Isinubsob ko ang aking mukha sa manibela dahil pagod na pagod na ako.“I don’t think that sleeping on the steering wheel is a good idea, Miss Anonymous.”Napamulat ang mga mata ko noong marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko naman na kailangang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ang nilalang na bigla na lang sumulpot. Una, napapadalas ang pagsulpot niya sa landas ko. Pangalawa, siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Miss Anonymous.Nanatili akong nakasubsob sa manibela ng sasakyan ko at nahahapo akong sumagot sa kanya, “pwede bang time out muna, Heartbreak Prince? Hindi ko na kasi kaya, masyado na akong mahina kaya pass muna ako sa pakikipag-asaran sa iyo.”“Gano’n ba? Sayang naman, nasa mood pa man din ako para makipag-asaran,” tila natatawa pa niyang sabi.Napabuntong-hininga na lamang ako bago nag-angat ng ulo para isara ang pintuan ng kotse ko at para na rin itaboy ang mayabang na ito. Iyon nga lang, hindi ko natansya ang distansya sa pagitan naming dalawa. Nakadungaw pa
Simula noong sinabi ko kay Enrique na ex-boyfriend ko si Zane hindi na siya naka-imik. Honestly, gusto kong matawa sa tuwing bigla na lang kukunot ang noo niya na para bang nag-so-solve siya ng isang complicated Math problem habang nagmamaneho hanggang makarating kami sa isang Chinese Restaurant para mag-dinner. Gusto raw kasi niyang kumain ng turkey.Nakatitig lang siya sa akin na para akong isang puzzle.“Kanina ka pa ganyan makatingin, ah. Saka akala ko ba gutom ka? Kaina na,” paalala ko sa kanya habang hinihiwa ang turkey meat sa plato ko.“Ex mo si Zane Espinoja? Bakit?” manghang-mangha niyang tanong.Napa-ismid ako sa tanong niyang iyon. “Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung bakit.”Napabuntong-hininga siya at umiling pa bago binalingan ang pagkain sa harap niya.“Kaya naman pala umiiyak ka kanina noong nakita mo siyang nakikipag landian sa iba,” sabi ni Enrique.“Two years kaming hindi nagkita tapos sa ganoong paraan kami magkikitang muli. Ang unfair lang kasi bakit siya ma
“See, I told you. Kung gago ako, mas gago si Espinoja,” komento ni Enrique.Napangisi lang ako kasi parang hindi naman. “Saang banda ka naman naging mag-okay kaysa sa kanya,” hamon ko.“I don’t commit and I don’t make promises I can’t keep,” simpleng sagot ni Enrique habang sumusubo ng turkey.“You think that you are less gago than Zane because you do not commit? Pero pareho naman kayong pinagsasabay ang mga babae sa buhay ninyo.”Umiling sa akin si Enrique, “nope. Huwag mo akong itutulad sa isang iyon dahil nakaka-insulto iyon. Una pa lang, malinaw sa mga nakakasama kong babae na ang relasyon namin ay landian lang, walang personalan.”“Pumayag sila. At saka hindi ako nakikipagrelasyon tapos makikipag-sex sa iba. Isa pa, labag sa paninindigan ko ang patulan ang best friend ng girlfriend ko.”Itinuro ni Enrique ang billboard sa aking likuran.“Look, Miss Anonymous. Nakikita mo ba ang lalaking iyon?”Nasa rooftop ng isang eighteen storey building ang Chinese Restaurant na kinakainan nam
“Shit! What an asshole.”Tumaas ang kilay ko sa reaksyon ni Enrique noong ikinwento ko kung papaano nag-offer ng friendship ni Zane pagkatapos niyang wasakin ang puso ko.“Sa’yo talaga nanggaling iyan, ha? Ipapaalala ko lang sa’yo, Heartbreak Prince. Nasaksihan ko kung papaano mo ginawa sa isang babae iyong ginawa sa akin ni Zane. Parehong-pareho kayo ng linya. Una, ‘it’s not you, it’s me,’ tapos ‘we can still be friends.’”“Aha!”Bahagya pa akong nagitla sa bulalas ni Enrique. Talagang nakaturo pa siya sa akin.“Kaya ka galit na galit sa akin dahil pakiramdam mo magkatulad kami ni Zane Espinoja. Wow, Miss Anonymous, you are unfair! Sabi ko naman ‘di ba, napakalaking insulto sa akin na ikumpara ako sa hayop na iyon. Mag-sorry ka sa akin!”“Ma-una ka! Baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa akin.”“Oi, bawi na ‘yon, ah.”Umiling ako sa kanya.“Wala pa nga akong naririnig na ‘sorry,’ eh. Saka, nag-thank you ako sa tulong mo. Ikaw, may utang ka pang ‘sorry’ sa akin.”Enrique just ma
