MIKAYOne week later..."Moma! Moma!"Kumakaripas na tumatakbo palapit sa akin ang aking anak habang may hawak itong papel."Moma! Moma! Tingnan mo!"Kinuha ko ang papel na iniabot niya sa akin. Napakurap pa ako ng ilang ulit dahil sa nakikita ko."With super highest honor ako Moma! Yey!"Hindi ko maiwasang mapangiti sa nakikita ko, kulang na nga ata ay mapunit ang aking labi dahil sa aking pagkakangiti."Moma, proud po ba kayo sa akin?"Bahagya akong bumaba upang mapantayan ko siya."Sino na nga ulit ang mama mo?"Ngumiti siya ng malawak."Kayo po. Hehe."Niyakap ko siya ng mahigpit."Proud na proud talaga ako sa iyo. Nagmana ka talaga sa akin.""Hindi ba sa akin?" Pareho kaming napatingin ni Dal sa nagsalita. Si Damon, habang bitbit niya ang crib ng mga labahan na syempre lalabhan niya mamaya. "Para wala pong away, sa inyo na lang pong dalawa. Hehe.""What do you want, Baby?" tanong ni Damon. "Dapat may prize ka for being the highest in your class. Gusto mo bang mag mall tayo? You
MIKAYThree months later...Sa loob ng tatlong buwan, naging maayos ang samahan namin ni Damon. Mas lalo kaming naging bukas sa isa't isa."Okay na ba kayo?" paninigurado ko.Ngayon ay uuwi kami sa amin, tutal naman ay bakasyon na nila Dal."Moma, okay na po ako. Si Papa hindi pa," ani Dal na kalalabas lang ng kwarto."Ano bang ginagawa niya sa loob?"Iyon talaga, dinaig niya pa ang babae sa bagal niyang gumalaw. Pumasok ako sa kwarto upang pagalitan si Damon pero nadatnan ko siyang palabas ng banyo."Hindi ka pa pala nakaayos?" taas kilay na tanong ko.Ngumiti ito ng malawak. "Sorry Wife."Napailing na lang ako saka ko tinungo ang cabinet para pilian siya ng kaniyang susuotin, ngunit ang gago yumapos na naman sa akin."Wife, p'wedeng paisa?" bulong nito sa aking tenga."Damon, tantanan mo ako. Kanina pa naghihintay ang chopper na sasakyan natin... Damon!" may diing saad ko nang mabilis niyang naipasok ang kamay niya sa suot kong pants.Tumawa ito nang mahina."I can't stop myself, Lo
DAMONSimula nang makabalik kami ay mas lalo akong naging abala sa trabaho, gabi na kung makauwi ako o di kaya naman ay madaling araw na, minsan nadadatnan ko pa ang aking asawa na naghihintay sa akin pero ngayon nadadatnan ko na lang siyang tulog.Marahan akong tumabi sa kaniya pagkatapos kong magshower."Oh nandito ka na pala," antok na antok na saad niya.Inihiga ko siya sa aking braso."Hi Wife."Humalik ako sa kaniyang noo saka siya mas inilapit sa akin. Wala naman na akong narinig pa mula sa kaniya. Hindi ko sana tatanggapin ang alok sa akin dahil ang gusto ko na lang sa ngayon ay mag focus sa aking mag-ina, kaya lang nakiusap sa akin sila lolo, they can't just give the hospital to someone they are not blood related to, that's why I was left with no choice. At first, I asked Adam to take part of it, but he's too busy with his own life."I love you, Wife. Good night."Muli ko siyang hinalikan sa noo hanggang sa makatulog na rin ako.Kinabukasan, nagising ako na wala na ang aking
MIKAY"Kaya po ba malungkot si Papa?""Opo."Ipinaliwanag ko sa kaniya ang nasaksihan niya nang lumabas silang mag-ama. Alam ko naman na may tanong sa kaniyang isip ngayon, kaya mabuti lang din na alam niya ang tungkol doon. Bata pa siya, oo, pero alam ko na kahit papaano ay may karapatan siyang malaman ang tungkol dito."Kawawa naman po pala si Papa. Huwag ka pong mag-alala, Moma, poprotektahan ko po si Papa."Napangiti ako dahil sa sinabi niya."I should be the one protecting you."Parehong nabaling ang tingin namin kay Damon na pumasok sa kwarto ni Dal. Lumapit siya sa amin at saka humiga sa kama."Papa, syempre pinoprotektahan mo na kami ni Moma, edi dapat may poprotekta rin sa iyo at mag-aalaga.""But it's my responsibility to protect you.""Papa, bilang anak mo, responsibilidad ko rin po iyon."Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig sa kanilang dalawa. "Baby, your responsibility for now is to play and have fun, enjoy your days being a kid.""Papa, na e-enjoy ko naman po.
