Hinaplos ni Cameron ang relo niya at tumawa siya. “Sa tingin mo ba magiging loyal si Manuel sayo?”Agad na sumagot si Fabio, “hindi ko alam kung magiging loyal siya sa akin o hindi pero ang isang bagay na sigurado ako ay wala siyang lakas ng loob na gumawa ng kahit anong bagay dito sa lugar ko.”“Yeah, tama ka. Lalo na't kung may gagawin siyang masama, hindi mo na siya gagamitin.”Kumunot ang noo ni Fabio at parang iniisip niya ang sinabi ni Cameron.Lumalim ang ngiti ni Cameron at nagpatuloy. “Isang subordinate na biglang nagkaroon ng kapangyarihan sa isang organisasyon. Noong una, dapat pinagsisilbihan ka niya pero hindi natin alam sino ang pinagsisilbihan niya. Lalo na't, sigurado naman ako na hindi ikaw ang nagsasabi sa kaniya na gawin ang mga bagay na ginagawa niya, tama ba, Mr. Puzo?”Matalas ang mga salita niya at huminto ang ihip ng hangin. Tahimik lang sa hall at walang my lakas ng loob na gumawa ng kahit anong ingay.Uminom si Fabio sa tea niya at nagulat siya.Ngayon
Nagulat si Cameron. “Daisie?”‘Nandito siya kanina para mag pack ng snacks?’Nang mapansin ni Damian na hindi tipo ni Cameron si Daisie, nagulat siya. “Cam, maging tapat ka sa akin, ayaw mo ba sa mga babae?” Bata pa lang si Cameron ay kaibigan na niya si Sunny. Sa madaling salita, nakita niya si Cameron na lumaki at tinatrato niya ito bilang pamangkin niya. Nagulat si Cameron. “Bakit mo naman yan naisip?”Kinuha ni Damian ang cup at sinabi, “May mga usapan na kumakalat dito noong nakaraan, lahat ng iyon ay sinasabi na lalaki raw ang tipo mo.” Tumayo si Cameron at tinanong, “Sinong nagsimula ng usapan na iyon?”Walang magawa si Damian nang sumagot siya, “Narinig ko iyon mula sa little bird. Sabi nila masyado ka raw malapit kay Mr. Goldmann sa harap ng ospital. At saka, wala ka pang girlfriend sa edad mo kaya hindi mo masisi ang mga tao sa kung ano ang naiisip nila sa gender mo. Kung… Kung ayaw mo talaga sa mga babae, edi… walang magiging apo si Sunny.”Iisa lang ang anak ni S
Tumalikod si Daisie. “Hindi ako naniniwala sayo.”Tumawa si Nollace at niyakap si Daisie. Bago pa siya makapagsalita, hinalikan na siya ni Nollace.Nilagay ni Daisie ang kamay niya sa balikat ni Nollace at sinubukan niyang itulak ito pero wala siyang nagawa.Matagal silang naghalikan, at binitawan lang siya ni Nollace nang malapit na si Daisie mawalan ng hininga.Galit siyang tinulak ni Daisie. “Nollace!”Natumba siya sa couch, sinama niya si Daisie sa kaniya. Tumawa siya at binalot ang kamay niya sa bewang ni Daisie para mahigpit siyang mayakap. “Pangako ko sayo. Ito na ang huli.”Nakatitig lang si Daisie sa mukha ni Nollace. May seryoso siyang ekspresyon at sinabi niya, “Pag nagsinungaling ka ulit sa akin, maghahanap ako ng bagong asawa.”Kahit na pinilit ni Daisie na magmukha siyang masungit, natutuwa pa rin si Nollace sa kaniya. Hindi niya napigilan ang sarili niya at niyakap niya si Daisie. Tumawa si Nollace, sinabi niya, “Kailangan mo bang may ipakilala ako sayo?”Tinaas
Nakaupo si Fabio sa sofa at nakasuot ng bathrobe, nilagay niya ang kamay niya sa magandang babaeng blonde sa tabi niya. Sumandal ang babae sa kamay niya, masunuring nakangiti kay Fabio.Naglakad palapit si Manuel at yumuko siya. “Mr. Puzo.”Tinaas ni Fabio ang glass na nasa mesa sa kaniyang harap at tiningnan ang babaeng nasa tabi niya. Habang naglalagay ng wine ang magandang babae sa glass niya, tinanong ni Fabio, “Narinig ko na sikreto mong kinuha ang pera ng The Commune sa account nila at sinarili mo?”Nagulat si Manuel.Kahit si Joaqin ay hindi alam na kinuha niya ang pera kaya paano nalaman yun ni Fabio?Habang umiinom si Fabio ng wine, tinaas niya ang ulo niya at masamang tiningnan si Manuel. “Mukhang hindi nga nagsisinungaling si Cameron. Kinuha mo nga talaga ang pera.” Nakaramdam ng lamig si Manuel sa likod niya. Hindi niya inaasahan na mapapansin pa ni Cameron ang nawalang pera sa account ng The Commune. ‘Bwiset! Bakit kailangan niya harangan lago ang plano ko!’“Mr.
