Nagulat si Mateo. “Spy ba si Ms. Gail Leroy?”Isang assassin si Gail na nagtatago sa mga tauhan ni Huntley. Kilala siya ng mga Korean Underground forces bilang Black Widow. Ang babaeng kilala bilang mabagsik. Usap-usapan na nasa death row siya ng mga nakakulong, hinihintay na mapatay. Si Huntley ang kumuha ng tao sa sistema para palitan si Gail ng ibang babaeng nakakulong sa execution at palihim siyang pinalaya.Mukhang malinis at dalisay si Huntley at kaya niyang kumuha ng koneksyon sa mga politiko dahil si Gail ang gumagawa ng dumi sa sarili niyang kamay.Inangat ni Waylon ang tingin niya at ngumisi. “May nakuha ako para maagaw ang pagkatao ni Gail.”Nagulat si Mateo. “Paano ang totoong Ms. Leroy?”Naningkit si Waylon habang nakatitig sa tsaa niya. “Sabihin na lang natin na hindi siya makakapunta ngayon.”Huminga nang malalim.‘Sino ba ang foreigner na ito? Nagawa niyang palitan si Gail at ilagay sa tabi ni Fabio?’Pero, dahil walang nakakaalam kay Gail bukod kay Huntley, kay
Nginuya ni Daisie ang straw. “Hindi siya kulang sa pera. At saka, mabait si Waylon kaya wala siyang pakialam sa pera.”Tumitig si Cameron sa street kung saan naglalakad ang mga tao. “Hindi pa ako nakapag relax ulit nang ganito.”Tumingin siya kay Cameron at alam niya na kalag nagpapanggap si Cameron bilang young master ng Southern Clan, hindi siya relax at malaya katulad ngayon. Kung tutuusin, nakatingin sa kaniya ang lahat bilang tagapagmana ng Southern Clan. “Masaya naman magpahinga ng isang araw at maging totoo sa sarili mo.”“Pero hindi ko pa nagagawa ang gusto kong gawin.”Nagtaka si Daisie. “Ano yon?”Seryosong sumagot si Cameron. “Bumisita sa casino.”Dinala ni Cameron si Daisie sa Palermo. Ang casino ang pinakamalaking entertainment spot na maibibigay ng East Island at pagmamay-ari ng city council. Kaya naman, nandoon din ang tao mula sa Southern Clan at sa teritoryo ni Fabio bukod sa mga foreign gambler.Papasok na sana si Cameron sa lobby nang kabado siyang pinigilan n
Pinaalis niya ang mga taong nakikipaglaro kay Cameron at umupo sa harap niya. Kinakabahan na tumingin si Daisie kay Cameron na tumingin din naman sa kaniya na parang sinasabing kumalma siya. Malakas ang loob niya.Binalasa ng dealer ang mga cards. Kinuha ni Cameron ang card niya at tiningnan iyon.Ngumiti ang blonde na lalaki at parang malakas ang loob niya. “Patingin ng cards mo, sugar.”Binaba ni Cameron ang cards niya at umabot iyon ng pito.Ngumisi ang lalaki at binuksan ang kaniya. Flush iyon. Tiningnan ni Cameron ang cards niya at naningkit ang kaniyang mata.Tumawa ang lalaki. “Sorry, sugar. Parang nasa tabi ko ang swerte ngayon.” Nasa lalaki ang best cards, straights o flushes, sa susunod na tatlong round. Natatalo na si Cameron.Naisip ni Daisie na parang may kakaiba. Kahit gaano ka-swerte ang isang tao, imposible pa rin na ganoon siya kagaling.Tumayo ang blonde na lalaki, lumapit siya kay Cameron, nilagay niya ang kamay sa mesa at tiningnan si Cameron. “Sugar, tal
Kinakabahan si Andrei. “Hindi, hindi mo pwede—”“Manloloko ka at nagnakaw ka nang maraming pera. Makukuha rin yan ng mga debtors sayo. At saka nga pala…” Galit na galit si Cameron at mas lumakas pa ang loob niya. “Sinusuportahan ako ni Donald. Kahit si Fabio ay kailangan muna lumuhod sa kaniya.” Naningkit ang mata ni Waylon dahil alam niya ang sinusubukan gawin ni Cameron. Nawalan ang mga lalaki ng pera dahil sa panloloko ni Andrei at nainis sila na wala man lang silang nagawa kay Andrei. Ngayon na nabunyag na siya ni Cameron, lumapit silang lahat at binugbog si Andrei. Kahit ang sarili niyang mga tauhan ay hindi nakalaban.Lumapit si Daisie kay Cameron. “Kinakabahan ako kanina. Akala ko natalo ka talaga.” Kinaway ni Cameron ang kamay niya. “Hindi naman ako nandito para magsugal. Pumunta ako para hulihin siya.”Naiinis siya na patay na si Manuel at sinusubukan na gumanti sa kanila.Alam niya na nanloloko si Andrei sa The Palermo pero alam ng lahat kung sino siya kaya hindi si
