Share

Chapter 3

Chapter 3

Ilang araw na rin mula nang dito na ako tumira sa mansion ni Kalvin, dahil wala naman akong ibang magawa ay tumutulong na lang ako sa mga kasambahay sa mga gawaing bahay. Dahil rin halos hindi naman kami nagkikita ni Kalvin dito sa bahay dahil maaga siyang umaalis para sa trabaho at late na siyang umuuwi ay libre akong gawin kung ano ang gusto ko. Naging close na rin ako sa mga kasambahay dito. Mababait naman silang lahat at nagtatagalog naman pala.

“Merna, magbebake ako ng cookies ngayon, may ingredients ba tayo?” Tanong ko sa isang kasambahay habang tinitignan ang cupboard para sa mga ingredients.

“Opo ma’am, kumpleto po diyan ang ingredients.”

Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pagkuha ng mga gagamitin ko.

Pagsarado ko ng oven, narinig ko ang ingay mula sa mga kasama ko sa bahay, na hindi naman nila karaniwang ginagawa lalo pa’t nandito ako, pero hindi ko na lang pinansin.

“Hello, there hija” Nagulat akong napalingon sa nagsalita. Isa itong babaeng siguro ay nasa mid forties or late forties, maganda siya at elegante ang pananamit. Hindi man siya kilala at nagtataka man kung bakit siya narito sumagot na lang rin ako.

“Hello, ma’am.” Ngumiti siya ng malaki at umiling.

“No,no, hija you can call me mom. I am the mother of Kalvin. And you are probably the girlfriend of my son? That child, goodness! He never lets us know what’s going on with his life!” Napapailing na ani ng babae. Napakagat naman ako sa labi ko, s-so she still don’t know? Ang sabi kasi ni Kalvin, sigurado naman daw siya na makakarating ang balitang kasal na siya sa parents niya kasi may mga mata naman daw ito. Kaya siguro siya bumisita ngayon dahil nalaman niya…pero, asawa ang pagpapanggap ko diba?

“A-Actually ma’am, I’m his w-wife.” Tinignan ko ang reaksiyon niya sa sinabi ko, nanlaki bagñhagya ang mata niya pero mukhang sinadya niya lamang ito. So … she really knows.

“W-wow! Goodness! Bakit hindi niya sinabi sa akin? K-Kailan kayo nagpakasal? Saan? Sana sinabi niyo nang napaghandaan ko kayo ng magarbong kasal. Pero, magpapakasal naman kayo ulit diba? Iyong kasama na at imbitado na ang lahat?” Excited na excited ang senyora, hindi ko halos masundan ang sinasabi niya.

“A-ah ehh depende po kay Kalvin, ayos lang naman po sa akin kahit ano.” Sambit ko kasama ang hilaw na ngisi.

“Oh, you should have another wedding! I’m gonna make sure it’s glamorous and extravagant.” Malaki ang ngiti niya, bago napako ang tingin sa kabuuan ko. Nakasuot ako ngayon ng apron at hindi ko man tignan sa salamin ay sigurado akong may mga harina ang mukha ko dahil sa paggawa ng cookies.

“You baked?” hinubad ko muna ang apron bago sumagot.

“Opo, cookies. Mahilig po ba kayo roon? Ano po ba ang gusto niyong kainin at nang maipagluto ko po kayo.” Nanlaki ang mata niya ang ngumiti, tila ba nasisiyahan talaga sa naririnig niya. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon na samantalang sinabi ko lang naman na magluluto ako.

“You know how to cook!” Masayang saad niya.

Tumango na lamang ako. Bata pa lang ang natuto na ako sa mga gawaing bahay. Madalas kasing wala ang mga magulang ko noon kaya kami na lang ng kapatid ko ang natitira sa bahay. Mahirap man ay sa murang edad pinilit kong matutunan ang lahat ng gawain kasi wala namang gagawa noon kasi madalas lumalabas ang magulang ko. Kailangan kong matuto para maalagaan ang kapatid ko. Natuto ang magluto, siguro nasa limang taon ako.

