I've got the letter A, T, T, and now the letter Y in the word Atty. Certainly, I am done in my 3rd and 4th year. And now, the last one—the period. Which represents the Bar examination. Time passed so fast and now I still couldn't believe that I actually graduating from law school and now that I will be taking the Bar Examination.
Sinabi ko na sa sarili ko na kahit pumasa lang ako ay ayos na ako. Gusto ko rin na isang take lang ako, alam ko namang kayang-kaya ko ito at mataas ang kumpiyansa ko sa sarili ko na kakayanin ko ito. I graduated on time even I am a working student, hindi ko rin alam kung paano ko nagawa 'yon.
Basta tuluy-tuloy lang ako sa pag-aaral. Nagpatuloy lang ako. Ilang beses din akong umiyak, ilang beses ding pumasok sa isip ko ang tumigil na pero talagang nilaban ko lang ito hanggang sa dulo. Ngayong nasa dulo na
Everyone was worried, everyone was calling me and I did not answer them all. They wanted to comfort me, but I don't want anybody come to closer to me. I don't want to show myself. I took my time for grieving. I took my time for accepting that I did not expect to happen. I failed. I did not make it. What other face can I present to them, knowing that they are rooting for me, and turns out I did not successfully make it. Iyak lang ako nang iyak sa buong isang buwan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon at nakakapanghina ng loob, nakakapanghinayang. Dapat alam ko rin ang ganitong mga posibilidad na mangyayari, oo. Napaghandaan ko ito, pero lahat ng paghahanda kong 'yon kapag nangyari na ay sobrang sakit at ang hirap tanggapin. Kapag nasa estado ka na pa lang nag-fail ka lalo na sa pangarap na inaasam mo ay parang tinutusuk-tusok 'yong puso mo, parang mapapata
Hindi ko alam kung saan pa ba ako nagkulang, ano pa ba ang kulang sa akin. Ginawa ko naman na ang lahat ng makakaya ko, lahat na ay sinakripisyo ko. Pero bakit ganito? Bakit ganito ang mga nangyayari sa buhay ko? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Siguradung-sigurado na ako na ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko, lahat ng mayroon ako ay binigay ko na.Ubos na ubos na ako. Hindi ko na ngayon alam ang gagawin ko sa buhay ko, gusto ko na lang ngayon na sumuko sa buhay ko't hindi ako nakapasa. Na naman, hindi ulit ako nakapasa. Sa pangalawang pagkakataon kong muli, sa inaasahan kong kaya ko na, at 'yong akala kong ito na, ito na 'yong oras para sa akin.Hindi pa pala.Walang tigil ang iyak ko dahil sa sobrang dami kong nilaan ng oras ko. Minsan hindi na talaga tungkol sa kung gaano karami ang pinag-aralan mo, kung gaano karami ang
"Objection, your Honor!"Humarap ako kay Judge matapos kong isigaw 'yon. "Leading question," maawtoridad kong sabi."Objection sustained," mahinahong sabi ni Judge, "move on to your next question, Prosecutor.""Yes, your Honor." Nag-bow pa siya kay Judge habang sinabi niya 'yon. Nairita naman ako sa sinabi at ginawa niyang 'yon.Nakakapikon ka talaga, Ranguel.Dahil sa pikon ko ay ako naman ngayon ang kakausap sa witness ko. Masyadong nandadaya itong si Ranguel at lahat na lang ng tinatanong niya ay naroon na rin ang kasagutan, kaya nag-object na ako ng leading question. Masyado na siyang maingay at oras na para patahimiikin na siya."Witness, is it true that you heard it all? You saw everything that Ms. Saitarem post
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong araw, hindi ako makakilos nang maayos, simpleng pagtayo mula sa kama ay hindi ko pa magawa dahil tinatamad ako, at parang hindi ako handa para ngayon. Paulit-ulit ang pag-flash sa isipan ko ang mga pangyayari kahapon. Bakit parang nagiging mabilis sa akin ang mundo? Bakit parang nagmamadali ngayon ang oras sa akin? Walang preno, hindi ko kinakayanan. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon, hindi ko rin alam kung ano talaga dapat ang gagawin ko. Nakakainis din ay kung bakit ako nagkakaganito?! Naka-move on na ako sa kanya! Pero ang mas nakakainis pa lalo ay sobrang pamilyar 'yong kung paano bumilis ang pagtibok ng puso ko no'ng nakita ko siya kahapon. Tinakpan ko kaagad ang mukha ko gamit ang unan ko rito. Ayaw kong maalala 'yon! Nagsisisigaw-sigaw pa ako rito. "Hindi na! Hindi dapat ganoon ang
