Share

Their Loving Lies
Their Loving Lies
Author: Penmongs

Chapter 1.1

“You’re sister have stage 3 breast cancer, lobular carcinoma, we detected this, a tumor about 4 cm big that has already spread to several lymph nodes, it is—” marami pang sinabi ang doktor pero parang wala na akong naintindihan. May breast cancer ang kapatid ko, may cancer ang kapatid ko, iyan lang ang tumatak sa isip ko. Nanghihinang napaupo, di ko na alam kung anong uunahing isipin. Gusto kong magamot agad ang kapatid ko pero sa pagkain pa nga lang ay problemado na ako, ano pa ang maipapagamot ko? Wala kaming pera at kahit pa anong trabaho ang pasukin ko hindi sapat sa amin.

Noong lumabas na ang doktor sa kwarto ay lumapit ako sa kama ng kapatid ko at hinawakan ang kamay niya.

“K-kuya…” tinig ng kapatid ko ang nagpabalik sa akin sa katinuan. Pilit niyang inabot ang mukha ko kaya yumuko ako papunta sa kaniya. Ang pagpunas niya sa basa ko na palang mukha ang nakapagsabi na umiiyak na pala ako. Hindi ko rin alam kung ilang minuto o oras na ba akong umiiyak, basta pag-alis ng doktor ay lumapit agad ako sa kapatid ko. Oh god, what do I do? Ano ang gagawin ko? Saan akong lupalop maghahanap ng pera?

“B-baby, ayos ka lang ba? A-Ano? May m-masakit ba sayo? Sabihin mo kay kuya.” Ngumiti siya sa akin ng kaunti at umiling. Hindi nagsasalitang hinawakan ang aking mukha.

“Kuya, pasensya na ah? Alam kong dadagdag na naman ito sa poproblemahin mo. Pabigat na lang ang ambag ko sa’yo…” nag-uumpisang umagos ang luha niya na mabilis ko rin namang pinunasan. Napapikit siya noong hinalikan ko ang noo niya bago nagsalita.

“Huwag na ‘Wag mong iisipin yan. Hindi ka pabigat, ok? Hahanap si kuya ng paraan. Gagaling ka. Ha? Kaya ,wag ka na ulit mag-iisip ng ganiyan.” Umiling naman siya sa akin.

“Kuya, paano? Wala tayong pera, kaya paano? Alam ko namang nagtatrabaho ka… pero di mo kaya. Kaya ‘wag mo na lang akong ipagamot. Bahala na.” Naramdaman kong nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

“Anong ‘bahala na’? Kaisiah, magpapagaling ka. Ipapagamot kita. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka, kaya ‘wag mong sabihing bahala na!” hindi ko napigilan ang paglabas ng galit sa tono ng pananalita ko. Pero hindi talaga siya natinag at malungkot lang na ngumiti sa akin.

“Pero kuya, ‘wag na lang. Alam kong mahihirapan ka na. Kahit hindi mo sabihin alam kong kaunti lang ang sweldo mo at kasya lang sa atin ‘yon. At kuya… titigil na lang muna siguro ako sa pag-aaral. Baka…maghanap na lang siguro ako ng trabahao—”

“Titigil ka saglit sa pag-aaral dahil ipapagamot kita at hindi maghahanap ng trabaho Kaisiah! Ako na ang poproblema doon, ang isipin mo ay ang paggaling mo! ‘Wag kang magkakamaling gawing ‘bahala na’ ang buhay mo! Kasi… nandito pa ako. ‘Wag mo naman akong iwan. Alam mong ikaw na lang ang natitira sa buhay ko. Kaya Kaisiah, please, please magpagaling ka ha? Gagawin ni kuya ang lahat para maipagamot ka, kaya laban lang ha? Ha? Mahal ka ni kuya…” Hindi ko napigilan ang sarili, napaiyak na lang ako. Kaya nagulat ako na kahit umiiyak ako ay matatag pa rin ang boses ko.

“Mahal na mahal rin kita kuya…” Lumuluhang sambit sa akin ng kapatid ko. Hindi ko lubos maisip ang ulat ng doktor tungkol sa sakit niya. Hindi ko matanggap. No. Hindi pwede. Bakit naman? Bakit naman kapatid ko pa? Siya na lang ang meron ako tapos ganito pa ang mangyayari?

“Bebs, di ko na alam ang gagawin ko. Bakit ang kapatid ko pa? Bakit siya pa? Bebs, di ko kaya kung mawawala siya sa akin. Siya na lang ang nag-iisang meron ako dito sa mundo. Bebs, ang bata niya pa. Marami pa siyang pangarap. Kailangang gumaling siya. Bebs…” Di ko napigilan ang pagsumbong sa bestfriend ko. Kahit anong kayod ko di ko kaya ang mga bayarin sa ospital. Di pa ako nakakapag-ipon para sa pangchemoteraphy ng kapatid ko. Kailangan niya iyon.