Year 2017, Barangay 1003 Trese Mapayapa, Philippines MIKAY Maaga pa lang ay nagising na ako para maghanda ng almusal, at makapag-ayos na rin para sa pagpasok ko sa eskwelahan. Kahit antok na antok pa ako ay wala akong choice kundi bumangon. Mamaya mabubungangaan na naman ako ni Mama. Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at malazombie na tinungo ang banyo. May maliit akong banyo sa kwarto ko, sakto lang talaga para sa mga hindi katangkarang tulad ko. Nag shower ako para marefresh naman kahit papaano ang braincells ko na gagamitin ko na naman mamaya. Simple lang ang buhay ko. Hindi ako lumaki sa isang mayamang pamilya, sakto lang. Nakakakain kami at nakakatulog ng maayos, hindi rin kami nagigipit sa pera. May mga part time jobs din ako kaya naman pagdating sa school nag sha-shutdown na ang utak ko. Hindi rin ako masyadong matalino, kaya nga laging pasang-awa ang grades ko, hindi kasi talaga ako para aral, dahil makita ko palang ang libro ko inaantok agad ako. Para kasi akong
Year 2022, Present MIKAYIbinagsak ko ang katawan ko sa hindi kalambutan kong kama nang makauwi ako, kaya napadaing ako ng medyo slight. Putik! Parang kailangan ko na ng bagong foam, kulang na lang maramdaman ko na 'yong papag ko. "Nakakapagod na buhay," pagmamaktol ko saka ako humikab. Inaantok na ako pero sa tuwing papasok sa isip ko yung class card ko ay tila ba nabubuhay ang katawang lupa ko. Para akong isang batang nagwawala sa kama ko dahil sa frustration! "Nakakainis talaga! Ayoko talaga sa mga komplikadong tanungan dahil madalas nagiging komplikado rin ang pag-iisip ko." Katatapos lang ang ng exam ko, at kahit papaano ay sumasabit naman ako. Fourth year na ako sa nursing, sa wakas! Malapit na ring matatapos ang hinagpis ko, at malapit na rin akong kumaldag. Huwag na kayong magtaka kung bakit fourth year palang ako, dahil sa kapasidad ng utak ko isang himala para sa akin ang makatungtong ng fourth year. Pagkatapos kong magshower ay bumaba na ako para kumain kaya lang nap
ThreeMIKAY"Ano? Matagal na akong kasal sa lalakeng hindi ko pa nakikita?" Hindi ko maitago ang aking pagkayamot dahil sa sinabi ng attorney na nasa harapan ko ngayon. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag sa akin ang lahat ay hindi ko pa rin ito lubos maintindihan. Noong nakaraang linggo lamang ay sinabi niyang tagapagmana ako, tapos ngayon naman sasabihin niya sa akin na kasal ako sa kung sino mang nilalang? Paano naman ang magandang dignidad ko? Kasal ako? Kanino? Sa anino ko? Konti na lang talaga maiiyak na ako sa sitwasyon ko. Tinignan ko si Papa na nanatili namang tahimik. Ni hindi siya umaangal sa sinasabi ng attorney, hindi gaya nung huli itong nagpunta rito. Natatakot na nga ako dahil baka totoo nga ang sinasabi ni Attorney at alam ni Papa ang buong nangyayari. Pero paano naman ako magiging kasal? Wala naman akong experience sa ganyan! "Paano pong nangyari na kasal ako eh hindi pa nga ako nagkaboyfriend? Nag-aabay ako pero puro pagsindi lang ng kandila ang role ko," pa
MIKAYKabayaran ng ginawa ng magulang ko?Kanina pa iyan tumatakbo sa isip ko. Gusto kong tanungin si Papa kung ano ba ang ginawa nila para ako ang maging bayad sa kung ano man ang ginawa nila, pero ayoko ng dagdagan pa ang iisipin ni Papa dahil panigurado naman ako na gaya ko ay ayaw niya rin sa sitwasyon na kinasasangkutan ko ngayon.Hindi ko rin naman sila p'wedeng sisihin dahil sure rin ako na may dahilan ang lahat."Hija, from now on, you're going to live now to your husband's place," saad ni Mr. Ynares na kahit kanina pa niya ako sinasabihan na lolo na lang ang itawag ko ay hindi ko magawa.Kahit sobrang dami kong tanong at reklamo ay mas pinili ko na lamang na itikom ang bibig ko. Hindi rin naman sila makikinig sa akin, magsasayang lang ako ng oras at laway kung magsasalita ako.Damon Monverde? Kilalang-kilala nga siya ng lahat, dahil gaya ng sabi nila mahusay talaga siyang Doctor. Pero sa kabila ng kahusayan niya ay gano'n naman kalupit ng ugali niya sa sobrang pangit. Istrikt