Bumalik si Colton sa katinuan niya nang tumunog ang phone.Kinuha ni Colton ang phone at tiningnan ang caller ID. Si Nollace ‘yon.Nag-swipe siya sa screen at sinagot ang tawag. “Anong problema?”“Kasama ba ni Daisie si Freyja?”Nagulat si Colton. “Wala ba siya sa Taylorton?”Nakakatakot ang pagiging kalmado ng tunog ni Nollace. “Wala at wala rin siya sa Goldmann mansion kahit sa Tenet. Hindi ko rin siya matawagan. Sa tingin ko may nangyari sa kaniya.”Agad na tumayo si Colton at biglang naalala ang paalala ni Nollace bago mangyari ito.‘F*ck! Naging pabaya ako!’“Magpapadala ako ng tao ako ngayon.”Narinig ni Freyja na may kausap si Colton at naisip niya na si Nollace yon.‘Si Daisie kaya ‘yon?’Tinanong niya, “May nangyari ba kay Daisie?”Kinuha niya ang kaniyang coat at pumunta sa labasan. “Baka may nangyari sa kaniya. Kailangan ko na umalis ngayon.”Natigil si Freyja. Kinuha niya ang kaniyang cell phone at tiningnan ang message na pinadala niya kay Daisie noong tangha
Tiningnan siya ni Daisie. “Ilang milyon lang ‘yan. Pwede kitang bayaran.”Hindi mapigilan ni Mitchell na matawa nang malakas. “Syempre, kaya mo akong bayaran nang ganoong halaga pero sa kasamaang palada, hindi na ako natutuwa sa pera.”Kung tutuusin, A-lister noon si Mitchell. Wala lang sa kaniya ang ilang milyon, kaya natural lang na hindi siya natutuwa sa pera.Kumunot si Daisie. Pinipilit ng kamay niya sa likod na makawala sa tali. “Kung ganoon anong gusto mo?”Madilim na ngumiti si Mitchell. “Gusto king matulad kayo sa akin. Nakaka-excite ‘yon.”Tumalikod siya at tinawag ang mga tao sa labas ng pinto. “Pasok.”Apat na lalaki ang dumating sa labas ng pinto, malaswang tumingin sa dalawang babae na nasa sahig. “Mga celebrity ang dalawang babae na ‘to. Hindi ba't ang ganda nila? Magiging masaya ang gabing ito.”Mabilis na nanginig si Susan, lumuhod sa sahig at umiyak. “Mitchell, pakawalan mo na ako. S… susundin ko ang lahat ng utos mo, okay?”Huminto si Mitchell sa harap niya
Hindi pinansin ni Daisie ang nararamdaman niyang sakit, agad siyang tumayo, binalot abg damit niya kay Susan, hinila siya, at tumakbo palabas ng pinto.Sinundan sila ng lalaki na tumayo. “Huwag mong hayaan na makatakas ang dalawang malandi na ‘yon!”Tumakbo si Daisie pababa kasama si Susan at sinundan sila ng mga tao sa kanilang likod.Hindi tumigil sa pagtakbo si Daisie hanggang sa may tumama na stick sa paa niya at bumagsak siya sa sahig. Humarap siya at ang lalaki na nakasunod sa kaniya ay nasa likod na niya.Hiningal siya at ngumisi. “Sinabi ko ba na tumakbo kayo? Mga malalandi.”Naramdaman ni Daisie ang stick sa sahig, nagngalit ang ngipin, at tumayo. Nanginig ang paa niya dahil sa nangyari. Ang tindi ng sakit na para bang nasira ang buto niya at napunit ang kaniyang ligament.Mahigpit ang hawak niya sa stick at hahampasin na sana niya ang lalaki gamit yon.Gustong iwasan ng lalaki ang atake pero sa susunod sa segundo, bumagsak si Daisie, at nabitawan niya ang stick sa kani
Humigpit ang yakap ni Nollace at dinampian niya ng halik ang noo ni Daisie habang nagpipigil ang emosyon na sinanbing, “Ipikit mo muna ang mata mo at magpahinga ka. Magiging maayos din ang lahat.”Tumango si Daisie, sumandal sa dibdib niya at pumikit.Agad na dumating si Colton. “Daisie!”Binuhat siya ni Nollace at inabot kay Colton. “Dalhin mo siya sa hospital. Ako na ang bahala dito.”Nang makita ang kondisyon ni Daisie at ang injury na natamo niya. Tumigil sa pagtibok ang puso ni Colton. Nagdilim ang ekspresyon niya at nagngalit ang kaniyang ngipin, binuhat niya si Daisie at agad dinala sa sasakyan.Namumutla ang mukha ni Susan.‘Siya ang pangalawang anak ng Goldmann, ibig sabihin nandito sila para kay Daisie?‘Kapag nalaman nila na… katapusan ko na!’May naisip siya, tumayo, at lumapit sa tabi ni Nollace. “Sir, si Mitchell ang nasa likod ng insidente na ito. Kinidnap niya si Daisie at ako, at nasaktan si Daisie dahil sinubukan niya akong sagipin…”Tiningnan sita ni Nollace
