Share

Touch Me Not, Mr. Prosecutor
Touch Me Not, Mr. Prosecutor
Author: Eyah

PROLOGO

"Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?"

Hindi ko maiwasan na makaramdam ng sobrang kaba habang nakatingin ako kay Damien. Abala siya sa pagsusuot ng kulay puting long sleeve polo.

"Gusto ko? Why? Hindi mo ba gusto ito?"

Napabuntung- hininga ako pagkatapos kong marinig ang tanong niya na iyon.

"Syempre, gusto ko. Matagal na natin itong gusto at pinaplano, 'di ba?" sabi ko.

Yes, I want it. So much. The moment na magkita kami sa unang pagkakataon, alam na namin na mahihirapan na kami once na kailanganin naming maghiwalay ulit.

Dalawang linggo lang kaming nagsama pero... nasanay na agad ako na siya 'yung kasama ko lagi. I love the way how he made me feel comfortable as always. I love being with him. Always.

That's when our plan started. Napag- usapan at napagdesisyunan namin pareho na magpakasal kapag tumuntong na kami sa legal na edad. And that's eighteen, yes.

At ngayon nga ang araw na mangyayari na ang pinaka hihintay namin. We will be married only few hours left. Ilang sandali na lang at magiging isa na kami. Not just officialy. But also legally.

Ginusto namin na maikasal na agad hindi dahil gusto na naming magkapamilya. Pumayag kami parehas na magpakasal dahil sa maraming bagay. We want to live in the same house without others judging us.

Pareho kasi kaming independent. That's why we both agreed na magsama na lang kami sa iisang bahay as we both reach for our dreams. Together.

"Are you ready, love?" malambing na tanong niya.

Kasabay noon ay naramdaman ko ang marahang pagyakap niya sa bewang ko. He also put his chin on my shoulder.

"Ilang oras na lang, magiging Mrs. Nivera ka na. Legally."

Napangiti ako.

"Oo nga. Ilang oras na lang, pwede na kita under- in." pagbibiro ko.

Tumawa siya.

"You can't!" malakas na sabi niya.

And then we laugh again.

Pero napahinto ako nang mapansin ko ang unti- unting pag seryoso ng mukha ni Damien.

"B- bakit? May... problema ba?" nagtataka at nag- aalalang tanong ko.

"Nothing. I'm just excited. Hindi lang ako makapaniwala na mangyayari ito." nakangiting sabi niya. He even reach for my cheek.

"Akin ang hindi mo mapaniwalaan? Na makakasal ka na sa isang masungit, war freak, madaldal, at-"

"You, shut up. Hindi iyon." agad na putol niya sa sasabihin ko.

Tumawa na lang ako ng marahan at hindi na nagsalita pa.

Tahimik ko na lang na ipinagpatuloy ang paglalagay ng manipis na make up sa mukha ko.

At nang matapos na ako ay agad na akong tumayo.

I smiled as I turn my face to him.

"Tara na?" pagyayaya ko.

Ilang sandali din na hindi siya kumibo. Tulala lang siya habang nakatitig sa akin.

"L- love? Ano'ng problema---?"

"Kanina ka pa, love. You kept asking me kung anong problema. Paano kung sabihin ko sa iyo na ikaw? Ikaw 'yung problema ko?"

Hindi ako nasagot.

"Love---"

"Bakit kasi sobrang ganda mo? What potion did you use to make me go insane like this?" animo' y naiinis na sabi niya.

Doon na ako tuluyang napaluha.

"Heh! Ang lakas mo mang uto!" singhal ko.

"Ikaw kasi. Huwag ka na umiyak. You're just ruining your make up." saway niya.

Lumapit siya sa akin at dahan- dahang pinunasan ang luha ko gamit ang isang piraso ng tissue. He's making sure that my make up won't fade and turn my face into a complete mess.

"There. Huwag ka na umiyak ulit, okay? Save your tears for tonight. Dahil sigurado akong mapapaiyak ka sa magkahalong sakit at sarap-"

"Love...!" nanlalaki ang mga matang saad ko.

Tumawa lang siya at hindi na nagsalita pa.

Inalalayan niya na ako hanggang sa makalabas kami parehas.

Habang nasa sasakyan kami ay hindi ko mapigilan na mapangiti. I also let out a deep sigh. A relieved sigh caused by happiness and so much glee.

I can't wait to be Mrs. Damien Nivera...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status