Share

Chapter 39.2

Lumipas ang araw at ngayon na ang burol ng magulang namin. Ang bilis ng mga pangyayari at ngayong araw na talagang tuluyang mamamaalam sa magulang namin. Itong araw na ito ang pinakamahirap at mabigat sa aming magkakapatid. Ito ang araw na lubos na pagdadalamhati namin. 

Hindi ko alam kung paano namin nakayanan ang pang-araw-araw sa pagpapatuloy sa buhay namin. Hindi ko pa rin sila makausap nang maayos at kahit ilang beses kong subukan ay talagang dumidistansya na muna sila. Naiintindihan ko, valid naman ang nararamdaman nila pero umaabot na rin sa puntong sobra-sobra na. Kaya kailangan ko na rin silang pagsabihan, pero no'ng pinagsabihan ko ay umiyak sila nang umiyak sa akin.

Doon kami nag-iyakan at sobrang sakit para sa amin ito. No'ng araw na rin no'n ay saka ko naman na nakausap nang maayos ang kambal pero mararamdaman mo pa rin naman na parang wala sila

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status