Dagdag ni Colton, “Oo, Mom. Nandoon si Nollace sa eksena para asikasuhin sila. Malabo na makatakas sila dito.”Huminga nang malalim si Maisie para pakalmahin ang sarili niya.Sa oras na yon, may lumabas na doctor sa ward.Lumapit si Nolan at tinanong, “Kumusta ang anak ko?”Sumagot ang doktor, “May ilang mild bone fracture at trauma pero mabuti na lang hindi nasaktan ang mahalagang organ. Kailangan ng panahon ng pasyente na magpahinga, at…”Tumigil siya sandali at mahinang sinabi, “Bulod doon, hindi na-violate ang pasyente, kaya huwag kayo mag-alala doon.”Dinala si Daisie sa hospital na sira at magulo ang damit. Kaya naman, alam at naiintindihan ng lahat ang nangyari. Natural lang para sa doctor na tingnan yon at bigyan ng malawak na paliwanag ang pamilya. At kapag ganoon, tatawag agad siya ng pulis pagkatapos makuha ang semen ng suspect.Sa mata ng doctor, hindi mahalaga ang reputasyon kaysa sa buhay ng isang tao. Lalo na sa babae, hindi dapat mahiya at tumawag sa pulis kapag
Hinaplos ng kamay ni Daisie ang ulo ni Freyja. “Hindi mo kailangang ma-guilty. Maayos na ako ngayon, ‘di ba?”Sumagot si Freyja. “Maswerte ka lang pero paano kung mangyari yun ulit?”Tinikom ni Daisie ang labi niya at yumuko. “Mas mag-iingat na ako.”“Nanghingi ako ng ilang araw na day off may Charlie at gusto niyang magpahinga ka rin. At sa balita tungkol sa pagdukot sayo ni Mitchell, hindi pa nakarating s press. Kung nangyari yun, kalat na ito sa Bassburgh.”Naglaro ng apoy si Mitchell at napaso na siya. Kailangan niyang harapin ang mga kaso lalo na't pagtapos ng pagkidnap niya kay Daisie. Ayun na ang kaniyang katapusan.…Nang dumating sa police station si Colton, nakita niyang nakaparada ang kotse ni Nollace sa hindi kalayuan. Lumapit siya, at dahan-dahang bumaba ang itim na bintana.Bago magsalita si Nollace, tinanong ni Colton, “Hindi mo binigay sila Susan at Mitchell sa pulis?”Sa ngayon apat na lalaki pa lang ang nakakulong at inamin na nila ang pagkakasala nila pero si
Nang pumasok si Nollace sa villa kasama si Freyja, tumango siya kay Maisie. “Mrs. Goldmann.”Binati rin siya ni Freyja. “Hello, Mrs. Goldmann.”Ayaw niyang pumunta pero kalalabas lang ni Daisie sa ospital at hindi naman maganda kung hindi siya pupunta. At saka, wala namang isipin na kakaiba ang tao kung pupunta siya kasama ang pinsan niya. Tiningnan siya ni Maisie at ngumiti. “Masaya akong nandito ka. Huwag ka mahiya.”Lumapit si Freykay Daisie na lumapit sa kaniyang sleeves at sumandal. “Kailan mo sasabihin kay mom na kayo ni Colton ay— Mm!”Tinakpan ni Freyja ang bibig niya.Tiningnan sila ni Nollace, ngumiti siya at huminto sa tabi ni Maisie. “Tulungan na po kita.”Huminto si Maisie at ngumiti siya habang tinatapik ang balikat ni Nollace. “Oh sige, salamat.”Tumango si Nollace. “Ayos lang po.”Dinala ni Daisie si Freyja sa taas at nakasalubong nila si Colton na lumabas s study.Tiningnan ni Colton si Freyja na nakatayo sa tabi ni Daisie, napahinto siya bago siya lumapit.
Pero ang aso na iyon ay kasing laki lang niya pag nakatayo at sobrang nakakatakot.“Ah!”Si Colton na kararating palang sa backyard ay narinig ang boses at agad na tumakbo. Nakita niya na tinulak ni Goldbar si Freyja sa sahig.Nakapikit si Freyja sa takot pero parang gustong gusto siya ni Goldbar at nagsimulang dilaan ang kaniyang mukha.Nilagay ni Colton ang kamay niya sa kaniyang noo. “Goldbar!”Narinig ni Goldbar na tinawag siya at lumingon siya kay Colton. Sa sumunod na sandali, umupo siya at parang isang inosente.Tinulungan ni Colton na tumayo si Freyja at pinupunasan niya ang mukha nito ng napkin habang nagbibigay ng babala. “Goldbar, hindi mo siya pwede halikan.”Hindi nakapagsalita si Freyja.Mahinang tumahol si Goldbar bilang sagot.Tinulak ni Freyja si Colton, tumayo siya, pinunasan ang dumi sa kaniyang damit at parang nahihiya. “Akala ko kakagatin niya ako.” Naisip niya kasi na ang mga malalaking aso ay matatapang.Hinaplos ni Colton ang ulo ni Goldbar. “Kagatin