“Ano po ba ang gusto ninyo?” Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya habang pinagmamasdan ako. Nakakailang na dahil kanina pa siyang nakatutok sa akin.

“Carbonara na lang. Thank you darling.” Umupo siya sa highchair sa kusina, balak yata niyang panoorin ako habang nagluluto.

Pagkatapos kong magluto ay hinainan ko na agad siya, ipinaglagay ko na rin siya ng juice sa baso.

“Wow! This is so good hija! Why don’t you build a restaurant? You’re so good at cooking.” Kanina pa ako pinauulanan ng papuri ng nanay ni Kalvin, sarap na sarap siya sa pagkain. Halos nangangalahati na siya sa niluto ko. Napailing na lang ako. Nakakailang man pero hindi ko pa rin maiwasang sumaya, gusto ako ng nanay niya, sigurado ako roon. Aliw na aliw ang ginang sa akin. Sana…ganiyan ang lahat ng magulang, hindi iyong halos hindi ka papansinin at walang paki sa iyo.

“Wala po akong pera ma’am eh.” Napapakamot sa batok na saad ko.

“Darling, it’s Mom, not ma’am. Ok? Anak na rin kita ngayon kasi asawa ka ng anak ko. At saka, if it’s just money that you are worrying of, your husband can give it to you. Ano ba itong ginagawa ng asawa mo at mukhang hindi ka binibigyan ng pera? As a husband he should be a good provider, hayaan mo at pagkauwi no’n ay kakausapin ko.”

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ng ginang, mabuti na lang at kaunti lang ang nainom kong juice. Binaba ko ang baso bago mabilis na umiling.

“No, of course not ma—mom, mabuti po si Alvin, sadyang hindi ko po gusto na sa kaniya manggagaling ang ipangnenegosyo ko. If I want to have my own company then I want to have it as my own, built it with my own. Gusto ko po iyong ako talaga ang naghirap.” Mabilis kong paliwanag .

“Pero hija—” Hindi niya tinapos ang sinasabi niya at tinignan ang basa likod ko. Napatingin rin tuloy ako rito. Kalvin, wearing his three-piece suit, with a suitcase in his hand. Lumapit agad ako sa kaniya at kinuha ang suitcase niya. Bago pa ako makalayo para ilapag sa pinakamalapit na upuan ang suitcase, ginapang niya na ang kamay niya sa bewang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. Nahinto ang paghinga ko ng bigla niyang inilapit ang ulo niya sa buhok ko at inamoy ito pagkatapos ay hinalikan ang ulo ko.

“Good afternoon baby. How’s your day?”

“It’s fine” mabuti na lang at napigilan ko ang pagkautal.

“Hello, mom. What brought you here?” baling niya sa nanay niya at lumapit dito dala-dala pa rin ako. Noong nakalapit na ay lumayo muna siya sa akin at hinalikan ang cheeks ng nanay niya bago bumalik sa akin.

“Hijo! Bakit hindi mo naman sinabi sa amin ng dad mo na may asawa ka na pala! Ni hindi nga namin alam na nagka-girlfriend ka!” Hindi ko alam kung galit ba ang ginang pagkat nakikita ko pa rin ang amusement sa mata niya kahit na pinapagalitan niya na ang anak.

“Mom, I wanted Laura all for myself first. At saka, I want to be sure that we are going to be together forever first before letting you guys know it, I don’t want to disappoint you.” Marahan niyang sabi at tinignan muli ako bago mas hinigpitan ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

“But you guys are already married! At kung wala lang nakapagsabi sa akin hindi mo pa ito sasabihin!”

“I was planning on telling you and dad about it, that’s why I readied a dinner two days from now but…I guess there’s no need for that now.” Nakangiti pa ring aniya.

“So, you already met my wife huh? Isn’t she lovely?”

