Share

3 - Fate

CHANDRIA LILY LOPEZ

Mahigpit parin ang pagkakahila saakin ng lalaki papunta sa kung saan.

"Ano ba, sir! Nasasaktan ako!" Sigaw ko, napapatingin na ang mga tao sa gawi namin dahil sa salitan ng sigaw namin.

"No, not until you apologize to my fiancé!" Sigaw niya. Hindi ko na makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito saakin habang hila-hila parin ako.

Bakit kasi mas malakas pa siya saakin! Nakakainis! Tulong, please! Ayoko pang mamatay! Hindi sa pagiging oa, pero mukhang doon din ang dating ko sa oras na madala niya ako sa kung saan.

"Sasama ako! Pero pwede ba bitawan mo ako? Masakit na ang kamay ko!" Sigaw ko sa kanya. Napatigil naman ito at napatingin sa kamay ko. Binitawan niya iyon, at halos maiyak ako dahil sa pamumula nito.

Sobrang payat ko lang! At may tendency na magkapasa kaagad ako dahil anemic akong tao! Nakakainis! Nakakainis!

Nanggilid naman ang luha ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Hawak ko ang pulsuhan ko at napapapikit minsan sa sakit.

"Shit." Rinig kong mura niya kaya napatawa ako ng marahan. "Bakit kasi nanlalaban ka!" Habang nagtatagalog ito ay bakas na bakas ang kanyang american accent. Pero mas natawa ako sa sinabi niya.

"Wow! Kasalanan ko pa?! Paano ako hindi manlalaban kung hinihila ako ng isang stranghero? Tingin mo sasama nalang ako bigla-bigla sa isang tulad mo?!" Sigaw ko sa kanya. Ramdam kong tumulo ang luha ko pagkatapos kong sabihin iyon. Kaagad ko naman pinunasan iyon at huminga ng malalim.

"Tara na, pupuntahan pa natin ang fiancé mo hindi ba? Para matapos na ito! Dahil pinipilit mo naman na ako ang gumawa non, heto na. Sasama na. Bilis. Inaaksaya mo ang oras ko." Malamig kong sabi sa kanya. Napaatras naman ito pero kaagad ding gumalaw at nagtungo sa parking lot ng merkado.

Huminto ito sa itim na BWM sedan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Baka tumakas ka pa!" Sigaw niya saakin. Sinamaan ko siya ng tingin pero kaagad ding pumasok sa loob ng sasakyan. Mabilis naman itong nakarating sa driver's seat.

"'Yung order mong bulaklak!" Sigaw ko sa kanya ng maalala ang bulaklak.

"Let it. I don't give a fuck 'bout it. And I don't need refunds." Sabi niya at nagsimula nang iandar ang sasakyan nito.

Patuloy parin ako sa paghahaplos ko ng pulsuhan ko dahil kumikirot parin ito. Naiinis parin ako dahil sa ginawa niya, oo alam kong kasalanan ko, pero can't he see my figure?! I'm too small for him!

Hindi niya naman mapigilan magmura dahil kada minuto ay mura siya mura. Ganito ba talaga ang mga amerikano?

Lumipas ang thirty minutes ata ay nakarating kami sa isang malaking bahay. More like mansyon or kastilyo or kung ano pa ang pwedeng itawag dito. Kaagad namang bumukas ang gate nito at tinahak namin ang papasok sa loob. Halos mamangha ako sa kagandahan ng lugar. Para lang akong pumasok sa mala fairytale castles dahil sa pagkakaayos ng mga pine trees, hanggang sa maliit na halaman habang tinatahak ang daan papalapit sa mansyon.

I didn't know a huge house like this would still exist in Metro Manila. Akala ko kasi napapaligiran na ng mga nagsisitaasang building ang palibot. But there's still a house like this somewhere in Metro Manila. Wow. Just wow. I couldn't describe well the structure of the house but it was more likely designed into medieval times. Like I was in Europe as soon as I looked at the house.

Bumaba siya at sinenyasan akong bumaba. Kaya napababa ako ng sasakyan at kinakabahan na sumunod sa kanya na kalmado lang pumasok sa loob. Bahay niya ba ito? Gaano ba siya ka yaman? Bakit ang ganda ng loob ng bahay niya?

"Come here," inirapan ko naman ito dahil sa pag-utos niya saakin.