“Bebs, gustuhin ko mang tulungan ka, wala rin akong pera. ‘Wag kang mag-alala. Magtatanong ako sa mga kakilala ko, mangungutang ako. Pero bebs, alam kong kukulangin pa rin ‘yon sobrang mahal ng session ng chemo.” Napangiti ako sa sinabi niya. Napakamatulunging kaibigan ng babaeng ito. May problema ka man o wala ay nandiyan siya para sa’yo.

“Ayos lang bebs, alam ko namang pareho tayong walang wala. Ayos na sa’kin na nandiyan ka. Salamat.” Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero napansin kong natigilan siya noong May baklang dumaan sa tabi namin. Nandito kasi kami ngayon sa park. Ang bakla ay nakasuot ng seksing damit at mga kolorete sa mukha.

“Bebs, alam ko na!” Tila nabubuhayang wika niya.

“Ano?”

“Bebs, May alam akong extrang raket, gusto mo ba?”

“Tinatanong pa ba ‘yan? Malamang. Kailangang-kailangan ko ‘yon eh.”

Mas lumaki ang ngiti niya pero nabago rin noong mukhang may naisip siya.

“Bakit?” tanong ko noong ilang sandali na ang nakalipas pero hindi pa rin siya nakapagsasalita.

“E-eh, kasi bebs, alam kong medyo hindi mo gusto ‘to.” Sagot niya sa akin kaya medyo nakuha ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Tierra Lumbay. Kaibigan ko mula pa pagkabata. Maganda, masayahin, mabait…at maingay. Sobrang supportive na kaibigan pero kung meron man kaming hindi pinagkakasunduan, ‘yon ay ay trabaho niya. She works at a pub. Not as a waitress but as a stripper and sometimes…an entertainer, if you know what I mean.

“Anong trabaho ‘yon? Magiging macho dancer?” Hindi ko man gusto pero…kung wala na talagang iba, baka kunin ko na. Kahit ano na lang basta gumaling ang kapatid ko.

“Wow, bebs lakas ng confidence natin ah? Alam mo naman sigurong hindi pang macho dancer ‘yang katawan mo?”Nakangiwing sagot niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko. Inaamin kong hindi talaga macho ang katawan ko. Mataas ako ngunit medyo may kapayatan , medyo may pagkabalingkinitan ang katawan ko na para bang pambabae. Medyo pabor ang katawan ko sa kasarian ko. Hindi man ako lantarang nagpapakita, pero bakla ako. Hindi man sa pananamit pero sa puso ko alam kong bakla ako. Naa-attract ako sa mga lalaki, lalo na pag gwapo. Alam ‘yon ng babaeng ‘to.

“Eh, ano nga?”

Nakangiti siya ng kakaiba. Para bang May naiisip na kabalastugan. Nagdadalawang isip tuloy ako at baka kung ano ano na lang ang ibigay niyang raket.

“Kasi bebs, naghahire ngayon ng dancer ang pub namin, baka gusto mo? Malaki ang sweldo.”

“Anong klaseng dancer?” Naniningkit ang matang tanong ko sa kaniya. Alam kong kailangan ko ng pera pero hindi ko sigurado kung kaya ko bang maging stripper, na tulad niya. Alam kong nagtatrabaho lang siya pero talagang hindi kaya ng prinsipyo ko ang trabaho na ‘yon.

“Oh, chill. Alam ko namang hindi mo gusto ang stripper, at trust me, talagang sasayaw ka lang. Sexy dance, yes, pero talagang limited to dancing lang. No stripping, no touching, just plain dancing.”

“At bakit naman malaki ang sweldo kung sasayaw lang naman pala?”

“Alam mo naman sigurong May pagkahigh-end pa rin ang pub namin kaya mayayaman ang pumupunta do’n. Mahal doon kaya malaki rin ang sweldo nating staffs.”

Tinignan ko siya ng mariin habang iniisip ang mga sinabi niya. Kung pagsasayaw lang naman pala at wala akong problema. Mahilig akong sumayaw at hindi ko rin maipagkakaila ng magaling ako rito…pero sa nakikita kong kakaibang tingin niya ay mukhang may iba pang kailangan.

“What’s the catch? Spill it.” Nang ngumiti siya ng alanganin, doon ko napagtantong meron talagang kakaiba sa trabahong sinasabi niya.

