15 years later... "Grabe naman po pala iyong nangyari kila Mama at Papa. I still hope na sana, nawala lang sila. That they eventually survived the fall. 'Tapos may nakakita sa kanila at kumupkop. Then they'll come back for me. For us." Iyon na lang ang nasabi ni Chlyd Dale Nivera. Siya ang anak na naiwan nina Damien at Celestine. And after that accident, he was left with no one aside from her aunt, Jela; sa best friend ng mama niya na si CJ, sa best friend din ng ama niya na si Jeremiah, which eventually ended up as couple; at ni Tita Carmen na hanggang ngayon ay malakas na malakas pa rin kasama ang anak nitong si Jonas. Nasa sementeryo sila nang mga oras na iyon. They are celebrating both the fifteenth second wedding anniversary of the two and sadly, their fifteenth death anniversary. "Pero wala man sila sa tabi mo, lagi mo sanang aalalahanin kung gaano ka kamahal ng mama at papa mo. You are their first and last born. Wala kang kahati sa pagmamahal nila, Dale. They loved you with
"Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?"Hindi ko maiwasan na makaramdam ng sobrang kaba habang nakatingin ako kay Damien. Abala siya sa pagsusuot ng kulay puting long sleeve polo."Gusto ko? Why? Hindi mo ba gusto ito?"Napabuntung- hininga ako pagkatapos kong marinig ang tanong niya na iyon."Syempre, gusto ko. Matagal na natin itong gusto at pinaplano, 'di ba?" sabi ko.Yes, I want it. So much. The moment na magkita kami sa unang pagkakataon, alam na namin na mahihirapan na kami once na kailanganin naming maghiwalay ulit.Dalawang linggo lang kaming nagsama pero... nasanay na agad ako na siya 'yung kasama ko lagi. I love the way how he made me feel comfortable as always. I love being with him. Always.That's when our plan started. Napag- usapan at napagdesisyunan namin pareho na magpakasal kapag tumuntong na kami sa legal na edad. And that's eighteen, yes.At ngayon nga ang araw na mangyayari na ang pinaka hihintay namin. We will be married only few hours left. Ilang sandali na lan
CELESTINE'S P. O. VKuyom ang mga kamay ko habang nakatitig sa walang emosyong mukha ng lalaki na nakaupo sa kabilang panig kung nasaan kami. Mahahalata mo sa mukha niya na hindi siya nakakaramdam ng kahit man lang katiting na pag aalala. Despite the fact na dapat, sa mga pagkakataong ito pa lang ay nanginginig na ang isang normal na taong alam pa ang salitang "takot".But in the case of Jonas? He must be insane! He must be so much more than being out of his mind.Imbis kasi na kakitaan ko siya ng takot at pag aalala ay wala. He's just sitting there, waiting for the judgment as if he was just waiting for a cup of hot tea. Pangisi- ngisi pa siya.And that, made me feel more furious.Kung sa tingin mo, mananalo ka na naman sa kasong ito, hunghang ka, nagkakamali ka na. I'll make sure that every side of this court will be on our favor. Hinding- hindi ko na hahayaan na mabaluktot mo pa ulit ang batas!"Mr. Fuentes said that he was on his mother's house when the incident took place. And hi
CELESTINE'S P. O. VMatapos ng huling katagang binitawan ni Tita Carmen ay napuno ng tunog ng panangis ang apat na sulok ng korte. It was Ynna's mother.Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko.I was just happy because finally, nararamdaman ko na na malapit na kami sa katotohanan. We are so near in getting the justice for Ynna's death.Hindi pa man ay masaya na ako sa nakikita kong progress sa kasong ito na hawak ko.Pero ang ngiti na nasa labi ko ay unti- unting naglaho nang mapagtanto ko na nasa kabilang dako na pala si Mrs. Santiago, ang ina ni Ynna. She was trying her very best to reach for Jonas. And she is so furious that she might cut Jonas down to death."Order of the court!" awat naman ng judge sabay pukpok ng malyete upang matigil na ang ingay at komosyon.Doon na ako tumayo para lapitan si Mrs. Santiago at pakalmahin ito.Hindi naman ako nabigo dahil unti- unti naman itong kumalma ngunit patuloy pa rin sa pag iyak."Again, Mrs. Fuentes, please continue." udyok muli