"Lux? Baby, I'm home." Tawag niya sa fiancé niya. By the way he calls his fiancé sobrang lambing ng boses niya pero kapag kausap ako, sobrang galit na galit parang gustong makapatay.

Hindi ko siya masisi. Sinira ko lang naman ang kasal niya.

Napatingin kami sa hagdan nang makarinig kami ng tunog na paggulong ng gulong.

A beautiful and angel like woman came down with the maids who's carrying her luggage. She's wearing a black satin dress, it fits her perfectly and the way she moves, full of graces and confidence. Damn. May ganito din palang tao sa mundo?

"Lux? What is this?" Tanong ng lalaki. Hindi ko alam ang pangalan niya at wala na akong planong alamin pa. Dahil ito na ang magiging huling pagkikita namin.

"I'm leaving," kalmado nitong sabi, pero kita sa kanyang mga mata ang sakit at lungkot. Napatingin ito saakin kaya kaagad akong yumuko.

"D-don't leave me, please Lux? Love, can we talk over it? You know I can't do that thing right? We've been in relationship for ten years. You know I am loyal to you and all, Luxury. Please. Don't leave me," pagmamakaawa ng lalaki. Lumuhod pa ito habang hawak ang kamay ng babae na kasing edad ko lang din ata.

Luxury? Her name screams her. It fits her perfectly. Hindi maiitanggi sa tindig at itsura nito ang pagiging marangya.

"How could I believe you, Reid? Sinama mo pa nga dito e." Kalmadong sabi nito pero ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan nito.

"She's here to apologize, Lux. Please will you listen to her?" Pakiusap niya sa babae. Natawa ng mahina ang babae. Shit. Even in her laughs, it's full of grace.

"So-sorry, hindi ko sinasadyang gulu—" hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita ng isang malakas na sampal ang nararamdaman ko.

"Mommy!"

Napaawang ang bibig ko sa sakit at ramdam kong biglang namanhid ang pisngi ko. Nakaramdam pa ako ng pagkahapdi kaya napahawak ako sa mukha ko at nang tignan ko ito ay may dugo akong nakuha.

Napaismid ako. Fuck.

Napatingin ako kung sino ang sumampal saakin. Isang matandang babae, pero kahit matanda na ito ay ramdam ko ang pagiging malamig nito. Sa sobrang lamig niya ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

"Do you know how much damage you have done to my daughter?! The both of you?!" Sigaw niya na ikinapikit ko.

"Mommy, stop!" Pagpigil ni Luxury sa mama niya.

"You'll pay for it." Inis niyang sabi saakin. Kaagad na hinila niya ang anak niya palabas ng mansyon. Sinundan naman kaagad ito ni Reid kaya napatawa ako ng mahina.

This is the consequences you'll receive once you interfere, Lily.

Napatingin ako sa papalayong sasakyan at nabaling ang tingin ko kay Reid na nakaupo sa sahig. Naglakad narin ako palabas at nilakad ko nalang ang papuntang gate dahil gusto ko nang umalis.

"Wait!" Sigaw niya pero hindi ako tumigil. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko na kaagad kong pinunasan sa tuwing tumutulo ito.

"Hop in, ihahatid kita." Sabi niya pero hindi ko siya nilingon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at mas binilisan iyon.

Sobrang init pero hindi alintana saakin iyon. Isa pa sanay narin naman ako dahil lagi kaming nasa farm. Simula bata hanggang sa lumaki ako, sa farm na ako nakatira. Kaya hindi na problema saakin ang init.

"I said hop in! Gusto mo bang ma heatstroke?!" Singhal niya saakin na ikinatawa ko, pero hindi parin ako lumilingon sa kanya.

Nakarating ako sa gate na kaagad ding bumukas at nagpatuloy parin sa paglalakad. Akala ko may dadaang taxi dito, pero wala, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Hey miss! I said hop in and I will drive you back to your store." This time nakababa na ito sa sasakyan niya at hinawakan muli ang pulsuhan ko.

Bakit ba ako hinahabol niya at hindi ang fiancé niya?

Kaagad kong binawi ang kamay ko, hahawakan niya na sana muli nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong sinagot iyon ng makitang tumatawag si Violet.

"Violet, bakit?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi naman kasi tatawag si Violet saakin kung hindi tungkol kay papa.

