Dagdag ni Colton, “Oo, Mom. Nandoon si Nollace sa eksena para asikasuhin sila. Malabo na makatakas sila dito.”Huminga nang malalim si Maisie para pakalmahin ang sarili niya.Sa oras na yon, may lumabas na doctor sa ward.Lumapit si Nolan at tinanong, “Kumusta ang anak ko?”Sumagot ang doktor, “May ilang mild bone fracture at trauma pero mabuti na lang hindi nasaktan ang mahalagang organ. Kailangan ng panahon ng pasyente na magpahinga, at…”Tumigil siya sandali at mahinang sinabi, “Bulod doon, hindi na-violate ang pasyente, kaya huwag kayo mag-alala doon.”Dinala si Daisie sa hospital na sira at magulo ang damit. Kaya naman, alam at naiintindihan ng lahat ang nangyari. Natural lang para sa doctor na tingnan yon at bigyan ng malawak na paliwanag ang pamilya. At kapag ganoon, tatawag agad siya ng pulis pagkatapos makuha ang semen ng suspect.Sa mata ng doctor, hindi mahalaga ang reputasyon kaysa sa buhay ng isang tao. Lalo na sa babae, hindi dapat mahiya at tumawag sa pulis kapag
Hinaplos ng kamay ni Daisie ang ulo ni Freyja. “Hindi mo kailangang ma-guilty. Maayos na ako ngayon, ‘di ba?”Sumagot si Freyja. “Maswerte ka lang pero paano kung mangyari yun ulit?”Tinikom ni Daisie ang labi niya at yumuko. “Mas mag-iingat na ako.”“Nanghingi ako ng ilang araw na day off may Charlie at gusto niyang magpahinga ka rin. At sa balita tungkol sa pagdukot sayo ni Mitchell, hindi pa nakarating s press. Kung nangyari yun, kalat na ito sa Bassburgh.”Naglaro ng apoy si Mitchell at napaso na siya. Kailangan niyang harapin ang mga kaso lalo na't pagtapos ng pagkidnap niya kay Daisie. Ayun na ang kaniyang katapusan.…Nang dumating sa police station si Colton, nakita niyang nakaparada ang kotse ni Nollace sa hindi kalayuan. Lumapit siya, at dahan-dahang bumaba ang itim na bintana.Bago magsalita si Nollace, tinanong ni Colton, “Hindi mo binigay sila Susan at Mitchell sa pulis?”Sa ngayon apat na lalaki pa lang ang nakakulong at inamin na nila ang pagkakasala nila pero si
Nang pumasok si Nollace sa villa kasama si Freyja, tumango siya kay Maisie. “Mrs. Goldmann.”Binati rin siya ni Freyja. “Hello, Mrs. Goldmann.”Ayaw niyang pumunta pero kalalabas lang ni Daisie sa ospital at hindi naman maganda kung hindi siya pupunta. At saka, wala namang isipin na kakaiba ang tao kung pupunta siya kasama ang pinsan niya. Tiningnan siya ni Maisie at ngumiti. “Masaya akong nandito ka. Huwag ka mahiya.”Lumapit si Freykay Daisie na lumapit sa kaniyang sleeves at sumandal. “Kailan mo sasabihin kay mom na kayo ni Colton ay— Mm!”Tinakpan ni Freyja ang bibig niya.Tiningnan sila ni Nollace, ngumiti siya at huminto sa tabi ni Maisie. “Tulungan na po kita.”Huminto si Maisie at ngumiti siya habang tinatapik ang balikat ni Nollace. “Oh sige, salamat.”Tumango si Nollace. “Ayos lang po.”Dinala ni Daisie si Freyja sa taas at nakasalubong nila si Colton na lumabas s study.Tiningnan ni Colton si Freyja na nakatayo sa tabi ni Daisie, napahinto siya bago siya lumapit.
Pero ang aso na iyon ay kasing laki lang niya pag nakatayo at sobrang nakakatakot.“Ah!”Si Colton na kararating palang sa backyard ay narinig ang boses at agad na tumakbo. Nakita niya na tinulak ni Goldbar si Freyja sa sahig.Nakapikit si Freyja sa takot pero parang gustong gusto siya ni Goldbar at nagsimulang dilaan ang kaniyang mukha.Nilagay ni Colton ang kamay niya sa kaniyang noo. “Goldbar!”Narinig ni Goldbar na tinawag siya at lumingon siya kay Colton. Sa sumunod na sandali, umupo siya at parang isang inosente.Tinulungan ni Colton na tumayo si Freyja at pinupunasan niya ang mukha nito ng napkin habang nagbibigay ng babala. “Goldbar, hindi mo siya pwede halikan.”Hindi nakapagsalita si Freyja.Mahinang tumahol si Goldbar bilang sagot.Tinulak ni Freyja si Colton, tumayo siya, pinunasan ang dumi sa kaniyang damit at parang nahihiya. “Akala ko kakagatin niya ako.” Naisip niya kasi na ang mga malalaking aso ay matatapang.Hinaplos ni Colton ang ulo ni Goldbar. “Kagatin
“Gaano ba kahirap na kausapin sila? Napaka-duwag naman niya.” Ginawang publiko ni Daisie ang relasyon niya kay Nollace kahit tutol dito ang Dad niya.Sinabi ni Nollace, “Magkaiba mag-isip ang mga babae at lalaki. Hindi masyadong iniisip ng mga babae iyon pero yung mga lalaki, oo. Nakuha na ng kapatid mo ang Blackgold at sobrang maingat siya simula nung bata pa siya. Kaya, hindi niya magagawa lahat ng bagay na gusto niya tulad mo saka magiging problema rin ang mom ni Freyja.”Nagulat si Daisie at tumingin sa kaniya. “Pero wala ng koneksyon si Freyja sa magulang siya, at natanggap na siya ng hari bilang apo niya.”Umiling si Nollace. “Kung pakakasalan niya si Colton, malalaman ng lahat ang pagkakakilanlan niya. Kahit apo siya ng hari, isang problem maker ang mom niya.”“Tama ka.”Tumalikod sila Nollace at Daisie.Nasa tabi nila si Maisie, nakita at narinig niya lahat.“Mom, kanina ka pa ba nakatayo dyan?”Nagulat si Daisie. ‘Alam na ba ni mom ang tungkol kala Freyja at Colton?’
