Share

KABANATA 28

Kasalukuyang taon...

Ang katahimikan ng gabi ang sumakop sa buong kapaligiran kasabay ng tunog ng mga paniki na nagsisiliparan. Ang malamig na hangin ay banayad na dumadampi sa mukha ni Prinsipe Zumir na magiliw niya namang sinasalubong. Sa mga oras na iyon ay pinagsaluhan nila ng Supremo ang inuming nakakalasing habang masinsinang nag-uusap sa kanilang teresa.

"Ano ang ating gagawin sa Prinsipe Zaitan na nakabilanggo, ama?" Tanong ni Prinsipe Zumir sa kaniyang ama na mukhang malalim ang iniisip.

Sandaling hindi nakasagot ang Supremo. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan kagabi. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa pangkasawing muli ng kanilang lahi na kagagawan ng mga puti. Pinangungunahan ito ng Prinsipe Zaitan at ang nakatatandang kapatid nito na si Prinsesa Amira. Hindi siya makapaniwala na sa kaniyang panaginip ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika ang Prinsesa na siyang nagpatakas sa kapatid niyang ibinilanggo. Nang makatakas ay lumipas ang isang taon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Urim Atadero
hula lang ms. a
goodnovel comment avatar
Urim Atadero
Baka yung magiging anak ng puti at itim ang talagang initakda.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status