CELESTINE'S P. O. VToday is really a tiring day! Hectic and busy, yet happy. Sobrang daming nangyari sa loob lang ng araw na ito. Sobrang daming nangyari, hindi lang sa akin kundi maging sa mga taong nasa paligid ko."Kamusta ka naman? I heard, naisara na finally ang kaso ni Ynna Santiago. That's too controversial. And to tell you honestly, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw ang humawak at nagpanalo ng kasong iyon!"Napailing na lang ako at napangiti pagkarinig ko sa sunud- sunod na komento na iyon ni CJ. She's Christine Jiezel Bautista, but I use to call her 'CJ' for short. She's my best friend since I'm fourteen years old and she's fifteen. Sabay rin kaming nangarap na maging abogado. Iyon nga lang, ako lang ang pinalad na makapagtuloy sa pangarap na iyon. While she? She landed being a registered nurse, na hindi naman masama dahil magandang propesyon din naman iyon. To add na iyon naman talaga ang pangarap niya bago niya napagpasiyahan na gustuhin ang law."Gr
CELESTINE'S P. O. VHindi ko maiwasang makaramdam ng magkahalong lungkot at galit habang tinitingnan ang mga files na laman ng envelope na matatanggap ko kani-kanina lang.Naglalaman iyon ng isang flash drive, mga larawan ng magulong Crime scene, at iba pang mga larawan na nagpapakita ng isang babaeng tadtad ng mga pasa at galos sa katawan— isang literal na patunay at simbulo ng kung anumang brutal na pagpapahirap ang dinanas nito.Ang flash drive na kasama sa envelope ay naglalaman ng ilang mga video ng pagpapahirap sa babaeng biktima. Hindi ko na nga natapos iyon dahil hindi ko na talaga kayang sikmurain pa iyon.Lumaki akong mahilig sa mga horror movies at true-to-life crime documentaries. Pero ang tulad ng laman ng flash drive na literal at lantarang brutal na pagpapahirap ay hindi ko na kaya pang tunghayan.Kamakailan lang ay umugong ang usap-usapan ukol sa babae umano na natagpuang nakasilid ang kalahati ng katawan sa drum na puno ng semento. Nakita raw iyon sa isang bakanteng l
CELESTINE'S P. O. VIsang oras na halos o mahigit ang lumipas mula nang matapos ang pag-uusap namin ni Attorney Toledo sa cafeteria pero lahat ng pinag-usapan namin ay parang sirang plaka pa rin na paulit-ulit sa pagtakbo sa utak ko."Bakit ako?”Tanging iyon lang ang mga salita na nasambit ko matapos niyang sabihin na may posblibilidad ngang ako ang gawing representative ng kasong iyon ni Madel Duran.I want to take a part to that case's success. Pero hindi sa ganitong paraan. I mean, yes, pero kasi… ang hirap ipaliwanag."At bakit hindi pwedeng ikaw?” imbis na sagutin ako ay balik-tanong niya lang.Hindi ako agad na nakasagot. Bakit nga ba hindi pwedeng ako?Ginawa kong dahilan sa kanya ang sinabi niya na beterano at batikang abogado raw ang malamang na kukuhanin."And I am not veteran enough. Kung tutuusin nga ay baguhan pa lang din ako dahil isang taon pa lang ako sa propesiyon ko—”"But that's what the management wants. May tiwala kami sa iyo dahil alam naming kaya mo. And we're
CELESTINE'S P. O. VBalak ko na lang sanang ipagwalang bahagi ang mga paghikbi ng driver, pero may kung ano ang nagsasabi sa akin na mag-usisa.Siguro ay inaalala ko lang ang kaligtasan ko. Riding a vehicle with a distracted and crying driver is a clear sign and might be a reason for a fatal accident."M-Manong, ayos lang po ba kayo? Pwede po kayong huminto muna kung hindi niyo na kaya—”"A-Ayos lang ho ako, Ma'am. Pasensiya na.”Muli ay nanatili akong tahimik.Ramdam na ramdam ko ang pagkaumid ng dila ko na halos parang nalunok ko ito at bumara pa sa lalamunan ko.At sa mga pagkakataon na ito ay hindi ko na pinagtutuunan pa ng masyadong pansin ang posibleng kalagyan ko. Ang mas inaalala ko ngayon ay ang dinadala ng driver at ang rason sa likod ng mga paghikbi niyang iyon.Pero gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko magawa. Alam kong wala ako sa lugar para mag-usisa."Ma'am, kung hindi ho makakaistorbo sa iyo, pwede ho ba kitang makakwentuhan lang saglit?” sa gulat ko ay sambit ng dri