Share

4 - Kiss

CHANDRIA LILY LOPEZ

Tumakbo kaagad ako pagkababa ko ng sasakyan. Hanggang sa nakita ko si Violet na hinahagod ni Tita Marie, nasa tapat sila ng morgue.

"Ate," naitukod ko ang kamay ko sa pader para makabalanse, pero kaagad ding napaupo.

"Hindi nila ibibigay si papa ng hindi nababayaran ang bills ate." Napatingin ako kay Violet ng sabihin niya iyon.

Kaya ang hirap maging mahirap. Lahat ng galaw kailangan ng pera. Kahit na patay ka na, kakailanganin mo parin ng pera.

"Hahanap ako," sabi ko tsaka tumayo.

Pagkaharap ko ay nakita ko si Reid na walang emosyong nakatingin saakin, nakapamulsa pa ang isang kamay nito. Hindi ko na siya pinansin dahil busy ako.

Sinubukan kong tawagin si Queenie. Pero hindi siya sumasagot. Simula kasing tanggihan ko na ang request niya ay hindi na ito nakipag-usap saakin.

Nahagip ng mga mata ko ang numero ni Donya Gigi. Kinakabahan man ay tinawagan ko ito.

"My, my, Lily. Anong atin?" Salubong niya saakin matapos sagutin ang tawag ko. Rinig ko ang mapaglarong tono ng kanyang pananalita.

"Kailangan ko ng pera, Donya." Tumawa ito ng malademonyong tawa na ikinainis ko.

Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako bababa sa ganitong pwesto para lang makautang ng pera.

"Malaki na ang utang mo saakin, Lily. Kaya mo pa bang bayaran?" Naikuyom ko ang kamao ko sa tanong ni Donya.

"I will do everything in my power to repay you, Donya. Don't worry." I said with full of determination, even if I know to myself, I won't be able to pay it all at once.

Hindi ko alam kung kakayanin kong bayaran lahat ng iyon bilang tagatinda lang ng bulaklak. Pero handa akong pumasok ng kahit anong trabaho para lang mabayaran ang lahat ng utang ko iyon.

"Okay, just send me the details and I'll transfer it to you as soon as possible." Kaagad niyang pinatay ang tawag.

Kaya magandang utangan si Donya Gigi dahil hindi na ito magtatanong kung para saan ang pera, pero nakakatakot siyang magalit kapag hindi ka nakabayad on time.

Muli akong pumasok sa loob at laking pasalamat ko ng hindi ko na siya makita. Simula kasing ginulo ko ang kasal niya ay nagkamalas-malas na ako. Kasalanan ko naman, kaya siguro karma ko lang iyon. Pero nanaisin kong hindi ko na siya makita pa, dahil ayoko ng ipahamak ang sarili ko.

***

Kaagad kong natanggap ang perang hinihiram ko kay Donya Gigi at kaagad ko ring binayaran ang ospital. Kaya pagkatapos kong magbayad ay idineretso na sa punenarya ang ama ko para maipaglamay na namin siya.

Hindi ko na pinatagal pa ang lamay ni papa dahil mas magastos kung papatagalin ko pa. Wala na kaming sapat na pera para ipanggasto doon. At ang perang natatanggap namin ay ilalaan ko nalang sa tuition ni Violet at pangbayad ng utang.

Madaming umattend sa libing ni papa, mga kasamahan niya sa farm namin, kapit-bahay, at buong lungsod narin ata.

Kilala kasi si papa bilang mapagmahal at mapagbigay. Kahit na walang-wala ka na ay nandyan parin si papa para tulungan ka, kahit na walang-wala din siya.

"Pasensya na po Aling Mina, kailangan ko po kasi ng pera para ipambayad sa mga utang ko sa mga bills ni papa." Sabi ko sa mga trabahador namin nang ipagbigay alam ko sa kanila na ibebenta ko ang lupa ni papa.

