Hindi ko na halos matandaan kung paano kaagad ako nakarating sa ospital. Ni hindi ko na nga maalala kung nakapag-bra ba ako basta ang alam ko lang ay nanginginig na pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa public ospital.Pagdating ko roon ay halos kakaasikaso lang kay Pierce at nang makita ko siyang walang malay, duguan, at nakatubo ay doon pa tumulo ang luha ko. Nasa hallway lang si Pierce dahil sa dami ng mga na-admit na pasyente. Malala ang lagay nito. Ayon sa mga nakausap kong kapitbahay na sinamahan ako sa ospital ay paranghimala na raw na hindi nagkalasog-lasog ang katawan nito. Mukha raw kasing tulala si Pierce habang tumatawid kaya hindi agad nito naiwasan ang truck na ilang ulit na raw bumusina."Kaano-ano mo ang pasyente? Kapatid?" tanong ng doktor sa akin nang hanapin ang guardian ni Pierce.Umiling ako habang nagpupunas ng luha. "Hindi po, doc. K-Kaibigan po ako ni Pierce. Kamusta na po siya doc? Bat hindi pa po siya nagigising?""Magigising din ang pasyente mayamaya. Ka
Five years after.Tumugtog ang bridal choir habang mahinang naglalakad ang napakagandang bride patungo sa matikas na groom na naghihintay sa altar.Namasa ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagrampa ng bride.Sa wakas ay may nagwagi rin sa amin pagdating sa pag-ibig. Pinunasan ko ang uhog at luha saka binigyan ng tissue si Myca na kanina pa rin umiiyak. Sinulyapan ko ang mga kaibigan. Sina Pariah at Barbie ay naiiyak na rin maliban kay Sheki na walang emosyon sa mukha.Sa buong ceremony ay umiiyak lang talaga kami kaya nang matapos na ang lahat pati ang picture taking ay mugto na ang aming mga mata. Dumiretso rin kaagad kami sa powder room para mag-retouch bago humarap uli sa kamera. Mabait ang asawa ni Dean na si Daphne at bagay na bagay silang dalawa. "Dean, una mong buksan ang regalo ko sa inyo ha bago ang bakbakan para sure ka na may laban," sabi ko sa kaibigan nang lumapit sa amin ang newlyweds nang reception na. Pabirong tinuktukan ako sa ulo ni Dean. "Sira ka talaga kahit
"Xylca, alam mo bang nasa Pilipinas na si Pierce?"Nabitawan ko ang binabasang dokumento ng bagong biling commercial lot. Parang hinigop lahat ng lakas ko sa nabasang text message mula kay Barbie. Umahon ako sa swivel chair at nanginginig ang mga kamay na mabilis na tinawagan ang kaibigan. "Barbs, totoo ba?" bungad ko agad pagsagot nito."Ang bilis a. Oo. Nagpunta siya rito sa kompanya. Kaibigan pala ng mokong na amo ko. Small world talaga. Kinumusta nga ako kanina. Nabigla nga ako dahil kilala pa pala niya ako. Akala ko kasi ano... Iyon na nga, kakauwi lang niya noong isang linggo. Limang taon din pala siyang nasa US 'no."Dumagundong sa galak ang puso ko. "Barbs, nandiyan pa ba siya?""Oo, nasa taas pa. Bakit? Punta ka rito?"Inabot ko ang bag at agad na lumabas ng opisina. "Oo, papunta na ako.""Wait Xylca. May kasa—"Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil pinatay ko na ang tawag at agad na nagbilin sa secretary. Mabilis kong pinasibad ang kotse papunta sa pinagtatrabahuang te
"O, bat 'di mo pa magawang lapitan? Sige na, Xylca. Puntahan mo na si Pierce.""Sandali lang. Kabado iyong tao e. Chill ka lang muna. Kanina pa ako natatae dito. Parang sisirit na lang bigla ang ihi ko Barbielat."Siniko niya ako habang nakalagay ang kamay sa mukha para takpan ito. "No worries. Marami akong dalang tissue. Tutulungan kitang punasan ang puwet mo. Sa ngayon ay puntahan mo na siya at mukhang kanina ka pa iyan hinihintay."Gaya ng pangako ni Jacques, gumawa ito ng paraan para makausap ko si Pierce. Sinabi niya sa akin na may kikitain daw ito na prospective buyer sa isang restaurant. Kilala raw nito si Pierce. Maagang dumadating ito kaya may chance akong makausap ito kahit sandali. Ito na rin daw ang bahalang mag-set up pa sa akin kapag hindi umubra."Heto na. Heto na. Tatayo na. Wait Barbs, halata bang namumutla ako? Sobrang kabado ko ba talaga? Hindi ba ako mabaho?" Inamoy ko ang sarili pati ang hininga. "Nakakahiya naman kung hanggang ngayon ay dugyutin pa rin ako. Umase