Walang masabi si Cameron tungkol doon.Hinawakan niya ang ilong niya at tumikhim. “Sige, mag-iingat na ako sa susunod para hindi magalit ang asawa niya sa akin.”Pumunta siya sa bakuran kasama si Waylon. Nang makita niya na dumaan ang katulong, hinawakan niya ang kamay ni Waylon at nagtago sa likod niya.Nagulat si Waylon nang makita na nakahawak si Cameron sa kamay niya.Ngumiti ang katulong. “Welcome back, Mr. Goldmann.”Magalang na tumango si Waylon.Napansin ng katulong na may tao sa likod ni Waylon. “Ito ay si?”Ngumiti si Waylon. “Siya ay”Kinurot siya ni Cameron sa kamay, nahirapan siya huminga at tiningnan siya ni Waylon. “Ms. Torres.”Kapapasok lang ng butler at ni Sunny. Nang makita ni Sunny ang babae sa likod ni Waylon, akala niya may ibang babae na ang nakaagaw sa future son-in-law niya.Kumunot ang noo niya. “Willy, sino yan?”Nakilala ng butler si Cameron mula sa suot niya pero dahil nandoon ang katulong, hindi siya nagsalita. Ngumiti si Waylon. “Hindi mo siy
Biglang naintindihan ng ilang lalaki, at may biglang nagbiro. “Akala ko sabi mo nagdamit siya ng pambabae.”“Sigurado akong magiging maganda siya kung babae siya. May pambabae kasi siyang mukha.”“‘Di ba, Mr. Goldmann?”May ‘scandal’ si Waylon kasama si Cameron, kaya tinanong niya ano ang naiisip niya. Tiningnan ni Waylon ang mukha ni Cameron at huminto siya, ngumiti siya. “Kaya nga.”Tumawa ang ilang lalaki.Tumingin si Waylon sa kanila. “Sa tingin mo ba talaga kaya niyo iyon matanggap kung babae talaga siya?”Napahinto si Cameron. Anong iniisip niya?Nagulat sila ng ilang sandali. “Sa tingin ko sobrang nakakatakot iyon kung babae siya.”Isang lalaki ang sumagot. “Bakit naman magiging nakakatakot? Hindi ba mas mabuti iyon? Mas gusto ko ang mahinhin na babae. Gaano katagal mo makakaya tiisin ang torture niya?”Siguro tinutukoy nila kung paano sila kalabanin ni Cameron sa training, biglang naintindihan ng lalaki. “Tama. Mas magiging madali ng training session natin kung ang a
Tinaas ni Cameron ang kilay niya. Isipin mo kasi, nag hire ng mga killers si Manuel sa Skull Club para mapatay siya, at ang katotohanan pa lang na nakakuha siya doon ay nagpapakita na agad na kasabwat din si Donald.Nagtago si Donald sa likod ni Manuel at ginamit siya bilang pain. Magkakaroon sana ng problema ang Southern Clan sa mga Serpents, at kung sino man ang manalo sa huli, magkakaroon ng benepisyo si Fabio doon. Pero, si Donald ang totoong magwawagi.Pag hawak na ni Manuel ang The Serpents at pag nakaya niyang mapabagsak ang Southern Clan, magkakaroon na ng kapangyarihan si Donald kay Fabio sa pamamagitan ni Manuel. Makukuha niya rin ang mga tauhan ni Fabio dahil sa kapangyarihan na binigay ni Fabio kay Manuel. Ang kailangan lang niya gawin ay magtago sa likod, wala siyang gagawin, hayaan lang niyang si Manuel ang gumawa ng trabaho para makuha niya ang kapangyarihan. Parang magiging loyal si Manuel kay Fabio pero si Donald ang tunay niyang master.Magandang plano iyon para
Bumulong si Daisie, “Gusto ka ni Mr. Southern Sr.”Nagulat si Waylon. “Ano?”Nang maisip niya na baka mamali ang pagkaintindi ni Waylon, agad niyang sinabi, “Gusto ka niya maging son-in-law.”Naging tahimik ang paligid.Yumuko si Daisie. Kahit na nalulungkot siya para kay Sunny, wala siyang ibang pagpipilian kundi sabihin ang totoo dahil mas takot siya sa kaniyang kapatid. Matagal na hindi nagsalita ng kahit ano si Waylon, naging hindi komportable si Daisie doon. Matapos ang lahat, hindi pa niya natatanong sila Waylon at Cameron tungkol sa isa't isa. Nang una niyang makita na may intensyon si Sunny na gawing couple sila Waylon at Cameron naisip niya na dapat tumulong siya.Gusto niya si Cameron. Maganda siya at matalino. Hindi lang iyon, matapang din siya at magaling makipaglaban. At saka, hindi naman siya mas mababa sa kaniyang kapatid.Pero, para kay Daisie ay guguho na ang pangarap ni Sunny.Parang hindi naman gusto nila Waylon at Cameron ang isa't isa.Dahan-dahang inanga