Hindi sumagot si Freyja kaya tumawa si Maisie. “Sabi niya hindi raw nakasalalay sayo kung pakakasalan ka niya. Nakasalalay raw sa kaniya.” Tiningnan ni Colton si Freyja at galit siya.‘Anong ibig sabihin nun? Wala talaga siyang plano na pakasalan ako?’‘Ayan siguro ang dahilan kaya ayaw ni mom sa relasyon natin…’Nakapagdesisyon na si Freyja dahil may komplikado siyang nakaraan. Mahirap asahan na tanggapin siya ng mga Goldmann.Huminga siya nang malalim at tumawa. “Colton, hindi mo kailangang magdesisyon mag-isa kung magkarelasyon ba tayo o hindi.” May mga reservation si Freyja kaya kung ma-reject siya, hindi yun ganun kasakit.At kung hindi si Colton ang nag-kontrol ng lahat, hindi lang siya ang mag isang pwedeng magpatigil ng lahat. Gumaan ang pakiramdam niya nang maisip iyon. Galit si Colton. “Freyja!”“Sorry, Mrs. Goldmann, alis na po ako.” Tumalikod si Freyja at aalis na sana.Bago magsalita si Daisie, nag-echo ang boses ni Maisie. “Gagaan ba ang pakiramdam mo kung
Bahagyang lumapit si Daisie at bumulong, “Kita mo Freyja? Sabi ko sayo mabait na tao ang mom ko. Pumayag na siya sa relasyon niyo ng kapatid ko.”Kahit na sinubukan niyang hinaan ang boses niya, narinig pa rin siya ni Maisie. Tumingin si Maisie at tiningnan si Daisie. “Kailan pa ako naging masamang tao? Lagi ko naman kayong inuuna at tingnan mo ang ginawa niyo? Umasa ako sa inyo pero hindi niyo talaga ako binigo.”Ngumiti si Daisie at sinabi, “Ikaw ang best mother in the world, Mom.”“Paano naman ako?” Sumingit si Nolan.Nag-isip muna si Daisie at sumagot, “Ikaw ang best father sa mundo pero nauna pa rin sa’yo si Mom.”Hindi nakapagsalita si Nolan at nasaktan siya. Tumawa si Maisie at sinabi, “Honey, kumain ka na lang dapat at huwag ka na magselos dahil sa mga anak mo.”Umiling si Nolan at sumagot, “Parang pababa nang pababa ang posisyon ko sa pamilyang ito.” Hindi siya naging first choice ng mga bata at mas pinipili ng misis niya ang mga anak nila kaysa sa kaniya.Habang
Tiningnan siya ni Daisie. “Positibo ka rin mag-isip, alam mo ba yun?”“Well, lagi naman akong positibo,” nakangiting sumagot si James, “Hindi ako mabuting tao pero may isang mabuting bagay sa akin. May malaki akong puso.”Humalukipkip si Daisie at sumandal siya sa drawer. “Nag-film ka ba nitong mga nakaraan?”Nagulat si James. “Paano mo yun nalaman?”“Sinabi sa akin ni Mr. Johnson.” Ngumiti siya at sinabi, “Sabi niya mas proactive ka raw ngayon. Sinabi niya rin sa akin na sa wakas nagbibigay ka na ng effort sa trabaho.”“Bwiset. Hindi ako proactive. Kailangan ko ng pera,” seryosong sagot ni James. “Pinahinto ni dad ang credit card ko. Kung hindi ako magsimula na mag-film ngayon, hindi ko mababayaran ang gas ko.”Tumawa si Daisie at tinapik ang balikat niya. “Ipagpatuloy mo lang yan. Baka sa susunod hindi mo na kailangan manghingi ng pera sa dad mo.” Matapos yun, kinaway ni Daisie ang kamay niya at umalis.Yumuko si James at nagdilim ang kaniyang paningin habang nakatingin sa b