Share

Kabanata 31

MIKAY

Ilang araw akong nanatili sa hospital, at sa ilang araw na iyon hindi ko man lang ulit nakita si Papa. Ni wala akong kaibigan na dumalaw sa akin. Hindi ko alam, pero tingin ko pinagbawalan sila ni Damonyo. Maging si Adam ay hindi rin nakadalaw sa akin.

"Welcome back, Mikay!"

Masayang bati ni Nay Cristy sa akin nang makita niya ako. Yumakap pa ito sa akin.

"Pasensya ka na at hindi man lang ako nakadalawa ah?"

"Okay lang po. Hindi ka rin naman po makakapasok sa kwarto ko dahil bawal at utos ng isang taong walang puso at makasarili," may diing saad ko saka ko binalingan ng tingin si Damonyo na nanatiling tahimik.

Nakita ko rin ang pagsulyap ni Nay Cristy sa kanya.

"Akyat na po ako sa taas. Pagod po kasi ako," saad ko. Hindi ko na siya hinintay pang maglakad. Dumiretsto ako sa kwarto ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Nadampot ng kamay ko ang unan at niyakap ito.

"Walang puso," sambit ko saka ko mariing ipinikit ang aking mga mata.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status