"Iyong akala ko na kaya ko na, kasi pinaghandaan ko na 'yon eh. Inaasahan ko rin naman na kahit anong mangyari ay talagang magtatagpo ang landas naming dalawa. At sa mga sandaling nakita ko siya na mayroong kasamang iba, sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit pero sobra pa sa sobra," naiiyak na sabi ko at saka ininom ang bote ng alak na hawak-hawak ko. "Kilala ko pa 'yong kasama niya. Na-meet ko na 'yon noon at alam mo ba? Napansin ko na parang bagay rin talaga sila, pareho ng interes sa buhay, parehong trabahong pinapasok. Ito ako, sorry abogado lang." Nagtawanan naman kami sa sinabi kong 'yon. Nilagok ko nang diretso ang natitirang alak na laman ng bote. "Sabay, no'ng na-meet ko 'yong Medior na 'yon. Aba! Amoy mayaman talaga, bagay na bagay talaga sila no'n. Pero hindi ako na-insecure sa kanya o kahit ano pa 'man no'ng time na 'yon kasi alam kon
"I was just kidding! Nagbibiro lang naman ako, at may gusto lang akong pag-usapan sa 'yo Mr. Palmadez. Tungkol doon sa babaeng nabaril no'ng isang araw." Tumango naman nang dahan-dahan si Nezoi, na nakikiayon lang siya sa nangyayari ngayon. Ako naman ay mabiis ang tibok ng puso ko. Parang wala lang kay Ranguel ang lahat, wala kasi siyang alam sa nangyayari ngayon.Wala talaga siyang alam tungkol sa amin. Malakas lang talaga siyang man-trip ngayong araw.Hindi niya ang alam tungkol kay Nezoi at sa akin. Mamaya 'to sa aking lalaking 'to. Ano na lang ang sasabihin at iisipin ni Nezoi ngayon dito? Pumunta kami sa maliit na office at kay Nezoi ata ito. Nag-usap lang naman sila nang seryoso at hindi ko alam kung ano ba ang pinag-uusapan nila.Basta ngayon ang nasa isip ko 'yong kalokohan ni Ranguel at napipikon ako sa kanya.
Umalis na si Ranguel at ako na lang ang natira dito sa hospital. Sabi kasi ni Nezoi na saglit lang daw siyang magpapalit at ako naman na dakilang gusto ko rin naman kaya talagang hihintayin ko siya. Mabilis lang din namang kumilos si Nezoi at nakabalik na kaagad siya rito sa entrance ng hospital na ito kung saan ko siya hinihintay.Nang makita niya ako ay ngumiti naman siya kaagad at ako naman ay tipid lang din naman akong ngumiti. Nilahad niya pa ang kamay niya at nagdadalawang-isip pa ako kung ano ang gagawin ko roon, mas lalo niya pa itong nilahad at tinanggap ko na rin naman na ito. Saglit pa akong nagulat dahil sa lambot ng kamay niya.Tumingin naman ako sa kanya at mas lalo pa siyang ngumiti ngayon. Iniwas ko na lang ang tingin ko at saka na kami tuluyang lumabas na magkahawak pa ang kamay namin. Hindi ko rin alam kung bakit sobrang bilis ng pangyayaring 'to, nagigin
"Ikaw? Ako? Ako 'yong hinihintay mo? Iyong kanina mo pang sinasabi ay ako lang ba 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko at hanggang ngayon pa rin ay hindi ko matanggap na ako lang pala 'yong sinasabihan niya pang hinihintay niyang tao. Ang dami-dami ko pang sinabi sa isipan ko at lahat ng iyon ay ako lang pala? Ako lang pala ang tinutukoy niya? Na akala ko ay iba. Tumawa naman siya nang mahina. "Simula pa lang ikaw lang naman 'yon. At sino pa ba? Nakakatawa naman na hindi mo naisip na ikaw 'yon? Ikaw naman kasi palagi, Attorney," sabi niya nang seryoso. Ang sarap din lalong pakinggan na tinatawag niya na akong Attorney. Kaya mas lalo akong hindi makaproseso at totoo ngang ako na pala ang sinasabi niya mula pa kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko, basta biglang pumasok sa isipan ko 'yong kapag nabigyan ako ng pagkakataon ay ilalaban ko na. Pero ngayon para