Share

Kabanata 29

Nagising kinabukasan si Celeste at nadatnang wala na sa pagkakahiga sa kanyang tabi si Semion. Kinapa niya ang bedsheet sa puwesto nito at naramdamang malamig na iyon, ibig sabihin ay kanina pa ito bumangon.

Nakahinga siya ng maluwag at saka rin umalis mula sa pagkakahiga sa kama. Kahit pa inaantok at papikit-pikit ang mga mata ay nagtungo na agad siya sa banyo. Dumeretso siya sa inidoro saka binaba ang pants ng pajama niya para umupo doon at maglabas ng kaginhawaan mula sa loob ng kanyang pantog.

*BAM!*

“C-Celeste…”

Samantalang sa puntong iyon ay saktong kabubukas lamang ni Semion sa sliding door ng shower sa parehong banyo. Napako ang paningin niya kay Celeste na nakaupo sa inidoro at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya, bagaman isang mata lang ang nakakasaksi ng pangyayari.

Nakababa hanggang tuhod ang pants nito kasama ang kulay puti na panty. Nakita niya ang makinis at maputi na balat sa gilid ng hita ni Celeste. Napaawang ang bibig niya sa gulat.

“S-Semion?” ang kaninan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
gdmwrning po lagi kung hinhintay ang update nito
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
writer wla pa bang update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status