“A-ano k-kasi bebs, kasi kailangan babae ang dancer.” Napakunot naman ang noo ko. Kung ganoon naman pala ay bakit niya pa sinabing pwede ako doon?

“P-pero, kasi pwede ka naman do’n. Ang ganda kaya ng mukha mo. Soft ang features mo mukhang pambabae talaga. Tapos maputi ka pa, nakakadagdag sa lambot ng mukha mo, ‘yang mahahabang pilik mata mo. Tapos ‘yang long legs mo. Balingkinitan pa ang katawan mo.”

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“Na pwede ka naman doon. Pagmumukhain lang kitang babae. Kaunting make-up lang, magmumukha ka ng babae.”

Gustuhin ko mang tumutol agad, kailangan ko ng pera. At kung totoo ngang malaki ang sahod ay talagang kailangan ko ‘yon.

“Sigurado ka bang ayos lang ‘yon?”

Nanlaki ang mata niya, mukhang nagulat na pinag-iisipan kong sumang-ayon.

“Shit! Sigurado ka? Yes, of course ayos lang ‘yon. Basta ba walang makaalam na lalaki ka.”

Napabuntong hininga ako. Kailangan mo ito Brixxen. Huwag kang maging mapili sa trabaho.

“S-sige.”

Siguro nga kailangan kong lunukin ang prinsipyong matagal ko ng binuo sa isip ko. Hindi bubuhayin ng prinsipyong ‘yon ang kapatid ko.

“Goodjob everyone!” Sabi sa amin ng manager noong natapos na ang trabaho namin sa araw na iyon. Marami ang customers sa nagdaang mga Linggo kaya malaki-laki rin ang tip at bonus na binigay sa amin. Malaking tulong para sa pagpapagamot ng kapatid ko.

“Laura, pwede bang mag-usap muna tayo?” tawag ni Madam Charlotte(Charles) sa akin. Laura ang ginamit kong pangalan. Galing sa Laurence sa pangalan ko. Brixxen Laurence Ocampo, naging Laura Ocampo.

Sa pagkakaalam ko ay maayos naman ang trabaho ko. Maganda naman ang feedbacks galing sa mga customers kaya hindi ko alam kung bakit ako pinatawag. Pero gano’n pa man ay kinabahan parin ako. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho kong ito. Kailangan ko ng pera para sa kapatid ko.

“B-bakit p-po Madam?” pinilit mang huwag ipakitang kinakabahan ay nautal parin ako. Bakit ako pinapatawag? May nagawa ba akong mali? O baka… no hindi, imposible. Imposibleng nalaman nilang lalaki ako. Hindi naman ako isusumbong ni Tierra at wala ng iba pang nakakakilala sa akin dito. No, hindi iyon ang dahilan Brixxen. Huwag kang kabahan.

“Halika”

Pumasok siya sa opisina niya kaya sumunod na lang rin ako.

“Alam mo Laura, maraming customers ang nagagandahan sa’yo. Kadalasan nga ng customers na nagpabalik-balik dito ay para makita ka. Marami na rin kaming loyal customers na nagkakainteres sa’yo.”

“Ah, tungkol saan po ba itong pinag-uusapan natin?”

Ngumiti siya at hinaplos ang mukha ko. Halos tumayo ang mga balahibo ko sa haplos niya.

“Alam mo Laura, maganda ka, makinis, sexy. Maraming mga customers ang magbabayad ng mahal para makatable ka.” Naramdaman ko ang pagsalubong ng kilay ko. Ayaw ko sa pinatutunguhan ng usaping ito.

“Dancer lang po talaga ang gusto ko madam.” Mariing sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos ulit ang mukha ko.

“Alam mo bang libo libo ang ibibigay nila para lang makatable ka? Laura, pera na iyan. Baka magsisi ka pag di mo tinanggap.”

“Pasensya na po madam pero talagang hindi ko po gusto ang ganyan.”

At doon na mukhang nagsimula siyang mairita.

“Pera na ito Laura! Malaki ang kikitain mo rito!” pilit niya pa. Pero umiling na lang ako. Takot na akong sagutin pa siya at baka tuluyang mairita at sibakin ako sa trabaho. I can’t afford to lose this job. Malaking tulong ito sa pagpapagamot ng kapatid ko.

Bumuntong hininga siya at marahang tumango.

“Sige kung iyan na talaga ang pasiya mo. Pero kung magbago ang isip mo kausapin mo lang ako. Isipin mo ng mabuti Laura, malaking pera ang nakataya rito. Marami ang pwedeng mong mabili”

Tumango na lang ako at nagpaalam na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status