Share

Chapter 24

Hindi ko na halos matandaan kung paano kaagad ako nakarating sa ospital. Ni hindi ko na nga maalala kung nakapag-bra ba ako basta ang alam ko lang ay nanginginig na pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa public ospital.

Pagdating ko roon ay halos kakaasikaso lang kay Pierce at nang makita ko siyang walang malay, duguan, at nakatubo ay doon pa tumulo ang luha ko. Nasa hallway lang si Pierce dahil sa dami ng mga na-admit na pasyente.

Malala ang lagay nito. Ayon sa mga nakausap kong kapitbahay na sinamahan ako sa ospital ay parang

himala na raw na hindi nagkalasog-lasog ang katawan nito. Mukha raw kasing tulala si Pierce habang tumatawid kaya hindi agad nito naiwasan ang truck na ilang ulit na raw bumusina.

"Kaano-ano mo ang pasyente? Kapatid?" tanong ng doktor sa akin nang hanapin ang guardian ni Pierce.

Umiling ako habang nagpupunas ng luha. "Hindi po, doc. K-Kaibigan po ako ni Pierce. Kamusta na po siya doc? Bat hindi pa po siya nagigising?"

"Magigising din ang pasyente mayamaya. Ka
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status