Naningkit si Waylon at tumango. “Sasabihan ko siya na mas maging maingat.”Kinabukasan, nalaman ni Joaqin na namatay si Florence sa isang aksidente at agad namutla ang mukha niya.Nakatulala siya sa kama at matagal na hindi makapagsalita.Tinapik ni Sunny ang balikat niya. “Nakikiramay ako.”Hindi maitago ni Joaqin ang lungkot niya at nanghihina ang ekspresyon niya. “Hindi ko inakala na mamamatay ang anak ko dahil sa pakikipagsabwatan ko.”‘Kung nalaman ko lang agad ang ambisyon ni Manuel, pinalayo ko sana siya sa kahit anong paraan.’Sa kasamaang palad, walang sinuman sa mundo ang pinagpala sa maraming “kung” sa kanilang buhay.Dumating si Mateo sa labas ng ward. “Boss.”Tumingin siya kay Sunny, pumasok sa ward, at biglang lumuhod sa tabi ng hospital bed. Gustong tumayo ni Joaqin para suportahan siya pero hindi pa lubos na magaling ang hita niya kaya hindi niya magagawang umalis sa kama. “Anong ginagawa mo?”“Boss, ako ang dapat sisihin sa insidente na ito. Hindi ko binantaya
Nakakatakot ang dilim ng ekspresyon ni Fabio. “Kung walang palihim na nagsabi ka Manuel tungkol sa plano ko, tatakas ba siya? Ngayong patay na silang dalawa, walang leader sa kasalukuyan ang The Serpents. At huwag natin kalimutan na buhay pa si Joaqin. Talagang nakatakas ang Southern Clan dito bilang panalo.”‘Kung si Manuel lang ang namatay sa aksidente, at least magagamit pa rin namin ang pagoging ignorante ni Florence.‘Basta nasa kontrol ko si Florence, walang lakas ng loob si Mateo na kalabanin siya.‘Pero, patay na sila ngayon, tama lang na pilitin ni Mateo ang lahat sa The Serpents na bumalik sa Southern Clan. At kapag walang kikilos, mas mahirap para sa akin na harapin ang Southern Clan.’Tumingin si Buchanon sa kaniya. *May mali talaga sa mga tao na nagtatrabaho sa atin?”‘Kung hindi, paanong mauuna palagi ang Southern Clan sa lahat?’Pagkatapos ng sandaling katahimikan, tumitig su Fabio sa mesa, kumunot at inutos, “Tingnan mo ang background ng mga tao na nagtatrabaho sa
Nahiya si Cameron at iniwas ang kaniyang mukha. “Babae ako. Anong mali na suotin ko ang pambabae kong damit kapag walang tao?”Tumawa si Daisie. “Kung ganoon suotin mo na. Hihintayin kita sa labas.”Lumabas siya sa kaniyang dressing room, hindi niya nakalimutan na isilip ang ulo niya sa kwarto para sumilip. “Gusto ko na makita ka sa pambabae na damit.”Isinara ni Cameron ang pinto. “Labas.”Pagkatapos ng labinlimang minuto, nagpalit si Cameron ng damit at lumabas ng dressing room.Nakasuot siya ng maluwag, mahaba, manipis na long-sleeved blouse at denim shorts. Mahaba ang hem ng blouse para takpan ang pants, makikita ang mahaba at makinis niyang legs, nakasuot siya ng laced mid-tube na medyas at puting sneakers, mukhang kaswal ang buong itsura.Lumapit si Daisie sa kaniya at tumingin nang malapitan. “Akala ko alam mo lang mag pares ng damit panlalaki.”Hinila ni Cameron patalikod ang buhok niya. “Ayos lang ba?”Inangat ni Daisie ang ulo niya at tumango habang nakahawak sa baba
Nagulat si Mateo. “Spy ba si Ms. Gail Leroy?”Isang assassin si Gail na nagtatago sa mga tauhan ni Huntley. Kilala siya ng mga Korean Underground forces bilang Black Widow. Ang babaeng kilala bilang mabagsik. Usap-usapan na nasa death row siya ng mga nakakulong, hinihintay na mapatay. Si Huntley ang kumuha ng tao sa sistema para palitan si Gail ng ibang babaeng nakakulong sa execution at palihim siyang pinalaya.Mukhang malinis at dalisay si Huntley at kaya niyang kumuha ng koneksyon sa mga politiko dahil si Gail ang gumagawa ng dumi sa sarili niyang kamay.Inangat ni Waylon ang tingin niya at ngumisi. “May nakuha ako para maagaw ang pagkatao ni Gail.”Nagulat si Mateo. “Paano ang totoong Ms. Leroy?”Naningkit si Waylon habang nakatitig sa tsaa niya. “Sabihin na lang natin na hindi siya makakapunta ngayon.”Huminga nang malalim.‘Sino ba ang foreigner na ito? Nagawa niyang palitan si Gail at ilagay sa tabi ni Fabio?’Pero, dahil walang nakakaalam kay Gail bukod kay Huntley, kay