"Si papa ate... Na-stroke ata si papa ate! Tulong please." Napaupo ako sa sinabi ni Violet.

"C-Call 911, Violet! Bakit ako kaagad ang tinawagan mo? Tawagan mo na, baka mapano pa si papa!" Pinatay ko ang tawag, kahit nanghihina ay sinubukan kong tumayo. Inalalayan naman ako ni Reid pero kaagad kong niwawakli ang mga kamay niyang nakaalalay saakin.

Tumakbo ako papalayo para makahanap ng taxi nang makaramdam ako ng sakit ng ulo at pagkahilo. Nanunugo ang lalamunan ako at nanginginig ako.

No, not now, Lily! Kailangan ka ng pamilya mo!

Napatigil ako sa pagtakbo ng may humila sa braso ko. Napadaing ako sa lakas ng pagkakahila nito saakin, at sa sobrang lakas ay subsub ako sa dibdib niya.

Unti-unti naman nanlalabo ang paningin ko kahit na alam kong malayo ang mga ito, pero kasi nakasuot ako ng contact lenses kaya alam kong nanlalabo ang mga ito.

"I need to see my papa," huling sabi ko bago ako mawalan ng malay. Narinig ko pa itong nagmura at binuhat ako.

***

Naalimpungatan ako nang makaramdam ng pagkagutom. Pagmulat ko ng mga mata ko ay kaagad akong napaupo nang mapagtanto kung nasaan ako.

Nasa kwarto ako na hindi pamilyar saakin. Napatingin ako sa kamay ko nang makaramdam ako ng kirot at nakita kong may IV fluid ang nakatusok sa kamay ko.

Hinanap ko ang cellphone ko at nang makita ko ito ay naka 20 missed calls si Violet. Napatingin naman ako sa bintana at nakita kong madilim na.

Tinanggal ko ang IV fluid na nakatusok saakin at bubuksan na sana ang pintuan nang bumukas iyon kaya napaatras ako.

I saw Reid holding a food tray with foods on it. Napaiwas ako ng tingin doon at maglalakad na sana palabas ng harangin niya ako.

"Ano ba! Kailangan ko ng umalis!" Sigaw ko sa kanya. Kinakabahan ako para kay papa, hindi ko pa nabubuksan ang mga text ni Violet pero alam kong malala iyon dahil sa dami ng missed calls niya.

"Please, let me go. My father needs me." Pakiusap ko sa kanya.

"Bakit kapag nandoon ka ba may mangyayari ba?" Napakagat ako ng labi sa sinabi niya at marahas kong hinila ang kamay ko.

"So, what do you want me to do? Just sit here and wait for him to die? Ganon ba?" I angrily said, and he was taken aback, but immediately composed himself. He shows no emotion after that. Napaismid ako.

"Ihahatid na kita." Sabi nito. Pero hindi ako nakinig at naglakad palabas ng mansyon niya. Sobrang dilim sa labas.

Anong oras na ba? Hindi ko napansin ang oras kanina dahil notif lang naman mula kay Violet ang gusto kong makita.

Muling may humila sa braso ako at dinala ako sa sasakyan niya. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan.

"Get in." Malamig na sabi nito pero hindi ako pumasok. "I said get in." Umaalab sa galit ang mga mata nito kaya wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa loob.

Pumasok din ito at pinaandar ang sasakyan.

"Your seatbelts, miss." Rinig kong sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan at patuloy lang sa pag dial ng number ni Violet. Walang sumasagot. Tinawagan ko si Dahlia maging ito ay hindi rin sumasagot.

Kagad ko na ang kuko ko dahil sa kaba. Nanginginig narin ang mga tuhod ko habang nanginginig na hinahanap ang number ni Tita Marie.

Tinawagan ko ito at mabuti ay sumagot siya.

"Tita, sila Violet po?" Kinakabahan kong tanong.

"Huh? Bakit? May nangyari na sa bahay?" Tanong ni tita. Napakagat ako ng labi at patuloy parin sa pagkitkit ng kuko ko.

"W-wala ka pong balita sa bahay? Hindi ko kasi makontak si Violet, tita." Tumulo ang luha ko sa habang nagsasalita.

"Teka, pupuntahan ko. Wala namang nangyaring masama kay Patpat, diba?" Tanong ni tita dahilan para mapadiin ang pagkakakagat ko sa labi.

