Share

Chapter 4

Chapter 4

“Saan kayo nagkakilala?” Tanong niya sa akin.

“S-Sa t-trabaho po.”

“Oh, so you work in the company?” Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba pero narinig kong may pagka-sarcastic ang kaniyang tono. Mabilis akong umiling.

“H-Hindi p-po.” Napayuko ako. What now? Anong sasabihin ko? Na sa pub ako nagtatrabaho? Anong magiging reaksiyon niya?

“Kung gano’n, saan?” nakataas ang kilay na sambit ng ginang. Mariin akong napapikit, should I tell her the truth? But then, baka ayawan niya ako para sa anak niya and if that’s the case then kakailanganing kong maghanap ng bagong trabaho at mahihinto ang pagpapanggap  ko bilang asawa ni Kalvin, and I can’t afford that to happen. Ang mga ibinabayad sa akin ni Kalvin ang ipinagbabayad ko sa hospital. I need that money for my sister’s treatment. Bumuntong hininga ako.

“S-sa p-pub po ako nagtatrabaho. Cleopatra’s Estacy.” Tukoy ko sa isang kilalang high end pub sa lugar. Natatakot man ay tinignan ko ang reaction ni Mrs. Hawkingstons, contrary to what I am expecting, hindi siya mukhang nagulat. Sa halip ay dahan dahan siyang ngumiti, hindi man kasing init noong ngiti niya kanina pero para pa rin akong nabunutan ng tinik.

“Yes, I actually know that. I asked my men to conduct a background check with you. And don’t worry, I know that you are just a dancer there and nothing more so that’s ok, but hija, now that you are already my daughter, then you don’t need to work for the pub again, ok?” Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Hindi na naman talaga ako nagtatrabaho doon simula noong nagkadeal kami ni Kalvin. Napangiti rin ako sa tinuran ng mommy niya, kung ang iba magagalit at malamang ay mandididri pag nalamang isa lamang akong hamak na dukha at worse, kailangan ko pang magtrabaho sa pub. Kung tutuusin ay walang wala ako sa kalingkingan ng mga nararapat sa anak niya, ‘yong mga katulad rin nila, mayayaman, may pinag-aralan, may kompanya. Hindi tulad ko.

 Ngayong napagtanto ko ito hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung bakit kailangan niya pang mamili ng taong hindi niya naman kilala para maging asawa niya na kung iisipin ay kaya niya namang kumuha ng mga kasing yaman niya ng walang kahirap hirap dahil iba sa lahat, gwapo siya, may pinag-aralan, mayaman, sa edad niya ngayon ay sobrang successful na niya. Sigurado akong maraming pipila at maraming baliw na baliw sa kaniya kaya bakit? Bakit kailangan niya pa akong piliin para maging asawa niya? Bakit kailangan niya pang mag bayad ng malaking halaga para magpanggap aking asawa niya kung marami namang babaeng luluhod para lang maging asawa niya? Pero, di a dapat magpasalamat na lang ako? Na dahil mas pinili niyang magbayad ng tao para na may magpanggap na asawa niya ay ngayon may panggagamot na ang kapatid ko.

“Pero…” I went back to my senses as Mrs. Hawkingstons as she uttered something. I looked at her and met her confused gaze.

“Pero ‘yong mga gamit sa isa sa mga guestrooms? Sa iyo ‘yon hindi ba?” gulat akong napatingin sa kaniya pero dahil sa kaseryosohan ng tingin niya ay ibinaba ko agad ang tingin ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, mabibisto na ba kami? Ilang ulit akong lumunok bago nakuha ang tapang para magsalita.

“O-opo, a-akin po ‘yon.” Nanliit ang mata niya na parang may nakumpirma.

Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita at ako naman ay abot-abot na ang kaba.

“Hija, May hindi ba ako alam dito?” Mariin niyang wika sa akin, hindi ako makapagsalita. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magaling magsinungaling, akala ko sa pagpapanggap ko sa pub ay gumaling na ako as pagsisinungaling ngunit ngayon ay napagtanto kung hindi pa pala.

“Bakit kayo hindi iisa ng kwarto ng anak ko? Hindi ba at mag-asawa kayo? Kaya bakit naman iba ang kwarto mo?”

“Kasi po—” bago pa ako nakatapos sa pagsasalita ay may sumagot na ng tanong para sa akin.