Pumayag naman si Tita Marie kasi alam niyang may malaking utang ako, basta may kahati lang siya sa lupang minana nila sa kanilang ama.

"Wala narin ho akong maipapasweldo sa inyo," malungkot kong sabi sa kanila. Nagkatinginan naman silang lahat at nagbulung-bulungan pa.

Malaki ang farm na pagmamay-ari ni papa. Isang hectare iyon, at puno ng mga samu't-saring pananim, tulad ng rice fields, corn fields, may mga puno ng mangga at samu't-saring pananim ng mga bulaklak.

Ang kaso nga lang, nasunog ang corn fields namin hanggang sa umabot iyon sa may manggahan, dahil may isang bata na naglalaro ng apoy ang nakapasok sa may corn fields kaya nasunog ito. Simula noon ay bumagsak na ang negosyo namin. Kami kasi ang pangunahing source ng mais at mangga sa buong lungsod maging sa buong Bulacan.

"Ate, paano na tayo?" Tanong ni Violet, puno ng pag-aalala ang kanyang mukha at naiiyak ito. Eighteen palang si Violet at magka-college na ngayong pasukan.

"Eh kung hindi nalang kaya ako mag college, ate? Total graduate narin naman ako ng senior high." Mahinang sabi ni Violet. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso.

"Hindi ka titigil, Letlet. Ayaw ni Papa na tumigil ka, baka pag nakita kang tumigil sa pag-aaral ay baka multuhin pa tayo ni papa." Natawa ng bahagya si Violet sa sinabi ko sa kanya. Hinaplos ko naman ang ulo niya.

"Ako na ang bahala, sa'yo Let. Just focus on your studies. Sayang ang talino mo kung hindi ka makakapagtapos ng college." Sabi ko sa kanya. Huminga naman ng malalim si Violet at tumango. Niyakap ko siya at napakagat ng labi, pinipigilang umiyak.

I held my tears for days now, dahil ayokong nakikita nilang mahina ako. Dahil kung iiyak ako walang mag-aasikaso ng lahat. Kailangan kong maging mas malakas dahil kaming dalawa nalang ni Violet ang naiwan.

***

Magtatatlong linggo na pero hindi ko parin nabebenta ang lupa, at sa susunod na linggo ay maniningil na si Donya.

"May raket ka bang pwedeng ibigay, Dina?" Tanong ko sa tindera na katabi ng tindahan namin. Si Dina kasi ay palaging rumaraket lalo na kapag mahina ang business sa dangwa market.

"Ano, hindi ko alam kung kakayanin mo. Kasi mahinhin kang tao, Lily." Napakamot ito ng batok. Ngumiti naman ako sa kanya bilang ipaalam sa kanya na ayos lang.

"Waitress sa isang bar. Kaso kailangan magsuot ng mga revealing clothes." Napakagat ako ng labi sa sinabi Dina. "Sabi ko sa'yo e, 'yun lang kasi available sa ngayon. Tumakbo kasi yung isa dahil nahawakan lang. Kaya kung hindi mo kaya, huwag nalang, Lily." Aalis na sana si Dina ng hawakan ko siya sa braso.

"Malaki ba kikitain?" Tumango naman siya, "one thousand per day, tapos kapag maka tip ka pa, sobra sa one thousand ang mauuwi mo. Gabi-gabi pagtapos ng anim na oras na duty mo matatanggap ang sweldo."

I quickly took the chance to work as a waitress, with no plans to do anything else. But I knew if clients had extra requests, we'd have to do whatever they wanted. Makakaya ko ba?

Sabay na kaming umalis ni Dina pagkatapos namin magsara ng mga store nang eksaktong alas sais ng gabi. Alas otso ang simula ng trabaho at dahil medyo malayo pa ay kailangan na naming magpunta doon.

"You must be Lily," ani ng isang bakla pero mukha at ayos na babae. Iba lang ang tono ng pananalita dahil halatang-halata ang boses na may pagkalalaki.