"N-na stroke daw tita sabi ni Violet. Ma-may nangyari kasi dito kaya hindi na ako nakabalita. Tinatawagan ko, hindi na sumasagot. Pati si Dahlia. Tita, please pwede puntahan mo po sila? Papunta palang po ako." Binaba na ni tita ang tawag kaya muli kong kinontak si Violet, pero wala. Alam kong mahina signal sa farm, pero kung na-stroke si papa, dapat nasa ospital ito.

"Please, Letlet, answer my calls." My anxiety is killing me. Hindi ko magawang kumalma. May katandaan na si papa, at masyadong mainit sa farm, may diabetes pa si papa at kakagaling lang sa operasyon last month. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung mawawala si papa saamin.

"Where are we going?" Napapikit ako ng mariin ng marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam na kasama ko pala siya.

"M-Malolos, Bulacan." Isang oras lang naman ang biyahe, pero kasi rushed hour na. Kaya matatagalan kami.

Hindi ko na siya pinansin at patuloy parin sa pagtawag sa numero ni Violet. Hanggang sa bigla itong nagpreno akala ko ay mapapasubsob ako dahil hindi ako nagsuot ng seatbelt pero nakita kong hinarang niya ang braso niya sa harapan ko, medyo tumama iyon sa dibdib ko dahil sa biglaang pagpreno niya ng sasakyan.

"Shit." Mura nito at napapreno pa ng malakas. Doon ko lang napansin na may sumingit bigla sa harapan namin.

"I told you to wear your seatbelt!" Singhal niya saakin, na inirapan ko lang.

Napaatras ako nang lumapit ito saakin matapos niyang tanggalin ang seatbelt niya, galit siyang nakatitig saakin. Kabadong-kabado ako sa pwede niyang gawin, pero kaagad niyang hinila ang seatbelt sa gilid ko at ni-lock iyon.

Doon lang ako nakahinga ng maayos nang bumalik na siya sa upuan niya at muling sinuot ang seatbelt, pero ramdam na ramdam ko parin ang malakas na tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Napahawak ako sa tyan ko nang kumirot ito. Napaungol naman ako sa inis.

"Wala na nang mas imamalas ang araw na ito?!" Bulas ko sa inis. Kahit nagugutom ay hindi ko na ito pinansin, isa pa ay hindi ko dala ang wallet ko sa biglaang paghila saakin ng lalaking ito.

Napapikit naman ako nang kumirot ang mga mata ko. Doon ko lang naalala na nakasuot pa ako ng contact lenses. Kaya tinanggal ko na ito. Bahala na kung wala akong dalang glasses. Hindi naman ako mamatay ng wala iyon.

Muli akong nag focus sa pagtawag kay Violet hanggang sa nag ring ito, pero walang sumasagot. Napasandal ako sa upuan sa inis, pero muli akong tumawag.

Huminto naman ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na nasa drive thru kami, umiwas ang tingin ko nang mapatingin siya saakin.

"Thanks goodness, Letlet!" Singhal ko dito nang sumagot na ito.

"Ate..." Mahinang pagtawag ni Letlet. "No, Violet. Don't say it. Papunta na ako." Muling napakagat ako ng labi dahil mukhang alam ko na kung anong nangyari.

Bagsak kong binaba ang cellphone at napatingin sa bintana. Kagat parin ang labi para pigilan ang luha ko, pero hindi ito nagpaawat at tuloy-tuloy na umagos. Ang mahinang hikbi lamang ay napalitan hagulgol hanggang sa takpan ko na ang mukha ko kakaiyak.

"You need to eat, miss." Hindi ko siya pinansin at pinunasan ang luha kong napatingin sa bintana at malayo ang tanaw.

"My father's dead. Tapos tanong mo kung may mangyayari ba kung nandoon lang sana ako?" A bitter laugh escaped my lips, tinged with resentment and sorrow. His silence in response only amplified the ache in my heart.

Muli akong natawa.

Once more, I chuckled bitterly, the sound echoing in the quiet room. "If encountering you again is destined to bring me more misfortune," I said, my voice tinged with resignation, "then perhaps it's best if our paths never cross again." With a deep sigh, I turned my gaze back to the window, the distance offering solace amidst the turmoil within.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status