“Aaahhhhh!” Halos mahulog ako sa kama ko kakabalikwas. Ang malakas na tunog ng alarm clock kasi ang bungad sa umaga ko.“Kuya!”Iritable kong binato ng unan sina Kuya Jared at Kuya Jaden. Hawak-hawak ni Kuya Jaden ang alarm clock na itinutok niya sa tainga ko kanina para magising ako. Isa pang unan ang ibinato ko sa kanilang dalawa noong hindi pa rin sila tumitigil kakatawa.“Saan ka nagpunta kagabi? Anong oras ka naka-uwi?” tanong ni Kuya Jared“Sino ‘yong naghatid sa’yo? Sinabi sa akin ni Manong Paul inihatid ka raw ng isang mapormang kotse hanggang bahay,” segunda ni Kuya Jaden.Si Manong Paul iyong guard ng village. Siya iyong nakabantay sa gate noong naka-uwi ako.“Nagpapaligaw ka ba?”“Oi, ipakilala mo naman. Saan mo nakilala.”Irritable kong tinignan ang mga kuya ko na niraratrat ako ng mga tanong. Tumayo ako mula sa kama ko at dali-daling tinungo ang banyo noong makita kong 7:30 na. Hindi ko na pinansin ang mga kapatid ko.“Juancho, marunong nang makipagbastusan itong kapatid
Sa isang iglap, parang tumigil ang oras sa buong SPU. Peterfolks stopped and waited in anticipation sa kung ano man ang pasabog ni DJ Rob. Ilang saglit pa’y may nagsalita na muli sa speakers.“Thanks, bro. Ha! Alright, I’m not so sure how to do this. Damn, Rob’s got a difficult job. How are you so good at this?... This is awkward.”Nabalot ng mahihinang tawa ang paligid dahil sa awkward na boses na naririnig sa speaker.The voice is awfully familiar, it is not too high, not too low, just right. It is light and pleasant. I hear nervousness in his voice but the little shy whispers he throws in are awkwardly cute. He might not even noticed that he actually cursed on the SPU Campus Radio.Isang malalim na hinga ang narinig namin mula sa speakers. Tila kinakalma niya ang sarili. “I… have no idea how to do Rob’s job, but I will try my best to say my piece.”Habang tumatagal ang pagsasalita niya, mas nagiging komportable siya sa mga sinasabi niya hanggang sa naging natural na ang kanyang pag
It is the weekend at nagpasama ako kay Hannah para puntahan iyong kotse ko sa car shop.Pagkatapos naming mag-dinner ni Enrique noong nakaraan, dumaan muna kami sa car shop para kunin iyong mga gamit ko sa kotse ko. Nakilala ko doon si Kuya Alan, ang may-ari ng car shop. Siya mismo ang personal na nag-asikaso sa sasakyan ko. I honestly liked Kuya Alan. Mukha siyang mapagbiro but I can tell that he takes his business seriously. Iba talaga kapag passion mo ang pinagkakakitaan mo.Hannah and I took my car out of the car shop, saka kami dumiretso sa Blackhole para dumalo sa party ng mga bago naming kaibigan sa SPU. Nag-aya kasi na mag-party sina Misha kanina.We always hear about the crazy parties that Peterfolks throw. Ito ang unang party na pupuntahan namin kaya naman excited kami.Blackhole is a high end party bar located right at the heart of the city. Dito madalas mag-party ang mga Peterfolks. Pagkapasok pa lamang ni Hannah sa loob ng bar, I already saw a lot of familiar faces. Hindi
“How dare you!” bulalas ni Diane. Hindi na niya napigilan ang galit niya. Itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin ako pero bago pa man dumapo sa mukha ko ang sampal niyang iyon, isang malakas na kamay ang sumalo sa pulso ni Diane sa ere. “I don’t think that’s necessary.” Nagulat ako sa muling pagsulpot ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas. Not that I am complaining, but why does he always show up in the most unexpected moments? Kung nagulat ako, mas lalong nagulat sina Diane at Anne. “E-Enrique San-Sandejas,” hindi makapaniwalang pansin ni Diane. Si Anne naman, nakatulala kay Enrique. Sandali, huwag mong sabihing kasali ang dalawang ito sa fans club ni Marcus Aiden Enrique Rickson Sandejas. “This place also does not tolerate violence. If I were you, I wouldn’t start a fight, otherwise you wouldn’t be able to set foot here again.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Ate Pia iyon at may kasama siyang dalawang babae. Hindi ko kilala iyong isa pero namumukhaan k