"Opo." Tumingin naman ito saakin at pinaikot ako, muli niya akong tinignan mula ulo at baba.

"Pwede na, go get changed." Utos nito at hinila na ako ni Dina papuntang sa likod ng bar para magbihis.

Kumain muna kami ni Dina bago maligo at magbihis. Medyo marami pala kami, may mga lalaki din pero nasa kabilang kwarto sila.

"Here. Tandaan mo lang, Lily, serve and smile. Kapag hahawakan ka 'wag ka nalang tumanggi para walang gulo." Tumango ako sa sinabi ni Dina.

I looked at myself one last time in the mirror, taking in my appearance. I was wearing a short dress that accentuated my chest and had delicate, thin straps. The fabric shimmered and sparkled each time the light hit it, creating a dazzling effect. I took a deep breath, adjusted the dress slightly, and mentally prepared myself for the evening ahead.

Nakasuot din ako ng heavy makeup, si Dina na nag-makeup saakin dahil hindi ako marunong, pero sabi niya kailangang matuto ako mag makeup kung gusto kong manatili sa trabahong ito.

"Lily, dito!" Tinawag ako ni Dina kaya kaagad akong lumapit sa kanya. Her dress similar like mine but in different color. Hers is blue and mine is red. Parehong disenyo din ang suot ng mga lalaki pero naka slacks at vests ang mga ito.

"Lahat ng mga pumapasok dito galing sa mga marangyang pamilya, kaya ngitian mo lang sila lagi para mabigyan ka ng tip, malalaki pa naman sila mag-tip, minsan ten thousand." Bulong ni Dina na ikinatingin ko sa kanya dahil sa sinabi nito. Nagpupunas ito ng baso kaya ginaya ko din siya habang hindi pa nagbubukas ang pintuan.

"Ten thousand? Ganong kalaki?" Gulat kong tanong sa kanya, tumango naman siya.

"Limang libo nga lang nakuha ko pero ayos nadin, kasi gabi-gabi may tip. We're not allowed to do sexual activities, just touching? I guess. Pero iyon nga, unless if the customer wants you, tyak lagpas pa sa ten thousand ang makukuha mong tip." Napanganga ako lalo sa sinabi ni Dina.

Hindi na masama, pero sana huwag lang umabot sa gustong ikama. Ayos na saakin ang konting tip, pangdagdag ko lang sa bayarin ko.

Within moments, the bar doors swung open, ushering in the first wave of guests for the evening. As they entered, the atmosphere shifted, buzzing with anticipation and excitement. Conversations filled the air, mingling with the clinking of glasses and the soft hum of background music.

Behind the bar, we were a whirlwind of activity, meticulously preparing each drink to perfection. From classic cocktails to custom creations, our goal was to ensure that every guest's experience was nothing short of extraordinary.

With each passing moment, the crowd swelled, the energy electrifying the room and setting the stage for a night filled with laughter, camaraderie, and unforgettable moments.

Nakangiti akong umiikot sa loob ng bar, bitbit ang mga drinks na pwedeng kunin ng mga taong nandidito. Hindi man sanay sa ganitong trabaho ay kinakaya ko narin para may pangdadagdag sa bayarin.

Madali lang naman ang trabaho, ngiti lang at serve ng drinks. Pero hindi ko kayang makipaglandian dahil hindi naman ako marunong sa ganon. Ni boyfriend nga wala ako!

In my twenty-five years of existence, I've never experienced love. Ni young love wala. I was to focus on studying and helping papa with our small business dahil wala naman interest si Tita Marie sa pagtatanim.

Habang naglalakad at nag-iikot, hindi maiiwasan nang may iilang mga lalaki na humihipo sa hita ko. Nanginginig man ay hinayaan ko nalang sila at ngumiti.

"Can I have you tonight, miss?" Tanong ng isang lalaki na biglang sumulpot sa harapan ko.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko lalo na't ramdam ko ang mga kamay nito sa magkabilang bewang ko.

