Share

Kabanata 2190

Ibig sabihin may specific template na ang shop na ginagamit nila para kay Waylon. Lahat ng measurements niya at sizes ay iisa lang kaya ang gagawin na lang ng mananahi ay mag gugupit ng tela at diretso na sa production.

Binalik ni Cameron ang shirt sa gift box. “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Kinuha ko pa tuloy measurements niya para sa shirt na ito.”

Pero lahat naman pala ng measurements niya ay nakarecord na sa system ng shop, hindi na niya kailangan na magbigay pa ng measurement ni Waylon.

Tumawa si Daisie. “Hindi ko inaasahan na sobra kang mong pagtutuonan ng pansin ang isang shirt.”

“Bayad ko lang naman ito sa kaniya.” Sinara niya ang takip ng gift box, pinasok niya iyon sa gift bag at tumayo siya. “Sige, uuwi na muna ako.”

Hinatid ni Daisie si Cameron sa pinto at pinanood ang pag-alis niya. Isasara na sana niya ang pinto pero bigla niyang nakita ang dalawang kotse na nakaparada sa kabilang kalsada at sinundan ang direksyon na pinuntahan ni Cameron.

Kumunot ang noo ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status