Magandang Araw po sa lahat!Kumusta na po kayo? Ilang buwan akong hindi nakapag-update dahil bukod sa sobrang busy ko ay nagka writer's block din po ako. Maraming Salamat po sa mga nagbabasa at nanghihingi ng update. Sa ngayon po ay hindi pa ako makakapag-update dahil sobrang busy ko po sa school. Sana po maintindihan ninyo. Pero pangako po, tatapusin ko po ang "The Supreme" sa oras na matapos na ang school year. Babawi po ako sa lahat ng mga avid readers ko. Sobrang swerte ko po dahil nandiyan kayo, sumusuporta sa gawa ko. Sobrang nakakataba ng puso. Mahal ko po kayo!-Glee
Kasalukuyang taon..."Ama, bakit po magkapangalan sina Lola at Ina?" puno ng kuryosidad na tanong ni Prinsipe Asmal sa kaniyang ama na si Supremo Atcandis. Nasa edad sampu pa lamang ang Prinsipe sa pagkakataong iyon. Labis siyang nalilito dahil parehong may "Alyada" ang pangalan ng kaniyang Lola at Inang Zenya."Ang iyong Lola at ang iyong Ina ay mula sa magkaparehang angkan. Ang mga babaeng bampira sa panahon namin ay kinailangang magkapareha ang unang pangalan upang maging palatandaan na mula kayo sa iisang lahi. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na ito sinusunod upang maiwasan ang pagkalito," mahabang paliwanag ni Supremo Atcandis sa kaniyang anak na si Prinsipe Asmal.Naggising si Prinsipe Asmal mula sa panaginip na iyon. Naramdaman niya ang kakaibang kiliti sa kaniyang ilong dahilan upang agaran siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Nakatulog pala siya sa teresa ng kanilang palasyo habang nagbabasa ng mga paborito niyang mga libro.Nang magmulat siya ng mga mata ay sumalubong sa
Kasalukuyang taon...Nakangiti si Prinsesa Ynez habang pinagmamasdan si Prinsipe Zumir na maganang kumakain. Napansin ni Prinsipe Zumir ang titig ng Prinsesa sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin dito."Ugali mo bang manood ng kumakain?" Tanong ni Prinsipe Zumir. Napangiti si Prinsesa Ynez dahil sa wakas ay nagsalita na ito sa ilang minuto nilang katahimikan sa hapag. Magkatabi silang dalawa habang ang Supremo Atcandis at ang Inang Reyna Zenya naman ay nag-uusap pati ang ibang mga Prinsipe mula sa ibang kaharian."Masaya lamang ako sapagkat nagustuhan mo ang aking niluto. Pinaghirapan ko iyan," nakangiting sambit ng Prinsesa. Hindi nagsalita si Prinsipe Zumir at patuloy lamang sa pagkain.Matapos mananghalian ay nag-usap pa ng sandali ang lahat bago nagpaalam na uuwi na sa kani-kanilang mga lugar. Matapos kumain ay umalis na si Prinsipe Zumir. Agad naman siyang sinundan ni Prinsesa Yneza na malaki pa rin ang mga ngiti."Napag-alaman ko mula kay Theodoro na tutungo kayo sa buro
Kasalukuyang taon...Ang katahimikan ng gabi ang sumakop sa buong kapaligiran kasabay ng tunog ng mga paniki na nagsisiliparan. Ang malamig na hangin ay banayad na dumadampi sa mukha ni Prinsipe Zumir na magiliw niya namang sinasalubong. Sa mga oras na iyon ay pinagsaluhan nila ng Supremo ang inuming nakakalasing habang masinsinang nag-uusap sa kanilang teresa."Ano ang ating gagawin sa Prinsipe Zaitan na nakabilanggo, ama?" Tanong ni Prinsipe Zumir sa kaniyang ama na mukhang malalim ang iniisip.Sandaling hindi nakasagot ang Supremo. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan kagabi. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa pangkasawing muli ng kanilang lahi na kagagawan ng mga puti. Pinangungunahan ito ng Prinsipe Zaitan at ang nakatatandang kapatid nito na si Prinsesa Amira. Hindi siya makapaniwala na sa kaniyang panaginip ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika ang Prinsesa na siyang nagpatakas sa kapatid niyang ibinilanggo. Nang makatakas ay lumipas ang isang taon
