pregnant mistress?”“Nagkaroon ng affair si Darson at sa isang bayarang babae?’“Bakit tanggap ng mga Allegra?”“Come to think of it, Celeste is much better because at least she came from a family with high status before.”Lahat ng bulong-bulungan sa likod ni Darson ay pumapasok sa tainga niya. Ang reputasyon at mukhang iniin