Tiningnan siya ni Daisie. “Positibo ka rin mag-isip, alam mo ba yun?”“Well, lagi naman akong positibo,” nakangiting sumagot si James, “Hindi ako mabuting tao pero may isang mabuting bagay sa akin. May malaki akong puso.”Humalukipkip si Daisie at sumandal siya sa drawer. “Nag-film ka ba nitong mga nakaraan?”Nagulat si James. “Paano mo yun nalaman?”“Sinabi sa akin ni Mr. Johnson.” Ngumiti siya at sinabi, “Sabi niya mas proactive ka raw ngayon. Sinabi niya rin sa akin na sa wakas nagbibigay ka na ng effort sa trabaho.”“Bwiset. Hindi ako proactive. Kailangan ko ng pera,” seryosong sagot ni James. “Pinahinto ni dad ang credit card ko. Kung hindi ako magsimula na mag-film ngayon, hindi ko mababayaran ang gas ko.”Tumawa si Daisie at tinapik ang balikat niya. “Ipagpatuloy mo lang yan. Baka sa susunod hindi mo na kailangan manghingi ng pera sa dad mo.” Matapos yun, kinaway ni Daisie ang kamay niya at umalis.Yumuko si James at nagdilim ang kaniyang paningin habang nakatingin sa b
Niyakap ni Daisie ang leeg ni Nollace at sinabi, “Deal natin yan. Mag wedding photo tayo bukas.”Matapos niya magsalita, dinagdag pa niya, “Huwag ka mag-alala. Ipapangako ko sayo na walang magiging paparazzi sa paligid. Pupunta tayo sa exclusive wedding city kung saan hindi ibinibigay ng staff ang VIP privacy. Hinawakan ni Nollace ang mukha ni Daisie at hinalikan ang noo niya. “Lahat ng sasabihin mo.”Samantala, matapos gawing publiko nila Colton at Freyja ang relasyon niya, mabilis na kumalat ang balita at kahit ang mga nakatira sa Yaramoor ay alam na ito.Sa Pruitt mansion….Nang makita ni Sandy ang balita, mahigpit niyang hinawakan ang dyaryo. “Tingnan mo ang mabuti kong anak. May relasyon siya sa anak ng mga Godmann aa Zlokova.” Yumuko ang butler at sinabi, “Ma’am, sabi ni Mr. Pruitt ay huwag mo raw—”Nahulog ng cup sa sahig at nabasag, napahinto ang butler sa pagsasalita.Nagdilim ang mukha ni Sandy. “Ako ang nanganak para sa kaniya kaya wala siyang karapatan na magdesi
Nagulat si Daisie at tumikhim siya. “Hindi ka pa tapos?” Sinara ni Nollace ang sample book at inabot ito sa shopkeeper na nasa tabi niya. “Oo, tapos na ako. Nakapili na ako ng ilang dress para pumili ka ng kahit anong gusto mo.”Minarkahan ng shopkeeper and mga dress na pinili ni Nollace at ngumiti siya. “Kunin ko muna yung mga dress.”Hindi nagtagal, bumalik ang shopkeeper dala ang mga dress na pinili ni Nollace. Bahagyang nagulat si Daisie nang tumayo siya.May iba't ibang style ang wedding dress na nasa harap niya. Ang iba sa mga wedding dress ay classic style habang ang iba naman ay simple pero elegante. May iba rin naman na may lavish design. Halos pinili ni Nollace lahat ng style na bagay kay Daisie. Nakangiti na sinabi ng housekeeper, “Pwede mo yan subukan lahat, Ms. Vanderbilt.” Lumapit si Daisie sa mga wedding dress at tiningnan niya iyon lahat. “Talaga?”Tumango ang housekeeper. “Ang main goal ng Wedding Palace namin ay gawing most beautiful bride in the world ang b
Pero, naisip niya na worth it iyon nang tiningnan niya ang mga larawan. “Sobrang gwapo ni Nolly. Mabuti sana kung pwede ko siya sunggaban.”Sa oras na iyon, binuksan ni Nollace ang pinto at pumasok sa kwarto. Nakita niya tumingin si Daisie sa mga larawan at narinig din niya ang sinabi ni Daisie.Huminto siya sa gilid ng kama at lumapit, nakahawak ang kamay niya sa kaniyang bewang at maiging tiningnan si Daisie. “Alam ko na, ibig sabihin matagal mo ng pinagnanasaan ang katawan ko.”Nagulat si Daisie, agad na namula ang mukha niya dahil sa hiya. Dahan-dahan siyang lumingon para tingnan si Nollace. Sobrang lapit ni Nollace sa kaniya at nararamdaman na niya ang hinga nito sa kaniyang balat. Light ang color ng pupils niya pero para kay Dasie para iyong whirlpools na sinisipsip siya. “N…nagbibiro lang naman ako.”Tinaas ni Nollace ang mukha ni Daisie gamit ang daliri niya at sinabi, “Well, pwede mo naman yun gawin sa akin kung gusto mo.” Gumalaw ang pilikmata ni Daisie. Iniwas niya a
