Share

Chapter 13 (Part 2)

"Tara na Sam. Sa'kin ka lang dumikit pagdating natin dun sa baba." pangungumbinsi pa n'ya sa akin. Kanina pa s'ya kinakabahan. Nag-aalala na baka umakyat bigla si Madam Baby at masabon kaming dalawa.

Pero natatakot ako. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. "E mauna ka na lang kaya. Susunod na lang ako."

Aburidong tinitigan n'ya ako. "Naku hindi pwede. Malilintikan ka no'n ni Madam Baby. Hindi mo kakayanin ang bunganga no'n. Mabuti pa ako at sanay na sa pagbubunganga niya. E ikaw ba?"

Napapadyak na lang ako sa sinabi n'ya. Kanina pa parang tinatadyakan ang dibdib ko. Simula ng marinig ko ang malakas na tugtog mula sa ibaba para nang sinisilaban ang pang-upo ko. Hindi ako mapakali kanina pa.

Gusto kong sisihin ang mga magulang ko sa sinapit kong kapalaran. Kung hindi sana sa walang kwentang kasunduan ng mga ito malayong malagay ako sa alanganing sitwasyon na katulad nito. Pero sinisisi ko rin ang sarili ko sa pagtanggi sa alok na tulong ni Ate Lea. Kasalanan ko ang lahat. Hinayaan kong l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status