Share

Kabanata 126

MIKAY

Maaga akong nagising. Dahan-dahan akong bumaba sa kama upang hindi ko magising si Damon na mahimbing na natutulog. Hindi naman na siya ganoon kainit nang hawakan ko ang kaniyang noo. Madalas niyang sabihin sa akin na nagsisisi siya sa mga nangyari sa aming dalawa. Maging ako nagsisisi, nagsisisi ako na hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol kay Dal, edi sana nakagisnan ng anak ko ang kaniyang ama.

Hindi ko alam kung bakit umabot kami sa ganito, maayos naman kaming dalawa kahit na madalas kaming mag-away, pero sa isang iglap bigla na lang nagbago ang lahat. Ipinaliwanag naman niya sa akin, sinabi rin ni lolo ang mga nangyari noon na inilihim niya sa akin... pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit hanggang ngayon galit pa rin ang nararamdaman ko sa kaniya?

Marahas akong napabuntong bago ako lumabas sa kwarto. Chineck ko na muna si Dal sa aming kwarto, natutulog pa rin ito. Bumaba ako at tinungo ang kusina para makapaghanda ng almusal namin.

Hindi nagtagal ay nagising na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status