Kasalukuyang taon...Abala si Tandang Luela sa pagdidikdik ng mga halamang gamot na kaniyang ipangtatapal sa mga sugat ni Prinsipe Zaitan. Nasa kritikal na kalagayan si Prinsesa Amira dahil pumutok ang iilang sa mga ugat nito sa ilong at tainga na naging sanhi ng pagdurugo. Dahil sa pinilit niya ang sarili na kahit lagpas na sa limitasyon ng kaniyang kapangyarihan. Mabuti na lamang at sa ilong at sa tainga lang na mga ugat. Habang si Prinsipe Zaitan naman ay payapang natutulog. Nagamot na ang iilang sa kaniyang mga sugat at napalitan na rin ng mas malinis at maayos na kasuotan.Nang umalis si Prinsesa Amira sa kaniyang tahanan ng hindi nagpapaalam ay alam na ng matanda na may mangyayaring masama. Gamit ang kaniyang mahika ay tinunton niya ang kinaroroonan ni Prinsesa Amira gamit ang iilang hibla ng buhok ng Prinsess na naiwan sa suklay nito. Kahabag-habag ang hitsura ng magkapatid ng kaniyang maabutan sa harap ng Talon ng Kumbawta, nakahilata sa tuyong lupa at mga walang malay.Hindi
Oktubre 26, 1499... Naganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga puti at itim na mga bampira sa kaharian ng Sarsul, pinamumunuan ng itim na bampira na si Supremo Atcandis at ang kaniyang asawa na si Inang Luyeza. May dalawang binatang anak ang dalawa na sina Prinsipe Asmal at Prinsipe Zumir. Nagliliparan ang lahat ng bampira. Ang mga dugo at laman ay nagkalat sa buong kapaligiran. Dahil duguan na ang Supremo ay ang kaniyang dalawang anak na lamang ang nakikipaglaban sa mga puti. Sugatan na si Zumir habang naghihingalo ang panganay na si Asmal. Hindi na nila nagawang balikan ang kanilang Ina sapagkat ay matapos nitong mapaslang ay naglaho ito sa hangin na parang abo. "Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito!" nanghihinang saad ni Asmal. "Hindi ka namin maaaring iwanan Kuya!" malakas ang boses na sabi ni Zumir. "Huwag ng matigas ang ulo kapatid, sige na ilisan mo na si Ama!" Sigaw nito at inatake ang mga papalapit na mga puting bampira. Ngunit hindi nagtagumpay ang mag-ama na mak
Oktubre 26, 1699... Ipinagdiriwang ng mga puti ang pagsisilang ni Luciana ng kanilang pangalawang supling ni Ismael. Isang napakaganda at napakalusog na batang babae. Kasabay sa pagdiriwang ay ang kasal ni Kaigan sa isang dalagitang nagmula sa pamilya ng mga dakilang mangangalakal at negosyante. Hindi inaakala ng lahat na huling araw na pala ng Supremo iyon sapagkat nagkasakit siya at naging dahilan ng kaniyang pagpanaw. Walang sinayang na oras at agad binigyang pugay ng mga puti ang kanilang bagong Supremo na si Kaigan. Nasa kamay ni Kaigan ang lahat ng kaniyang nasasakopan. Sa susunod na buwan ay tuturukan na naman ng kemikal ang Prinsipe. Ilang araw nf hindi makatulog ang Supremo sapagkat kulang ang ng isang sangkap ang ginagawa niyang kemikal upang mapanatiling tulog ang Prinsipe. Nag-utos siya sa kaniyang mga tauhan na hanapin ang nag-iisang sangkap na bubuo sa kaniyang gagawin. Makalipas ang isang Linggong paglalakbay ng kaniyang mga tauhan ay nadala nga ng mga ito ang sangkap
Nobyembre 05, 1795... Hindi makapaniwala si Kaigan na sa mga nagdaang taon ay ang kaniyang anak pala ang siyang magiging kabiyak ng dalagitang si Lovera at siyang magiging ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Lingid sa kaniyang kaalaman na may namumuo pa lang pagtitinginan ang dalawa habang siya ay wala sa kaharian at abala sa paghahanap ng sangkap sa gamot na gagamitin para sa Prinsipe ng mga itim. Agad na itinakda ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa. Inalam niya rin mula sa orakulo kung nagkataon lang ba na si Dalleon na kaniyang anak ang para kay Lovera o talagang silang ang nakatakda sa isa't-isa. "Magluluwal ang dalagitang nagngangalang Lovera ng isang lalaking sanggol na siyang magliligtas sa lahi ng mga puti mula sa pagkaubos. Siya ang gagapi sa nag-iisang bampira na nagmula sa lahi ng mga itim. Ang batang ito ay nagtataglay ng pambirihirang kakayahan na kapantay ang kakayahan ng Prinsipe ng nga itim o maaari niya pang malampasan. Siya ang anak ng pang- labinlimang Supremo n