Binigyan siya ng pagkakataon ni Colton si Freyja. Naniniwala siyang hindi siya madi-disappoint dahil matigas ang ulo ni Freyja at may kakaibang personalidad. Sa oras na iyon, sa TenetNalaman ni Daisie na nakatanggap ng oportunidad si Freyja na makipag cooperate sa isang publisher, sobrang saya niya. “Sabi ko na Freyja. Napaka-talented mo kaya talagang magagawa mo yun.” Gumagawa ng kape si Freyja. “Ang galing mo talaga pag dating sa pagpapakilig sa akin. Mahihiya ako nang sobra pag hindi ako nagtagumpay.” Nakapatong ang mukha ni Daisie sa mukha niya. “Isang stepping stone ang pagkabigo para maging matagumpay. Kung hindi ka pa nakaranas ng kahit anong kabiguan paano ka magtatagumpay? Tama ba ako?”Ngumiti siya at lumingon kay Daisie. “Tama ka.”Nang iinom na siya ng kape bigla siyang nahilo. Binaba niya ang kape at dumiretso sa banyo. Yumuko siya sa toilet bowl at sinuka ang almusal na kinain niya kanina. “Freyja, ayos ka lang?” Nag-aalala na nagtanong si Daisie sa labas ng
Nanigas ang katawan ni Freyja at agad siyang tumalikod, humarap kay Colton at sinabi, “Hindi maganda ang pakiramdam ko.”Kalmadong sumagot si Colton, “Alam ko.” “Bakit parang…”“Hindi na ba kita pwedeng yakapin sa ganitong mga oras?”Hinaplos ni Colton ang buhok niya gamit ang kaniyang daliri at nilagay niya ang palad niya doon. “Kung sobrang masakit, dapat inumin mo na ang gamot mo. Hindi pwedeng umakto ka na matapang pag may sakit ka.” ‘Iniisip talaga ng babaeng ito na halimaw ako. Kung hindi ko alam na may sakit siya, siguro…’Hindi inaasahan ni Freyja na may pakialam si Colton sa kaniya, gumalaw ang kaniyang pilikmata. Matapos ang ilang sandaling katahimikan, tinanong niya, “Pwede ba kita tanungin?” Sumagot si Colton ng mahinang hum, “Ano naman?”Yumuko si Freyja. “Gusto mo ba ng anak?”Nagulat siya. Nakatitig lang si Colton sa mukha niya pero sobrang dilim ng ilaw sa kwarto kaya hindi niya malinaw na makita ang ekspresyon n Colton. “Pero ayaw mo, ‘di ba?”‘Kung gusto
Inabutan siya ng tissue ni Giselle. “Punasan mo ang sulok ng labi mo. Dumudugo.”Hindi niya kinuha ang tissue at pinunasan lang ang dugo sa sulok ng labi niya gamit ang kaniyang kamay. “Ayos lang yun. Pinanganak ako para mabugbog.” Matapos niya iyon sabihin, lumakad siya palapit sa kotse niya.Inayos ng driver ang rearview mirror at pinanood ang pag alis ni James ng may nakakainsultong ekspresyon. “Hindi man lang alam ng lalaking iyon paano magpakita ng pasasalamat. Hindi ko talaga alam paano sumikat sa showbiz ang taong yun.”‘Kung hindi siya tinulungan ng dalaga, siguro binubugbog pa rin siya ng mga masasamang loob na yun kanina pa.’Binawi ni Giselle ang tingin niya. “Kinaya niyang maging sikat ibig sabihin may kakayahan siyang suportahan ang trabaho niya.Kinabukasan, sa Tenet…Dumaan si Daisie sa opisina ng manager at narinig ang boses ni Charlie. “James, isa ka talagang leopard na hindi binabago ang ginagawa, ano?” Sabi ko sayo huwag ka na masangkot sa mga away pero nandy
’Kung mag-iinvest si Mr. Goldmann sa project, magiging ganito pa rin ba ang ugali ng investor? Pag dating sa kapangyarihan ng kapitalismo, sino ang maglalakas loob na makumpara kay Mr. Goldmann?’“Ayokong umasa sa pamilya ko.” Mahinahong sumingal si Daisie. “At saka, walang perpektong gagawa ng role ni Nancy maliban sa akin.”Nagulat si James. “Bakit sobrang lakas ng loob mo?”Tumingin si Daisie. “Kasi wala ng nakakakilala sa kaniya maliban sa akin.” Bilang artista, dapat maintindihan ng isang aktor ang role niya para mas mabuti niyang magawa ang role.At saka, ang setting ng original novel ay base sa framework ni Freyja. Nabasa na ni Daisie ang original manuscript ni Freyja. Si Nancy Hanks, ang knock-off version na character ni Tana Ybarra ay parang sariling katauhan din ni Freyja.Si Tana ay anak ng isang noble family. Ang nanay niya ay isang anak sa labas, at may isa siyang kapatid na ginamit siya para sa sarili niyang benepisyo. Inabusi siya ng nanay niya nung bata pa siya.