Napangiti si Kelly nang matapos niyang ilagay ang niluto niyang ulam sa malaking mangkok. Maaga talaga siyang nagising para ipagluto si Ryker ng agahan. Nang i-check niya ang binata kanina ay mahimbing pa rin itong natutulog at bumalik na ang normal na kulay nito. Hindi katulad kagabi na namumutla ito.Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Sydney kagabi ay pinag-isipan niya talagang mabuti ito. Hindi niya alam kung kaya ba niya na mahikayat si Ryker sa gusto ng kapatid nito pero pipilitin niyang mapagtagumpayan iyon. Isa pa ay ayaw niyang habang buhay na ang sinusunod nito ay ang kung mang disisyon at dicta ng Lolo nito. Hindi sila magkakaroon ng masayang pagsasama kung mananatiling ang matandang Mondragon ang nasusunod sa pamilya nila. Baka pati ang pagkakaroon ng apo ay ito pa ang magdidisisyon. Wala na silang kalayaan kung ganun.He's an adult man himself and he has the right to decide what to do and what to plan for his future. Hindi ang lolo nito ang may hawak sa lahat ng 'to.Kung kam
Mabilis na umiwas si Kelly kay Ryker nang muling sunduyin nito ang baywang niya. Ang librong hawak niya ay kanina pa niya nabitiwan dahil sa pangingiliti ng binata sa kaniya. Ang sabi nito ay nagseselos ito at hindi raw niya ito pinapansin gayong siya ang nagpilit na huwag nitong katagpuin si Lolo Jones. Hindi raw yata nito mapapantayan ang kung ano mang pagmamahal niya sa mga libro.Sa una ay tinawanan lang niya ito at nagpatuloy sa pagbabasa ngunit kalaunan ay huminto na siya dahil sa pangungulit nito. Kahit na anong iwas niya ay nahuhuli siya nito at kinikiliti. Sa lakas ng tili at tawa niya ay nakita pa niya na napasilip si Gemma at si manang, ang matandang mayordoma ng mansion, sa may bintana.Nagulat yata sila na bigla nilang maririnig ang mataginting niyang tawa pagkalipas ng ilang buwan na animo dala niya ang problema ng buong mundo."T-Tama na!" tumatawang pigil niya at hinuli ang kamay nito na nasa baywang niya. Mahigpit niyang hinawakan iyon at nakikiusap ang tingin na naki
"Tito Paz," seryosong tawag ni Ryker sa Tito nila. Ito ang namamahala sa executive professional bodyguard na itinayo rin ng kanilang pamilya. Pero may isa pa silang business na dalawa na lingid sa kanilang Lolo Jones. Pati ang magulang niya ay hindi nila ito alam. Proposal ito noon ng kaniyang uncle sa kaniya noong 24 pa siya na tanggihan na sana niya. Subalit iginiit nito kaya tinignan niyang mabuti ang proposal at sa huli ay pumayag siya.Ito ang magiging sandigan niya kung nagdesisyon na siyang humiwalay sa kanilang pamilya. At ang itinayo nilang ito ay legal dahil ang company nila ay lihim na nagtatrabaho sa government. Sila ay top secret agency ng mga spies. Nagtapos kasi na sundalo si Tito Paz kaya tiwala siya rito. At matagal na ngang nag-o-operate ang shadow secrets at marami na ring silang nahawakan na kaso.Ibinigay nito ang folder sa kaniya na hawak nito. Binuklat niya iyon at nakita niya ang litrato ni Jerome. Halata ang pagiging foreigner nito dahil sa asul na mata nito.