“Mom, don’t be silly. Siyempre iisa kami ng kwarto ng asawa ko. Sadya lang talagang nandoon ang gamit niya sa isang guest room kasi hindi pa naaayos ang closet ng kwarto ko. Plano kong palakihan kasi hindi kasya ang mga gamit namin doon. You know that my watch and shoe collection consume so much space.” Napatingin ako sa kamay ni Kalvin na nakaakbay na sa balikat ko ngayon. Bumaling ang tingin ko sa mukha niya. Nakangisi lang ito at walang bakas ng pagsisinungaling sa mukha, kung sumagot pa ito’y parang talagang totoo ang mga sinasabi. Hindi ko alam kung hahanga ba ako sa kaniya o ano. Kung makapag-sinungaling siya ay para bang sanay na sanay na siya.

Mukha namang may napagtanto ang ginang at naniwala na sa anak. Pero agad ring kumunot ang noo at hinampas ang braso ng anak. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Kaunti na lang talaga at mababaliw na ako sa bahay na ito. Bakit ba paiba iba ang mood ng Mommy ni Kalvin?

“At bakit naman ang asawa mo ang kailangang mag-adjust ha? Kung hindi kasya ang gamit ninyong dalawa sa closet ninyo eh di ilagay mo ang ibang gamit mo sa ibang closet ng sa ganoon ay mailagay ng asawa mo ang gamit niya sa kwarto mo. Aba anak, hindi pwede ‘yang ginagawa mo. Your wife should not be the only one to always compromise. You are a couple kaya dapat mag-compromise kayo para sa isa’t isa. At tsaka, dapat kasi sinabi mo ito agad sa akin! Dapat sinabi mong magpapakasal ka na edi sana napaghandaan ko kayo ng magarbong kasal at sana naayos ko na at nang nabigyan ko kayo ng mansiyon. Edi hindi ka na sana namomroblema ngayon sa liit ng closet mo diba?” umiiling na sabi ng ginang. Tila diskumpyado sa anak. Si Kalvin naman ay hinalikan muna ang ulo ko bago lumapit sa ina at siya naman ang nilambing. Hindi ko na sila masyadong napansin dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa ginawa ni Kalvin, well … that must be for the act right?

“Pag umalis na ba ang Mommy, pwede na akong bumalik sa kwarto ko?” tanong ko sa kaniya kinagabihan. Dahil muntik na kaming mabuko dahil iba kami ng kwarto ay napagpasyahan naming dito na lang ako matutulog. Tinignan ko siya na ngayon ay nakaupo sa isang single na couch at may tinatype sa laptop niya. Sandali lang siyang nag-angat ng tingin sa akin bago ibinalik ang paningin sa tinatrabaho. Simple lang siyang umiling.

“But, hin—.” Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tinignan niya ako ng mariin. Napatahimik na lang ako. Oo nga pala. I nearly stepped over my boundaries. Hindi dapat ako nagrereklamo. Maayos niyang binibigay ang bayad sa akin kaya dapat maayos ko ring gawin ang trabaho ko.

“Hindi. That would make my mom’s suspicion stronger. And also, if we are not the only people, we need to act as a real couple. My mom has eyes everywhere and I don’t know if I can even trust my househelps. They are from our main house and I’m not sure if their loyalty is on me or my mother.” Saad niya na hindi man lang ako tinitignan. Tumango nalang ako kahit alam kong hindi niya naman makikita dahil nakatingin pa rin siya sa laptop niya. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa gitna namang dalawa bago siya nagsalita ulit.

“If you’re worried about sleeping beside me, don’t worry. I can sleep on the couch.” Napabaling naman agad ako sa gulat sa sinabi niya. Siya? Matutulog sa couch? Tinapunan ko ng tingin ang couch sa kwarto. Sa kwartong ito ay may limang couch, tatlo sa mga ito ay single at ang dalawa ay mahahaba, kung kao ang huhusga doon ay malaki na iyon para sa akin pero kung siya, alam kong kahit kasya man siya ay hindi pa rin siya magiging komportable lalo na at hindi siya mabibigyan ng couch ng espasyong nakasanayan niya.

“I-ikaw ang matutulog sa couch? Pwede namang ako na lang kasi alam ko namang hindi ka sanay sa ganyang higaan.” Dahil doon ay siya naman ang napabaling sa akin. Magkasalubong ang kilay niya na para bang may masama akong nasabi.

“And you think I would let you do that?” he said huskily, napalunok ako dahil sa boses niya palang ay nararamdaman ko ng may iba akong nararamdaman.

“P-Pero kasi sanay naman ako sa ganyan. Mas maayos pa nga ‘yan sa sapin naming banig sa bahay eh.”

