Share

Chapter 38. Bracelet!

Selena is quite worried about Elmhurst. Simula nang makarating sila ng Sierra Salvada, sa villa nina Arjoe ay kanina pa ito tahimik at magkasalubong ang kilay. Pero nang mabasa niya ang nasa isip nito ay may nakita pala itong isang pamilyar na bagay. At nakatago ito sa bulsa ng jacket nito pagkatapos nitong pulutin iyon. Gusto niyang sabihin dito na ilabas iyon para tignan nila pero dahil may mga police pa rin na nag-iimbistiga ay minabuti niyang itikom ang bibig at mamaya na niya ito kakausapin.

Walang mahanap na lead ang mga police sapagkat malinis ang ginawa ng mga pumatay sa kasambahay. At para na rin hindi pa sila magkalkal ng impormasyon ay iginiit ng mga magulang ni Arjoe na baka mga terrorist ang napadaan. Dahil kapag lumalim pa ang imbistigasyon ay malalaman nilang hindi normal na tao ang lumusob sa villa kundi mga bampira. Pero gustuhin man nilang isara na ang kaso ay hindi puwede sapagkat involve pa rin ang pamilya ng tatlong namatay na kasambahay at gusto nila ng hustisya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status