Share

Chapter 56

KINABUKASAN, dahil Monday, kailangan pumasok ni France sa opisina. Sinabi niyang uuwi na rin kami sa bahay niya. Pumayag na lang ako tutal wala rin naman akong gagawin doon.

At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko torture itong ginagawa niya sa akin. I mean, wala naman siyang ginagawang masama. Kaswal niya naman ako kung kausapin pero feeling ko medyo aloof na siya sa akin. Ni hindi na niya ako hinahalikan. Magkatabi kaming natutulog pero hanggang doon na lang. Ni yakap wala, madalas pa akong talikuran. Parusa niya ba 'to dahil sa ginawa ko? Ano ba 'yan hindi ko siya maintindihan.

Dahil wala pang pasok sa school at wala naman akong pinagkakaabalahan, minsan nasama ako sa kaniya sa office niya. Nauupo ako ro'n sa table ko dati dahil hindi niya naman pinaalis iyon. Wala, madalas pagmamasdan ko lang siya habang busy sa trabaho niya. Kapag naman inantok ako, natutulog ako sa silid doon. Minsan naman nagtatanong ako kung may gusto siyang iutos o ipagawa sa akin pero palagi niyang sinasa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status