Nang pumasok si Ryker sa malawak na sala ay sumalubong sa kaniya ang malakas na halakhak ni Kelly. Sa television ay may reality show na kasalukuyang pinapalabas doon at iyon ang tinatawanan ng dalaga. Sa halip na lapitan niya ito ay sumandal siya sa hamba ng pinto at pinagmasdan ito. Malayang nakalugay ang buhok nito at nakasuot ito ng pambahay na damit. Pero hindi iyon nakabawas sa gandang taglay nito. Hindi nakakasawang pagmasdan ang kariktan nito. Kung hindi niya naalala ang lahat at patuloy na sinasaktan niya ito ay siya na rin ang gumawa ng ikakasira ng dalaga.Bumuntong hininga siya, wala pa rin siyang balak na istorbohin ang dalaga kaya nanatili siya sa kaniyang puwesto. Nakita niya itong umabot ng strawberry sa mangkok at isinubo iyon sabay kagat. Ang naiwang kalahati sa daliri nito ay tinignan nito iyon at ngumiwi."Bakit ang asim nito? Hindi naman ang ibang kinain ko kanina, ah!" narinig niyang usal nito at kumuha uli ng isa at isinubo iyon ng buo. Para itong hamster nang lu
Mahimbing ang tulog ni Kelly ng umagang 'yun nang magising siya dahil sa makas at galit na boses. Salubong ang kilay na bumangon siya at bumaba ng kama. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang buhok niya at basta na lang niya isinuot ang tsinelas niya at lumabas.Nang muli niyang marinig ang boses na 'yun ay nagmamadali siyang naglakad. Nasa may punong hagdan na siya nang makita niya sa ibaba si Ryker at si Lolo Jones. Tuwid lang na nakatayo ang binata habang ang Lolo nito ay nakaduro ang tungkod sa una.Gusto sana niyang pumanaog pero 'di sinasadyang napasulyap si Ryker sa kaniya. Makahulugang tumingin ito sa kaniya kaya umatras siya at hindi itinuloy ang pagbaba. Ngunit napatutop siya sa bibig at nanginig ang tuhod niya nang kitang-kita niya nang itaas ng matanda ang tungkod nito at ihampas kay Ryker."You're not listening to me, Ryker! Hindi mo sineseryoso ang mga sinasabi ko. Do you look down upon me?" galit na wika nito. "Ngayon pa na matanda ka na saka mo naisipang gawin 'to? Ano
Daphne was sentenced to prison. Kasama si Nestor na ipapa-deport sa America at harapin ang kaso nito roon. Sa araw ng hearing ay nagsisigaw si Daphne at sinabing hindi ito ang utak ng pananakot kay Kelly. Nagbanggit din ito ng pangalan kaya si Ryker ay napangisi.Tama nga ang hinala niya, si Morello Baller, dating kaklase niya noong kolehyo siya. Palagi niya itong nakakabanggaan noong nag-aaral pa sila. Isa na roon ang mga babaeng nagustuhan nito pero siya ang gusto naman ng babae. Noong sila naman ang namahala na sa kompanya ng kanilang pamilya. Lahat ng investors na balak nitong bigyan ng proposal ay sa kaniya pumirma. Dahil dito ay alam niyang sukdulan na ang galit nito sa kaniya.At alam niyang ang taong nang-hack noon sa security system ng branch ng kompanya niya abroad ay tao nito. He planted a mole inside his business. Si Sydney ang nakatuklas nito dahil nga umuwi siya rito noon. Parang plano na talaga nila ang isabay na takutin si Kelly para ibaling ang atensyon niya."Sino si
Bumakas ang pag-aalala sa mukha ni Kelly nang makita niyang natigilan si Ryker. Kagigising lang nila at hindi pa nakakapagdamit nang tumunog ang cellphone nito. Tahimik lang siyang nakahiga at nakinig sa hello nito sa taong tumawag. Pero nabahala siya nang makita ang pagdilim ng anyo nito. Ang kanyang mga mata ay mabangis at galit na galit na parang papatay ng tao.Umigting pa ang mga ugat sa leeg at sentido nito dahil sa galit. Bumangon siya at hinawakan ang malayang kamay nito. Hindi ito lumingon sa kaniya bagkos ay hinawakan lang pabalik ang palad niya. Binalot ng mapanganib na aura ang binata at pati si Kelly ay nakaramdam ng takot. Parang bumalik kasi ang Ryker na walang pusong nagkulong sa kaniya rito sa bahay."Pumunta ka sa town house at doon ka muna pansamantalang tumira. Wait for me there," kasing lamig ng yelo na sabi nito.Nang maibaba na nito ang cellphone ay huminga ito ng malalim."May problema ba sa kompanya?" usisa niya."Lolo Jones fired ate Sydney yesterday. The las
"Will he be okay? B-Baka gawin uli ni Lolo ang ginawa niya noong pumunta siya sa mansion!" nag-aatubli at uneasy na usal niya nang magpaalam na si Ryker na puntahan ang Lolo nila. Mamayang hapon pa naman ang meeting nila ng shareholder ng Baller kaya sa main house na muna ito pupunta. Nag-aalala siya na baka makatanggap na naman ito ng hampas sa matandang Mondragon at baka mas worst pa."Wala ka bang tiwala sa kasintahan mo?" nakaarko ang kilay na tanong ni Andy.Bumuntong hininga siya at naupo sa tabi ni Sydney. Kompleto sa kagamitan ang townhouse pagkatapos na ipa-renovate ni Ryker nang mabili niya ito.Hindi naman sa wala siyang tiwala sa binata pero 'pag dumating siya at may pasa na naman ay iyon ang hindi niya kaya. Kaya lalong bumigat ang kalooban niya at lumalim ang uneasiness niya na animo nakadagan sa dibdib niya at hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay hindi sa main house ang pupuntahan nito kundi sa digmaan.Ipinatong ni Sydney ang kamay nito sa likod ng palad niya. Mari