Share

CHAPTER 2.1: PRECOGNITION

Buong gabi akong hindi nakatulog. Sinabi sa akin ni Freesia na wag kong isipin ang mga sinabi nung Crimson Ul*l na yun. But look, paulit-ulit na nag-e-echo sa utak ko ang lahat ng nangyari. Kainis. 

I told Tita Calla about what happened when I shouted yesterday. She said that my magic is slowly coming out and I need to prepare for it. Enhanced voice daw ang tawag sa nangyari sa akin. And mostly, witches ang merong ganitong ability. 7% lang daw ng mga mage ang may ganitong ability while witches have 83%. 

Hindi naman ako cross-breed diba? Ay, ba't cross-breed ang term ko? Half-blood pala. 

Kasabay kong pumasok silang tatlo and inikwento pala sa kanila ni Freesia ang nangyari sa akin. Marina and Lia are worried dahil daw napagtrip-an ako ni Crimson Ul*l. Yet they are happy kasi lumabas na ang ability ko. 

Mamayang hapon, meron kaming control training and sasama na kaming lahat. Buong grade level namin ang sama-samang magte-training sa may Training Chamber. 

Habang nakatulala ako sa desk ko, may biglang pumasok na scene sa isip ko. It is me battling to a someone with a fire magic. I vividly remember, I used wind and illusionary magic to beat that someone. Maraming estudyante sa paligid, and there's a male teacher standing nearby as well. Yung itsura ng lugar, malawak na parang dome and walang ibang makikita kundi sahig, pader, mga salamin ding pader, isang pares ng pinto, at mga ilaw sa ceiling. 

"Ahrina..." Bumalik ako sa reyalidad nang tinapik ni Freesia ang balikat ko. "Ayos ka lang?" 

I nodded. "Oo naman. Bakit?" 

"Kanina ka pa tinatawag ng teacher natin. Nine times na." 

Agad akong tumayo at nagsipagtawanan ang lahat ng mga kaklase ko nang patago. "S-Sorry po Ma'am." 

"Oras ng klase ngayon, Ms. Regalia. Kung may problema, mamaya mo na isipin. At kahit pa anak ka ni Governess Regalia, hindi kita bibigyan ng consideration." Alam ko, bw*sit na teacher 'to. Sigawan kita sa tenga eh. "Ngayon, ito ang tanong ko sa iyo. Anong siyudad ng Demetria ang itinuturing na Dark City?" 

I know this. Sinabi ito sa akin ni Freesia nung unang araw ko dito sa Academy. "Dreich po. Dreich is considered the Dark City of Necromancers, hence, the said city is already not part of Demetria so it is also considered the Lone Dark City." 

Nakasagot ako ng tama sa tinanong ng teacher. Pero look at me, napalabas ng classroom. Saan ako pupunta ngayon? 

"Ay t*nga." Napaatras agad ako ng makita kung kanino ako bumunggo. Kung minamalas nga naman, dito pa sa unggoy na Crimson Ul*l na ito. 

"Akalain mo yun. Napalabas ka ng classroom. 'Di ka siguro nakikinig." 

I rolled my eyes to him and just passed by. He gripped my wrist again and pinned me to the wall. "Ang hilig mo sa ganito ano?" He raised his left eyebrow. "Kahapon, ganito din ang ginawa mo sa akin. Ngayon, ganito ulit. Hindi na ako magtataka kung may gusto ka sa akin." P*tek ka Ahrina Tantiana Regalia, where the h*ll did I got the confidence to say those words? 

He smirked. "Ako? Magkakagusto sa iyo? Tsk. Sa isang t*nga at walang kwentang flat chested at pandak na babae?" 

My eyes widened to what he said. Okay na yung t*nga at walang kwenta pero flat chested at pandak! "Excuse me Mr. Crimson Torren, hindi ako flat chested at mas lalong hindi ako pandak! Natural lang sa mga lalaki ang pagiging matangkad. Saka, 5'3" ang height ko kaya hindi ako pandak kasi lampas ako sa five feet! Bahala ka na nga dyan bw*sit na unggoy!"