Nginuya ni Daisie ang straw. “Hindi siya kulang sa pera. At saka, mabait si Waylon kaya wala siyang pakialam sa pera.”Tumitig si Cameron sa street kung saan naglalakad ang mga tao. “Hindi pa ako nakapag relax ulit nang ganito.”Tumingin siya kay Cameron at alam niya na kalag nagpapanggap si Cameron bilang young master ng Southern Clan, hindi siya relax at malaya katulad ngayon. Kung tutuusin, nakatingin sa kaniya ang lahat bilang tagapagmana ng Southern Clan. “Masaya naman magpahinga ng isang araw at maging totoo sa sarili mo.”“Pero hindi ko pa nagagawa ang gusto kong gawin.”Nagtaka si Daisie. “Ano yon?”Seryosong sumagot si Cameron. “Bumisita sa casino.”Dinala ni Cameron si Daisie sa Palermo. Ang casino ang pinakamalaking entertainment spot na maibibigay ng East Island at pagmamay-ari ng city council. Kaya naman, nandoon din ang tao mula sa Southern Clan at sa teritoryo ni Fabio bukod sa mga foreign gambler.Papasok na sana si Cameron sa lobby nang kabado siyang pinigilan n
Pinaalis niya ang mga taong nakikipaglaro kay Cameron at umupo sa harap niya. Kinakabahan na tumingin si Daisie kay Cameron na tumingin din naman sa kaniya na parang sinasabing kumalma siya. Malakas ang loob niya.Binalasa ng dealer ang mga cards. Kinuha ni Cameron ang card niya at tiningnan iyon.Ngumiti ang blonde na lalaki at parang malakas ang loob niya. “Patingin ng cards mo, sugar.”Binaba ni Cameron ang cards niya at umabot iyon ng pito.Ngumisi ang lalaki at binuksan ang kaniya. Flush iyon. Tiningnan ni Cameron ang cards niya at naningkit ang kaniyang mata.Tumawa ang lalaki. “Sorry, sugar. Parang nasa tabi ko ang swerte ngayon.” Nasa lalaki ang best cards, straights o flushes, sa susunod na tatlong round. Natatalo na si Cameron.Naisip ni Daisie na parang may kakaiba. Kahit gaano ka-swerte ang isang tao, imposible pa rin na ganoon siya kagaling.Tumayo ang blonde na lalaki, lumapit siya kay Cameron, nilagay niya ang kamay sa mesa at tiningnan si Cameron. “Sugar, tal
Kinakabahan si Andrei. “Hindi, hindi mo pwede—”“Manloloko ka at nagnakaw ka nang maraming pera. Makukuha rin yan ng mga debtors sayo. At saka nga pala…” Galit na galit si Cameron at mas lumakas pa ang loob niya. “Sinusuportahan ako ni Donald. Kahit si Fabio ay kailangan muna lumuhod sa kaniya.” Naningkit ang mata ni Waylon dahil alam niya ang sinusubukan gawin ni Cameron. Nawalan ang mga lalaki ng pera dahil sa panloloko ni Andrei at nainis sila na wala man lang silang nagawa kay Andrei. Ngayon na nabunyag na siya ni Cameron, lumapit silang lahat at binugbog si Andrei. Kahit ang sarili niyang mga tauhan ay hindi nakalaban.Lumapit si Daisie kay Cameron. “Kinakabahan ako kanina. Akala ko natalo ka talaga.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya. “Hindi naman ako nandito para magsugal. Pumunta ako para hulihin siya.”Naiinis siya na patay na si Manuel at sinusubukan na gumanti sa kanila.Alam niya na nanloloko si Andrei sa The Palermo pero alam ng lahat kung sino siya kaya hindi si
Walang masabi si Cameron tungkol doon.Hinawakan niya ang ilong niya at tumikhim. “Sige, mag-iingat na ako sa susunod para hindi magalit ang asawa niya sa akin.”Pumunta siya sa bakuran kasama si Waylon. Nang makita niya na dumaan ang katulong, hinawakan niya ang kamay ni Waylon at nagtago sa likod niya.Nagulat si Waylon nang makita na nakahawak si Cameron sa kamay niya.Ngumiti ang katulong. “Welcome back, Mr. Goldmann.”Magalang na tumango si Waylon.Napansin ng katulong na may tao sa likod ni Waylon. “Ito ay si?”Ngumiti si Waylon. “Siya ay”Kinurot siya ni Cameron sa kamay, nahirapan siya huminga at tiningnan siya ni Waylon. “Ms. Torres.”Kapapasok lang ng butler at ni Sunny. Nang makita ni Sunny ang babae sa likod ni Waylon, akala niya may ibang babae na ang nakaagaw sa future son-in-law niya.Kumunot ang noo niya. “Willy, sino yan?”Nakilala ng butler si Cameron mula sa suot niya pero dahil nandoon ang katulong, hindi siya nagsalita. Ngumiti si Waylon. “Hindi mo siy