Share

KABANATA 27

Kasalukuyang taon...

Nakangiti si Prinsesa Ynez habang pinagmamasdan si Prinsipe Zumir na maganang kumakain. Napansin ni Prinsipe Zumir ang titig ng Prinsesa sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin dito.

"Ugali mo bang manood ng kumakain?" Tanong ni Prinsipe Zumir. Napangiti si Prinsesa Ynez dahil sa wakas ay nagsalita na ito sa ilang minuto nilang katahimikan sa hapag. Magkatabi silang dalawa habang ang Supremo Atcandis at ang Inang Reyna Zenya naman ay nag-uusap pati ang ibang mga Prinsipe mula sa ibang kaharian.

"Masaya lamang ako sapagkat nagustuhan mo ang aking niluto. Pinaghirapan ko iyan," nakangiting sambit ng Prinsesa. Hindi nagsalita si Prinsipe Zumir at patuloy lamang sa pagkain.

Matapos mananghalian ay nag-usap pa ng sandali ang lahat bago nagpaalam na uuwi na sa kani-kanilang mga lugar. Matapos kumain ay umalis na si Prinsipe Zumir. Agad naman siyang sinundan ni Prinsesa Yneza na malaki pa rin ang mga ngiti.

"Napag-alaman ko mula kay Theodoro na tutungo kayo sa buro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status