Nakarating ako dito sa garden ng school. Naupo ako sa tapat ng fishpond at inilubog ang daliri ko sa tubig. Lumapit naman ang mga isda dito at parang kinikiliti ang daliri ko kaya inilubog ko na ang buong kamay ko. "Paano kung wala akong magic? Anong mangyayari sa akin? Makukulong na lang ba ako dito?" 

Sige Ahrina, panindigan mo ang pagiging t*nga mo. 

"Pero sabi nila, walang taong nakalalampas sa portal whatever kaya sigurado akong may magic ako. Yung nangyari kahapon, sumigaw lang ako nabasag ko na lahat ng bintana. Sabi din ni Tita Calla sa akin, lumalabas na daw ang ability ko. Pero ni hindi ko nga alam kung anong magic ko, ability pa kaya," I said to myself. "Kanina, may parang scene na pumasok sa utak ko. Sobrang realistic nun, feeling ko tuloy mangyayari yun sa akin. Possible nga, kasi sarili ko yung nakita ko eh." 

"Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nakikipag-usap sa mga isda." 

Sa gulat ko, napatayo ako bigla at pasigaw na sana ng makilala ko ang mukha nung lalaki. "Thoreau Whistler, 'di ba?" 

He nodded. "Ako nga, Ms. Regalia." 

"Ahrina ang itawag mo sa akin, masyadong formal kapag Ms. Regalia. Kanina ka pa ba nandyan?" 

He nodded again. "Naabutan kitang nakaupo at nagulat ako nung nagsimula kang magsalita." Okay . . . ? "Nga pala, I'm sorry in behalf of Crimson. Mainit lang ang ulo niya kahapon kaya ganon siya." 

"Hindi, okay lang. Wag ka na mag-sorry." 

He looked to the fishes. "Enhanced voice ang ability mo, hindi ba?" I shrugged. "Pero yung mga sinabi mo kanina, I doubt na yun ang ability mo." 

"What do you mean?" 

"There are abilities called precognition and postcognition and those two are common in earth mages. Sa precognition, future ang nakikita while sa postcognition, past ang nakikita. Sabi mo kanina, parang realistic ang scene na nakita mo. Isa iyong sign ng precognition." Dalawa ang ability ko? "Kung magkakatotoo ang nakita mo, precognition ang ability mo." 

"Pero, paano iyon? Dalawa ang ability ko?" 

He shook his head. "Wala pang naitatalang records na hindi lang isa ang ability ng isang magician or supernatural. Pero merong ability na tinatawag ability mimicry. In that case, mas possible na 'yon ang iyo dahil possible na kahapon ay may nasense ka na estudyanteng enhanced voice ang ability at nagaya mo out of your concious. It applies the same as to the precognition." 

I looked to the fishpond. "No'ng unang gabi ko rito, may nakita akong dalawang tao. Si Geminid at yung isa, Headmaster Hades ang pangalan. Sa scene na iyon, napatay nung Headmaster Hades si Geminid." 

As his eyes glittered in interest and confusion, he took a deep inhale. "Then there's a higher chance na ability mimicry nga ang iyo. Tatlo ang naranasan mong ability, enhanced voice, postcognition at precognition." We both looked to each other. "May training mamaya sa Training Chamber. 'Yon na ang chance mo para malaman kung ano ba talaga ang kaya mong gawin. Bihira lang ang mga mages na may ability mimicry, only 0.01% dahil common ito sa mga sorcerer at sorceress." He gave me a smile. "Who knows, baka isa ka na sa mga 0.01% na iyon." 

I smiled too and nodded. "Thanks. Ang bait mo pala. Hindi katulad ng pinsan mong si Crimson. Daig pa ang nakadroga." 

He let out a laugh. Ang cute niya. "Thanks." He offered a hand. "Uh, can we be friends, then?" 

I nodded and accepted his hand. "Sure. Friends."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status