Share

Chapter 24 : How Could You Do This, Babe

Simula noong sinabi ko kay Enrique na ex-boyfriend ko si Zane hindi na siya naka-imik. Honestly, gusto kong matawa sa tuwing bigla na lang kukunot ang noo niya na para bang nag-so-solve siya ng isang complicated Math problem habang nagmamaneho hanggang makarating kami sa isang Chinese Restaurant para mag-dinner. Gusto raw kasi niyang kumain ng turkey.

Nakatitig lang siya sa akin na para akong isang puzzle.

“Kanina ka pa ganyan makatingin, ah. Saka akala ko ba gutom ka? Kaina na,” paalala ko sa kanya habang hinihiwa ang turkey meat sa plato ko.

“Ex mo si Zane Espinoja? Bakit?” manghang-mangha niyang tanong.

Napa-ismid ako sa tanong niyang iyon. “Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung bakit.”

Napabuntong-hininga siya at umiling pa bago binalingan ang pagkain sa harap niya.

“Kaya naman pala umiiyak ka kanina noong nakita mo siyang nakikipag landian sa iba,” sabi ni Enrique.

“Two years kaming hindi nagkita tapos sa ganoong paraan kami magkikitang muli. Ang unfair lang kasi bakit siya ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status