"No, not in bed." He chuckled, "just for accompany." He smiled. Napalunok ako dahil sobrang gwapo nito. Kahit madilim ay lumilitaw ang kagwapuhan nito.

"Alright sir, let me put these away first." Pagpayag ko kahit na hindi ako naniniwala sa sinasabi nito. But I need to endure all of this! Kailangan mong maging matatag, Lily!

Sinamaan niya ako sa bar counter at nakita kong nakangiti saakin si Dina nang mapansing may kasama ako.

Pagkalapag ko ng bar tray na may lamang mga drinks ay kaagad niyang hinila ang kamay ko papuntang taas. To the VIP room. We're not allowed to go there unless if a guest brings us there.

Pagkadating namin sa taas ay hindi masyado marinig ang ingay ng musika.

"I'm Jasrel." Pakilala niya at inabot pa ang palad. "Lily," sagot ko. Ngumiti naman ito at nagpatuloy kami sa paglalakad. "You have a beautiful name though, just like you." Napatawa naman ako ng marahan sa sinabi niya, is this is flirting?

"Do you know the meaning of your name?" He asked, I nodded. Siyempre alam ko, hindi naman ako magtitinda ng mga bulaklak kung wala akong interes dito.

"It’s symbolizes purity, innocence, and beauty. In various cultures, lilies may also hold additional symbolic meanings, such as renewal, fertility, and devotion." Muli itong napatawa sa sagot ko.

"Right, you're exactly as your name. Pure, innocent and beautiful." Napakagat naman ako ng labi ng sabihin niya iyon.

"Paano mo naman nalaman na, I'm pure, innocent and beautiful?" Takang tanong ko. "By your reaction earlier," ano ba reaksyon ko?

"Gulat na gulat ka nang ayain kita," tumawa naman ito kaya napanguso ako. Hindi ko namalayan na ganon na pala ang reaksyon ko.

"Come, I'll introduce you to my friends." He gently said and open the door to the last room.

As he opened the door there are several boys are inside with two of my workmates. Binilang ko sila at nasa anim silang magkakaibigan, pang pito si Jasrel.

"Hey," bati ni Jasrel nang makapasok kami sa loob. "So, this is Lily, Lily this is Ivan Fernandez, George Thompson, Isaac Ravini, Collins, Yuri and Reid Sierra." Habang nimemention ni Jasrel ang pangalan ng mga kaibigan ay nagsi-hi naman sila hanggang sa tumama ang tingin ko sa pinaka huling nabanggit. Pinaningkitan ko ito ng mga mata para matukoy kung tama ako sa nakita ko.

He's Reid! Ang lalaking kinaiinisan ko.

"What are you doing here?" He asked furiously, his brows are furrowed as soon as he laid his eyes on me. I rolled my eyes on him.

"Ikaw na naman." Inis kong sabi. Kaagad akong hinila ng katrabaho ko dahil sa ginawa ko. Kaya napabuga ako ng malalim na hininga.

"Do you know each other?" Takang tanong ni Jasrel.

"Yeah, she's the one who destroyed my wedding." Walang emosyong sabi nito. Nanginginig naman ako sa galit nang sabihin niya iyon.

I heard the gasps from their friends as Reid said that too casually.

"Is Reid good in bed?" Tanong ni Ivan, smirking like a crazy jerk.

"What? Pagkakaalam ko e virgin itong si Reid. So, ano itong binuntis ka?" Isaac asked with a playful smile.

"Fuck you. I didn't touch her! I don't even know her!" Sigaw ni Reid sa mga kaibigan nito.

Yuri chuckled and laid his eyes on me. "What brings you to do such a bold act, missy?" he asked, a teasing grin spreading across his face. His eyes sparkled with amusement, clearly enjoying my discomfort. Umiwas ako ng tingin, feeling a flush rise to my cheeks.