Mukhang na kuha niya naman ang interes ng nanay niya kasi mukhang nakalimutan niya ang balak na pagalitan ang anak. Umaliwalas na lang mukha ng ginang at tumango bilang pagsang-ayon.

“And she’s a great cook! And kind too! You’re so lucky to have her hijo.”

“I sure am” Naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng pisngi ko sa kahihiyan. Come’on ang galing umarte ng lalaking ito ah? Umalwas ako sa pagkakahawak niya sa akin at hinarap siya. Nakita ko ang gulat at pagbabanta doon. Don’t worry Kalvin, hindi naman kita ibubuko.

“No, I’m the luckiest girl to have you as my husband.” Sabi ko habang marahang hinahaplos ang pisngi niya. Narinig ko pa ang paglunok niya.  I smirked. You're not the only good actor here.

“Oh, you guys are so sweet!” Sabay kaming napabaling sa ginang. Malaki ang ngiti nito habang nakatingin sa aming dalawa. Pilit na lang akong tumawa at tinignang muli si Kalvin na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin, halos nakadungaw na siya sapagkat hanggang baba niya lang ako.

“Gutom ka na ba? May carbonara pa sa kusina.” Hindi siya sumagot ngunit tumango lang.

Sabay-sabay kaming pumunta sa kusina. Parehong nakatingin ang ginang at si Kalvin habang nilalagyan ko ng carbonara ang plato niya, nilagyan ko na lang rin ng juice ang kaniyang baso.

“Thank you” sambit niya noong nilapag ko ang plato sa harapan niya. Halos napapikit ako sa husky ng boses niya.

Umupo ako sa upuan malapit sa kaniya. Nasa gitna siya. Nasa kanan niya ako at sa kaliwa ang mommy niya na hanggang ngayon ay tinitignan pa rin kami na para bang nasa isang palabas ang nakikita niya.

“Son”

“Yes mom?” ni hindi man lang nagabalang balingan ang nanay niya na kinakausap siya sa halip ay ipinagpatuloy niya ang pagkain.

“I’m staying here” napatayo ako at kumuha agad ng tubig noong mabulunan siya. Umuubong tinatapik pa niya ang dibdib niya. Binigay ko ang tubig sa kaniya ba agad niya namang kinuha.

“W-why?”

“Well, your dad has a business trip and it’s boring at home so I decided to stay here for the mean time, and u also want to bond with Laura.” Wika ng ginang at tinignan ako. Ngumiti na lang ako sa kaniya habang iniisip kung gaano kaya ka hirap ang susunod na mga araw ko rito? Mahihirapan kami sa pag-arte.

“B-but mom!”

“Why? Can’t I stay in my son’s house?” Nakataas ang kilay na tanong niya sa anak na hindi na nakaalma ngayon.

Pagkatapos kumain ni Kalvin ay niligpit ko na ang mesa at hinugasan na ang mga plato habang si Kalvin naman ay umakyat sa kwarto niya at magsho-shower daw muna siya.

“You can let the house helps do that hija.” Napatingin na man ako sa biglang nagsalitang ginang. Akala ko kanina ay umakyat na siya sa kwarto kasi umalis siya sa kusina.

“Kaunti lang naman po. Kaya ko naman po ito at saka sanay na ako.” Tumango naman ito.

“Hija, kailan ba kayo nagkakilala ng anak ko?”

“A-ahh ehh—”

“Bago pa lang ba? Kasi wala naman kaming nababalitaan na kasintahan ng anak ko noon.”

“M-Medyo po”

“At pinakasalan mo siya agad?”nanliliit ang matang ani ng ginang.

“M-mahal…ko po siya eh”

Hindi pa rin nawawala ang panlilit ng mata niya. Pagkatapos ay sineryoso ang mukha niya, iba sa mukha niya kanina.

“Magkalinawan nga tayo dito, sabihin mo ang totoo.” Sobrang seryoso ng pagkakasambit niya at ni hindi ko man lang makitaan ng emosyon ang mata niya. Napalunok ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status