Share

Kabanata 45

MIKAY

"Oh anak, bakit tila matamlay ka ata?" tanong ni Nay Cristy nang makapasok ako sa kusina.

"Sira po ata ang AC ko sa kwarto. Sinigurado ko naman po na nasa saktong temperatura ito, pero halos mamaluktot ako sa sobrang lamig nang magising ako," pagmamaktol ko saka ako humila ng upuan.

Dahil sa sobrang lamig ng kwarto ko, ang ending, bigla tuloy sumama ang pakiramdam ko.

"Achoo!" napatakip ako ng ilong at bibig nang bumahing ako. "Si Damon po pala?" tanong ko.

Siguro siya ang nagbuhat sa akin kagabi papunta sa kwarto ko. Natatandaan ko kasi na nasa sala ako kagabi at hinihintay siya dahil nga makikibalita sana ako kung kumusta ang pasyente na inoperahan niya kagabi eh. Dahil sa kakahintay ko sa kanya nakatulog tuloy ako.

"Maaga itong umalis dahil may emergency ata," saad ni Nay Cristy na umupo na rin sa tapat ko. "Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?" tanong ni Nay Cristy na ngayon ay nagsasandok na rin ng pagkain.

"Wala naman po. Makikibalita lang sana ako tungkol sa pasyente
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status