Tinignan niya ako ng mariin bago buntong hininga at itiniklop ang laptop niya bago ako lapitan. Naka-upo ako ngayon sa kama kaya akala ko ay dito na siya hihiga pero mahigit ko ang hininga ko nang ilang sentimetro na lang ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa, nararamdaman ko na ang hininga niya at alam ko g ganoon rin siya, pareho kaming nagkatitigan bago bumaba ang tingin sa mga labi. Natural na mapula ang labi niya na nakakapagdagdag sa kagwapuhan niya.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako attracted sa lalaking ito ngunit hindi talaga pwede. Lalaki ako, bakla,at lalaki rin siya. Babae ang hanap niya samantalang nagpapanggap na babae lang ako. Kaya hindi pwede. Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa loob ko, no, hindi ito dahil hindi niya ako kailanman magugustuhan, hindi pa man ako ganoon kaattracted sa kaniya para masaktan para lang doon, ngunit dahil ito sa alam kong bakla ako, at siguro isang himala na lang kung may magkakagusto sa akin ng totoo. At pangarap ko man ang mahalin, alam kong hanggang pangarap na lang iyon.

Pipikit na sana ako lalo na noong mas lumapit ang mukha namin sa isa’t-isa. I was already expecting his lips on mine pero ilang sandali na ang nakalipas ngunit wala pa rin akong maramdaman. Noong iminulat ko ang aking mata ay halos mapanganga ako nang napagtantong hindi pala siya lumapit sa akin para halikan ako kung hindi ay para kunin ang unan na nasa likod ko. Naglakad na siya papuntang sofa. Ako naman ay pumunta muna sa bathroom.

Ito ang unang gabing makakasama ko siya. Pinagmasdan ko ang mukha ko sa salamin pagkatanggal ko sa make-up ko. Hindi ganoon kahalata na lalaki ako. Soft ang features ko at mas naging maganda at mas naging pambabae dahil sa nasanay na ako sa mga skin care routines ko noong nagtatrabaho ako sa pub. Maputi ako at makinis na naman a ko sa mama kong half German, napaanakan ang lola ko, mama ni mama, ng isang foreigner na nakilala ng lola ko sa trabaho. Ang mga pilikmata kong mahahaba naman ay namana ko sa lahi namin. Pati na din ang maninipis kong labi ay galing sa aking ina. Ang namana ko lang sa papa ko ay ang kilay niya. Sakto lamang ang kapal. Kailanman ay hindi ko pa nagagawa ang kilay ko pero kung titignan ay parang maintained ito.

Kung ang mukha lang ang titignan ay hindi niya masyadong maiisip na lalaki ako. Kahit pa wala akong makeup ay hindi ganoon kahalata na hindi ako babae. Ang katawan ko rin naman ay hindi halata. Wala akong dibadib pero dahil may mga babae naman talagang walang dibdib kaya hindi ko na kailangang problemahin iyon. Ang problema na lang ay ang wig ko. Pag ito natanggal ay mabibisto ako ni Kalvin.

 Paano ako makakatulog ng matiwasay ngayong alam kong kaunting pagkakamali lang ay mabibili niya na talaga ako. Paano pag natanggal ‘to habang natutulog ako? I inhaled and fixed my wig before finally going out.

Paglabas ko ay nakahiga na si Kalvin sa couch at gaya ng hinala ko ay nagmukha ngang maliit ang couch dahil sa taas niya. The couch is more or less 6 feet long pero dahil six footer siya ay talagang halos hindi siya kasya. I guess his height is around 6’4? Pinatay ko na ang nga ilaw at ang iniwan nalang na bukas ay ang mga kamo sa magkabilang bedside table. Pipikit na sana ako pero nakarinig ako na bumaling siya. Tapos bumaling na naman. At hindi pa nag-iilang minuto at bumaling na naman. Napakunot ang noo ko at pinilit na lang ang sariling kong matulog. Pero noong patulog na sana ako ay bumaling na naman siya, naiirita na ako sa ingay na nagmumula sa couch. Ilang sandali pa ay hindi na talaga ko nakatiis at tumayo na. Nilapitan ko siya at gaya ng inaasahan ko ay dilat na dilat nga ang nga niya. Tinignan niya lang ako sandali at bumalik na sa pagpipilit na makatulog. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago siya kinalabit, tinignan niya naman ako at tinaasan ng kilay.

Bago pa ako makapagsalita ay napahikab na ako. Gusto ko na talagang matulog!

“Kung ayaw mong ako ang matulog diyan, doon ka na lang matulog sa kama malaki naman ‘yon, kasya tayong dalawa. Huwag kang mag-alala, hindi naman ako malikot matulog.” Diretsong sabi ko sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ay kinuha ang unan niya at tumayo.

Patalikod kaming nakahiga sa isa’t isa. Awkward noong una pero kalaunan ay tanging antok na lang ang naramdaman ko. Bumibigat na ang talukap ng mata ko, sa pagsama ng panaginip sa realidad, narinig ko ang pagsabi niya ng goodnight. Napangiti na lang ako.

Goodnight.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status