Share

KABANATA 35

CELESTINE'S P.O.V

I waited for a few seconds before initiating the talk with Damien.

Nakahanap naman kami agad ng pwesto sa isang tila garden na bahagi ng venue. Tahimik doon at walang ibang tao maliban sa amin. Relaxing din ang vibe roon, iyon nga lang ay kasama ko ang literal na bad vibe.

"Anyway, hindi ko na patatagalin ito. May gusto lang akong malaman. Actually, hindi naman ako dahil napag utusan lang din ako na tanungin ka." panimula ko.

Agad naman siyang tumingin sa akin.

"Ganoon na ba talaga ako kasikat at pati ikaw ay nauutusan lang na magtanong ng kung anu ano sa akin?" tila natatawa niyang saad.

Iyon pa lang ang sinasabi niya, at nagsisimula pa lang ang usapan namin ay napipikon na ako agad sa kanya.

"Don't flatter yourself too much. Baka masyadong maging masakit ang pagbagsak mo niyan." makahulugang saad ko, sabay ngiti. And, oh! Don't give me that initial reaction! The smile I gave him was nothing but an evil smile. Not a genuine one! Hindi niya naman kasi deserve.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status