Seryoso ang boses ni Daisie habang sinasabi, “No way! Ang unang rule ng chess ay dapat mag all out tayo kahit sino pa ang kalaro mo. Kung talo ka, talo ka.”Humalukipkip si Cameron at sinabi, “Dad, tanggapin mo na lang na hindi ka magaling tulad niya. Huwag mo na awayin ang isang batang babae.” Suminghal si Cameron. “Wala ng magpapatuloy sa lahi ko. May mas malala pa ba doon?”Hindi napigilan ni Daisie ang sarili niya at natawa siya.Seryoso na sinabi ni Cameron, “Kung makapagsalita ka para namang matutulungan kita ipasa ang lahi mo.”Kinuha ni Sunny ang cup ng tea at suminghal. “Pero paano mo ito maipapaliwanag ngayon?” Ayaw niyang masayang ang oras niya kay Sunny kaya sinabi na lang niya, “Sige, tigilan na natin yan. May kailangan ako sabihin sayo.”Naging seryoso si Sunny at tinanong, “Tungkol saan?”Alam ni Daisie na hindi na dapat siya manatili doon kaya tumayo siya at sinabi, “Babalik muna ako sa kwarto ko.”Umupo si Cameron sa upuan ni Daisie at sinabi kay Sunny lahat
‘S*raulong Cameron! Talagang ginamit niya ang account book para kumbinshin si Fabio na magkakilala kami ni Manuel.’May matabang lalaki ang naglakad sa likod ni Donald. “Sir, anong gagawin natin ngayon?”Kinuha ni Donald ang baso ng tubig sa mesa at mabagal na ininom ang tubig, at biglang naging seryoso ang tingin niya. “Anong magagawa natin? Magagawa ko lang na iwan ang chess piece na iyon para mapakita ang loyalty ko kay Mr. Puzo.”…Pagkatapos bumalik ni Manuel, iniisip niya pa rin na tutulungan siya ni Donald na ayusin ang problema. Pero, sa hindi inaasahan, nakatanggap siya ng tawag sa hindi kilalang babae.May sinabi ang babae sa kaniya at agad nagbago ang reaksyon ni Manuel. “Paano nangyari ito!?”“Maniwala ka man o hindi, Mr. Estrada, sa tingin mo ba talaga tutulungan ka ni Donald? Nakapag desisyon na siya na itulak ka sa panganib. Kailangan mo humanap ng paraan para makatakas ngayon. Kung hindi, baka patayin ka ni Donald para iligtas ang sarili niya.”May gustong sabihi
Bumalik si Cameron sa katinuan at nahuli ang tingin ni Waylon.‘Nakatitig ba ako sa kaniya mula kanina?’Tumikhim si Cameron at nag-iwas ng tingin. “Lumaki ka bang kumakain ng walnuts?”“Walnuts?” Kumunot si Waylon, naningkit at mahinang ngumisi. “Kakaiba naman ‘yan pero pinupuri mo ba ako, Mr. Southern?”Tumingin siya sa labas ng bintana. “Whatever, isipin mo kung ano ang gusto mong isipin.”Hindi niya alam kung dahil ba sa usap-usapan pero mas naiilang siya kapag kasama niya si Waylon.‘Siguro ay narinig din niya ang usap-usapan na ‘yon pero hindi niya siniseryoso. Posible kaya na ako lang ang nag-iisip ng tungkol doon?’Pagsapit ng ala singko ng gabi, pumunta si Manuel sa pier.Nang magising si Florence sa back seat, nagulat siya nang makita na nasa loob siya ng sasakyan. Inisip niya ang mga salita na sinabi sa kaniya ni Manuel bago siya nawalan ng malay at nainis siya. “Saan mo ako dadalhin!? Manuel Estrada, pakawalan mo ako!”Tumingin si Manuel sa rearview mirror. “Hindi
Dinala ni Mateo ang ilang miyembro mula sa The Serpents na kasama niya at naghintay sa gilid ng harang ng mga pulis. Dismayado ang mukha niya nang makita ang mga katawan.Kumunot si Cameron. “Dinamay pa talaga ni Manuel si Florence.”Tahimik si Waylon. Walang nakakaalam sa kung ano ang nasa isip niya sa oras na yon.…Natanggap ni Donald ang balita sa aksidente ni Manuel at Florence. Nilagay niya ang kaniyang cell phone sa desk, hinawakan ang dulo ng wine glass, at mahinang inikot yon, mukhang masaya siya.Lumapit sa kaniya ang matabang lalaki. “Sir, alam ni Manuel na iiwan mo siya at piniling tumakas kasama si Ms. Serrano.”“Alam ko na ‘yan.” Inalis ni Donald ang tingin niya sa baso. “Nakakapanghinayang na hindi pumabor sa kaniya ang Panginoon ngayon. Kung hindi niya dinala ang problema kasama niya, nagawa niya sanang tumakas. Babae pa rin ang tumapos sa kaniya sa huli.”‘Hindi ko na kinailangan pa na may gawin.‘Nang nag-text si Florence sa akin para humingi ng tulong, alam