Share

Chapter 12 (Part 1)

Samantha

"Goodness! Samantha ka! Bakit ngayon ka lang sumagot!? Nasaan ka ba? Kumusta ka? Ok ka lang ba? Bakit ba kasi naisipan mo pang maglayas!? Talagang babae ka!"

Kaagad kong nailayo sa aking tainga ang cellphone nang marinig ko ang malakas na boses n'ya sa kabilang linya. Napailing ako. Kahit kailan talaga hindi nagbabago.

"Ang boses mo Ate. Nabibingi ako." nakatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi lang bingi ang aabutin mo sa akin kung kaharap kita ngayon. Naku ka... Nag-aalala sayo ang mga magulang mo. Pati kami pinag-alala mo!"

Natahimik ako sa sinabi n'ya. Nag-alala ba talaga sila? Napapikit ako. Bahagya akong napahilot sa aking sentido. Ayaw ko naman talaga sana maglayas. Ang puso ko nagsasabing nag-aalala nga sila ng subra sa akin. Pero ang utak ko ayaw maniwala. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko nag-iisa ako. Wala akong kakampi. Bigla sa isang iglap nawalan ako ng tiwala sa kanila. Pakiramdam ko isang maling galaw ko lang check mate na ako.

I heaved out a deep sighs.

Wala na akong i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status