"Hey, I said what are you doing here?" Reid asked once again, he looked at me from my head down to my feet.

"Are you working here?" Galit niyang tanong, hindi ko siya sinagot at umupo sa tabi ni Jasrel. Nagsi kantyaw naman ang mga kaibigan nila dahil sa ginawa ko. Kita ko namang nanlilisik ang mga mata ni Reid. Oh, bakit siya galit?

"Why are you mad, Reid? Is it because of the wedding, or because Jasrel has her?" George asked with a mischievous grin. The room erupted with a chorus of "Ohhh" from their friends, all eyes turning to Reid.

Reid's jaw tightened, and his fists clenched. He took a deep breath, trying to stay calm. "What I feel is none of your business, George," he said quietly, the anger in his voice clear. "Just drop it."

George chuckled, unfazed. "Come on, Reid. We're all friends here. No need to be so secretive. We're just curious."

Reid shot George a frustrated look but said nothing more, turning away as the room's chatter slowly resumed, leaving everyone to wonder about the true source of Reid's anger.

Jasrel leans towards me and whisper something.

"Can I act like I kissed you? Tignan lang natin kung anong gagawin ni Reid." Napapikit naman ako sa sinabi nito at nakisali pa nga sa trip ng mga kaibigan.

Jasrel held my chin up, tilting my face gently toward him until our eyes met. His gaze was soft but intense, and it felt as if he could see right through me. "Close your eyes," he playfully whispered, his breath warm against my skin. I hesitated for a moment, my heart racing, then slowly closed my eyes, surrendering to the moment.

As I did, I felt his thumb brush lightly across my lips, pausing in the center. My breath hitched in anticipation. Then, with deliberate tenderness, he pressed his lips against his thumb, which rested on my mouth.

While in that position, someone grabbed my wrist and pulled me away from the room. I saw Reid leading me away from his friends. I couldn't clearly see his face, but I could feel the anger radiating from him. Why? Bakit siya magagalit e wala naman kami. Hindi ko siya maintindihan.

As we walked away, I heard his friends laughing behind us, their amusement echoing in the room.

"Ano ba, Reid! Nasasaktan ako." Hinihila ko sa kanya ang kamay ko.

Hindi niya parin ako binibitawan hanggang sa lumiko kami at isinandal ako sa dingding. Pinunasan niya ang labi ko gamit ang daliri niya habang galit itong nakatingin saakin. I felt electrified dahil sa ginawa niya. There's something in his touch that makes me feel unexplainable feelings.

"Don't let anyone kiss you." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Huh? Bakit hindi? E sino ba siya para utusan ako ng ganon?

"Bakit? Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya, mas lalong nagalit ang mukha niya sa tanong ko, pero hindi ito nagsalita.

"Alis! May trabaho pa ako!" I protested, trying to pull away from his grip. But Reid was relentless. He grabbed both my wrists with one strong hand, holding them firmly against my sides.

His other hand moved with surprising gentleness, cupping my face. His touch was warm and unexpected, sending a shiver down my spine. Before I could say another word, he leaned in, his eyes dark with a mix of frustration and something else I couldn't quite identify.

Then, his lips met mine in a fierce, desperate kiss. My heart pounded in my chest as the world around us seemed to blur and fade away. The intensity of his kiss was overwhelming, a silent communication of the emotions he couldn't put into words. I was caught between resisting and melting into the moment, the confusion and heat of the kiss leaving me breathless and dazed.

I couldn't explain why, but I responded to his kiss. My resistance melted away as his lips moved against mine with an urgency that matched my own growing need. Slowly, he released my wrists, and without thinking, I wrapped my arms around his neck, pulling him closer.

His hands began to roam, one sliding down to the small of my back while the other traced a gentle line up my spine. The heat of his touch sent shivers through me, intensifying the connection between us.

"Just kiss me and no one else," he murmured against my lips, his voice husky and filled with a raw intensity that made my heart race even faster.

What is this?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status