Share

Kabanata 2129

Nakaupo si Fabio sa sofa at nakasuot ng bathrobe, nilagay niya ang kamay niya sa magandang babaeng blonde sa tabi niya. Sumandal ang babae sa kamay niya, masunuring nakangiti kay Fabio.

Naglakad palapit si Manuel at yumuko siya. “Mr. Puzo.”

Tinaas ni Fabio ang glass na nasa mesa sa kaniyang harap at tiningnan ang babaeng nasa tabi niya. Habang naglalagay ng wine ang magandang babae sa glass niya, tinanong ni Fabio, “Narinig ko na sikreto mong kinuha ang pera ng The Commune sa account nila at sinarili mo?”

Nagulat si Manuel.

Kahit si Joaqin ay hindi alam na kinuha niya ang pera kaya paano nalaman yun ni Fabio?

Habang umiinom si Fabio ng wine, tinaas niya ang ulo niya at masamang tiningnan si Manuel. “Mukhang hindi nga nagsisinungaling si Cameron. Kinuha mo nga talaga ang pera.”

Nakaramdam ng lamig si Manuel sa likod niya. Hindi niya inaasahan na mapapansin pa ni Cameron ang nawalang pera sa account ng The Commune.

‘Bwiset! Bakit kailangan niya harangan lago ang plano ko!’

“Mr.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status