"Good morning!" masiglang bati ko sa mukha ni Pierce nang pagbuksan niya ako ng pinto.Nakakunot-noong pinasadahan niya ng tingin ang suot kong uniform ng isang cleaning company."Why are you dressed like that?"Umikot ako sa harapan nito at ngumisi. "Maglilinis ako ng bahay mo. May tinawagan kang cleaning shop kaya andito na ako."Akong papasok na ako sa loob pero hinawakan niya ako sa balikat para pigilan."Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Xylca."Nginitian ko siya saka itinaas ang mga hawak na mga gamit. Itinuro ko ang van saka inilabas ang ID. "Hindi rin ako nagbibiro. Relax ka lang. Legit ako. Suma-sideline talaga ako sa shop na iyan pangdagdag-income."Lingid sa kaalaman nito ay si Jacques mismo ang nagbigay ng tip sa akin. Kilala nito ang may-ari kaya agad niya akong naipasok.Hinayaan na niya akong pumasok sa loob. Nahuli ko pa ang ginawa nitong pagsulyap sa malaking bag sa likod ko na maingat na inilapag ko sa gilid saka binuksan at inilabas ang mga nilutong pagkain."Pierc
Sa pangalawang araw ay naging dakilang server naman ako. May party na inorganisa ang kompanya nila Barbie na ginanap sa hotel ng pamilya ni Myca kaya siyempre invited si Pierce at kung nasaan si Pierce, ginagawa ko rin ang lahat para andun din sa tabi nito. At siyempre, ginamit ko na naman ang koneksiyon ko. Inayos ko muna ang suot na white uniform bago nilapitan ang lalake na nag-iisa sa table nito. Nakangiting inilapag ko ang baso sa harap nito."Tubig, sir. Baka nauuhaw ka na. Ubos na kasi ang laman ng baso mo." Inginuso ko ang baso nitong wala ng laman.Gulat na nilingon niya ako at napahawak sa sentido."You're here again," ani nito na parang nawalan na agad ng pasensya. "What are you now?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Are you into roleplaying these days?""Ano ka ba. Rumaraket lang. Gipit sa buhay. Mataas ang presyo ng mga bilihin at mahina ang benta kaya kailangang kumayod." Kinindatan ko siya bago binuksan ang wine sa table at lagyan ang kopita nito."I did not
Sa ikatlong araw ay sumama ako sa paanyaya ni Gori na magpunta sa Pearl Farm. Pupunta rin doon si Pierce kaya siyempre nandoon din ako.Habang nasa daan ay pasulyap-sulyap lang ako sa gawi nina Pierce at Sab na magkayakap na natutulog sa loob ng private bus. Hindi naman ako halata dahil nakasuot ako ng sunglasses.Nang hindi na kaya ang sakit ay yumakap ako kay Barbie na nasa tabi ko. Napansin iyon ni Gori na sumimangot. Binatukan lang ito ni Barbie.Pagdating sa exclusive resort ay nagkanya-kanya na kami ng punta sa silid namin. Humiwalay kami ng villa at pinili iyong pinakamalapit sa dagat. Wala rin naman kaming makasundo sa mga kaibigan ni Gori at Pierce dahil puro mga sosyalera.Hindi ako kumain ng dinner. Hinintay kong maghating-gabi bago ako lumabas at nagpunta sa tabing-dagat pero may nauna na pala sa akin. Tumalikod ako para bumalik sa kwarto pero tinawag na ako ni Pierce.Tipid na nginitian ko siya at tumabi ng upo sa buhangin. Tinitigan niya ako."Is your finger okay?" turo
"You should have told her about the truth, Xian. Kilala ko iyang si Xylca. Maiintindihan ka niya."Mula sa tinitingnang karton na puno ng mga lumang damit ko mula kay Xylca ay nagtaas ako ng tingin sa kaibigang si Jesse. Nag-aya akong uminom kami dahil babalik na ako sa Amerika sa isang linggo. "You know I can't do that. I made a promise," ani ko at muling isinarado ang box at naupo sa sahig at sinindihan ang sigarilyo."Sabihin mo nga sa kaniya. Maiintindihan ka niya. Hindi iyong palagi ka na lang nagsisinungaling kapag kaharap mo siya. Sa ginagawa mo ay pinaparusahan mo lang siya at ang sarili mo. Tell her you still love her all these years and that she never left your mind."Jesse is right. For the whole of five years, hindi ito kailanman nawala sa isip ko. Ito ang unang pangalang binanggit ko nang magising ako sa coma. I kept on calling her name for the rest of the month the second I regained my consciousness. I love her. I always do until now. Siya ang inspirasyon ko para gumali