Share

Kabanata 127

MIKAY

Ilang araw na ang nakakalipas simula nang magkasakit siya. Pero mukhang sumobra naman ata siya ngayon.

Hindi ko maiwasang mapakunot noo nang makita ko ang mesa na akala mo may magarbong salo-salo. May rosas at kandila sa gitna. Ang mga pagkain na nakahanda at tila ba niluto pa ng magaling na chef.

"Wow! May birthday po ba?" tanong ng anak ko na talaga namang namamangha sa kaniyang nakikita ngayon.

Nagtaas pa lalo ang kilay ko nang bigla sumulpot si Damon na akala mo dadalo sa isang dinner date. Formal na formal ito.

"Ano namang pakulo mo?" bugnot na tanong ko.

Hindi na talaga maipinta pa ang mukha ko lalo na bang biglang may kinuha siyang pink rose sa kaniyang suit, ngiting ngiti siya sa akin na akala mo nasisiraan na ng balik.

"Ayiee! Papa ah!" ani Dal na mukhang natutuwa sa kaniyang nakikita. Ang ngiti niya ay abot na ata sa langit.

"For you Wife."

Iniabot niya sa akin ang rosas, wala naman akong choice para kunin ito mula sa kaniya dahil nakatingin sa amin si Dal. Ayoko naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status